chapter seven

15 0 0
                                    

Harona pov

Sa wakas natapos din ang klase namin. Ipinagpapasalamat ko hindi na ako nakagawa nang nakakahiyang eksena. Naglalabasan na ang ilan sa mga kaklase ko. Iilan na lang kaming natitira.

"Sabay na tayong lumabas," yaya sa akin ng bago kong kaibigan.

"Sige ba, "pag payag ko. Nakakatuwa naman dahil nagkaroon na naman ako ng isa ko pang best friend.

flashback

pak.....pak...pak pak pak....

Narinig kong tunog ng palakpakan ng mga kaklase ko.

"Ang galing mo palang kumanta."
"Isa pa please."
"Crush na kita Harona."

"Ang galing mo Harona, bakit itinatago mo ang talent mong yan. Ngayon lang kitang narinig kumanta."dagdag pa ng guro namin.

Isa siya sa mga naging guro ko nung nakaraang taon. Kaya naman nagulat ako nang sabihin niyang magpakilala kami isa isa sa unahan. Pero tama naman siya, halos lahat ng kaklase ko ngayon mga bagong mukha. Iilan lang ang mga namumukhaan ko. Kaya siguro naisip niyang ipakilala kami sa isa't isa.

Masyado naman yata nila akong pinupuri. Hindi naman ako ganon kagaling, ayaw na ayaw nga ni Sandra na kumakanta ako eh, sabi nya pa masakit sa tenga ang boses ko, kaya naman hindi ko binalak pang kumanta sa harap ng ibang tao. Hindi ko tuloy alam kung sino na ang paniniwalaan ko. Hindi naman magsisinungaling ang best friend ko di ba.

"Isa pa harona"
"Akin ka na lang."
"May boyfriend ka na ba?"

Ilan pa yan sa mga naririnig ko. Bigla ko rin naisip ang mukha ni patrick. Napailing na lang ako bigla sa naisip ko. Pumapasok na naman siya sa isip ko.

erase...erase..erase..

Totoo ba talaga ang sinasabi nila. Nakakatuwa naman.

"Maupo ka na, Harona. Bibitinin na lang muna natin yong mga nagrerequest na yan. May iba pa kasing magpapakilala." utos ni sir sa akin, nahihiya akong bumalik sa aking upuan.

"Ang galing mo," napatingin ako sa tabi ko nang marinig ko ang pagbati ng katabi ko. Nakangiti pa siya.

"Ako nga pala si Melanie Abueva, for formal introduction lang ulit. Alam kong ilang beses na rin tayong nagpakilala kanina, kaya alam kong natatandaan mo pa ang  pangalan ko." Sabay abot pa niya ng kamay niya.
Napaka formal naman niya masyado. Tama siya, halos matandaan ko na lahat ng pangalan ng kaklase ko dito ngayon.

"Harona Velasques,"sagot ko, kasabay ang pagabot ng kamay niya.

"Masyado bang pormal,pasensya kana  nakasanayan ko na eh," paumanhin pa nito.

"Hindi noh, okey lang yan, ako lang yong hindi sanay sa mga ganitong bagay, hindi naman kasi bagay sa akin eh..hehehhe."

"Pero ang galing mo talaga kanina, pwede ba kitang maging friends, bago lang kasi,  ako dito eh, kaya naman wala pa kong masyadong kakilala."

"Oo naman,"nakangiting sagot ko.

"Talaga."
Hindi makapaniwalang saad niya. Bakit kaya parang ang saya saya niya.

"Friend." Pakikipagkamay niya ulit.

Ang pormal niya talaga. Inabot ko ulit ang kamay niya.

"Friend."  :-):-):-)

..........

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon