chapter one

15 0 0
                                    


Pak

Isang malakas na sampal ang natanggap niya mula sa babae.

"I'm sorry" paghingi niya ng tawad. Hindi magawang tingnan ng lalaki ang luhaang  babae sa mata dahil alam niyang may kasalanan siya.

"Sorry, sa tingin mo ba mababawasan ang sakit na nararamdaman ko dahil sa paghingi mo ng sorry mo. *sob* Akala ko ba mahal mo ako pero bakit nagawa niyo kong lokohin. Pinagmukha niyo kong tanga. Sa lahat ng tao na pwedeng manloko sa akin bakit kayo pang dalawa.

Puno ng galit ang makikita sa mata ng babae habang pinagmamasdan ang mga taong nasa harapan niya.

"Hindi  ko kayo mapapatawad dahil sa ginawa niyo sa akin."
"At ikaw (baling niya sa babaeng nasa likuran ng lalaking minamahal niya) akala ko bestfriend kita yon pala isa kang ahas. Gagawin ko ang lahat upang hindi kayo maging masaya."

"Patawarin mo ko, wala siyang kasalanan, huwag mo siyang idamay sa galit na nararamdaman mo sa akin. Kasalanan ko ang lahat. Sa akin mo na lang ibunton ang lahat ng galit mo."

"Tumahimik ka. Wala akong paki alam. Pinapangako ko lintik lang ang walang ganti." tinalikuran niya ang dalawa at nilisan ang lugar na yon na puno ng galit at sakit ang nararamdaman......

*sob*...

Click. (Tunog  ng pagbukas ng ilaw)

Napapikit ako ng biglang lumiwanag sa silid.

"Hey, umiiyak ka ba?"

"Eh kasi naman nakakaiyak naman kasi yong eksena noh. Kahit sino naman maiiyak kung mapapanood nila yan noh. Manhid lang ang hindi maiiyak." sabay punas sa mga luha ko.

"Sinasabi mo bang manhid ako."

"Ah, hindi naman eh, eh..,kasi.."

"Ang sabihin mo nakarelate ka lang sa kwentong yon kaya umiiyak ka ngayon. Sabi ko naman kasi sayo iba na lang ang panoorin natin eh, yan tuloy, may tumutulo ng sipon diyan sa ilong mo." litanya niya.

Nahiya naman ako. Nakakainis kasi.
Napahawak ako bigla sa ibaba ng nguso ko, pero wala naman akong sipon. Napansin ko rin kong panu  nagpipigil sa pagtawa ang lalaking nasa tabi ko.

"Nakakainis ka naman eh, binibiro mo na naman ako." pinaghahampas ko siya sa balikat niya.

"Hahahahahahhhh....."pagtawa niya

Sinamaan ko siya ng tingin. Kaasar  talaga ang lalaking to. Kung hindi ko lang talaga to bestfriend, naku..  Hindi lang hampas ang makukuha niya sa akin. Nakita na nga niyang nag eemote ako dito. Nagawa pa niya akong asarin. Patayin ko na kaya to... Heheh joke lang yon.. Mahal ko kaya ang kumag na to. Oh baka kung ano ang isipin niyo. Bilang bestfriend lang noh. Hindi ko kaya siya type.

"Oh  " sabay abot niya ng panyo sa akin.

Tumigil na pala siya sa pagtawa.
Dumako ang tingin ko sa panyong iniabot niya.....Hindi ko napigilan pero bigla na lang akong napangiti at bumalik ang alaalang yon...



****(-:____((((^^^____^^^))))_____:-)******

Hello guys. Sana magustuhan niyo to matagal ko na talagang gustong magsulat kaya lang laging nawawala sa isip ko kung panu ko uumpisahan ang kwentong to.



the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon