chapter nine

11 0 0
                                    

Melanie's pov

Hindi ko akalaing may pov na agad ako. By the way guys magpapakilala muna ako.

I'm Melanie Abueva, 16 years old.
Isa lang ang masasabi ko maganda ako. Thats all...

Hindi makapaniwala ang mga estudyanteng nakarinig sa tinuran ng lalaking nagngangalang Patrick. Ang lakas ng loob niyang manligaw sa harap ng marami at dito pa sa labas ng school.

Hindi ko akalaing ganito pala kasikat si Harona. Pero mukhang hindi niya yon alam.

Kung hindi ako nagkakamali siya din yong lalaking kumausap kay Harona kanina sa cafeteria.

Tama kayo guys, hindi sa classroom, una kong nakita so Harona, kundi sa cafeteria. Siya lang ang unang babaeng nakita kung walang paki alam sa salitang diet.

Nang makita ko siya, sigurado akong magiging isa siyang mabuting kaibigan. Yong totoo, hindi katulad ng ibang nagpapanggap lang sa harap, pero naninira ng patalikod. Kaya naman naglakas na ako ng loob na kausapin siya, at natutuwa ako sa naging outcome ng lahat.

May ilang kinilig dahil sa ginawa niya, pati ako kinilig dahil sa ginawa niya. Kung ikaw ba naman ang ligawan ng isang hunk di ba, pero hindi ko siya type. Mukha siyang good boy masyado. Mas gusto ko kasi ang mga lalaking medyo bad..
hehehe...

(pov ko naman to kaya ok lang na sabihin ko ang mga gusto ko....ok balik na tayo kay Harona.)

Pero, sigurado ako na may isang mas higit na kikiligin dahil sa lalaking ito. Ibinaling ko ang tingin ko sa babaeng katabi ko.

Tama nga ako.

Halatang kinikilig ang lola niyo. Namumula na ang mukha niya. Lalo siyang gumaganda pag namumula siya.
Napangiti ako.

Hindi niya napapansin ang nasa paligid niya. Nakakatuwa talaga siya.

Nabaling din ang atensyon ko sa kaibigan niyang si Sandra, at mukhang hindi siya natutuwa sa nangyayari. May gusto rin kaya siya sa lalaking ito? Alam kaya to ni Harona?

Tama nga ang hinala ko sa babaeng to. Una ko palang kita sa kanya, naramdaman kong may mali sa kanya. Ngayon sigurado na ako hindi ako pwedeng magtiwala sa babaeng to.

Sana lang hindi siya gumawa ng bagay na ikakasira ng pagkakaibigan namin ni Haru. Sa ngayon oobserbahan ko muna siya.....

"Ang ganda mo talaga best."

Narinig kong saad ni sandra, ako lang ba o talagang may halong pagkairita ang pagkakabigkas niyang iyon.

"Ang swerte mo best."dagdag pa nito. Hindi pa rin siya napapansin ni Harona. Ano kayang tumatakbo sa isip niya ngayon?

"Ayos lang ba kung ihahatid kita pauwi sa inyo?"

Muling tanong ni Patrick. Hindi agad makuhang sumagot ni Haru. Hindi niya ata narinig si Patrick.

"Oy best, "pukaw ni Sandra kay Haru.

"Ah, a- ano hindi ba nakakaabala yon sayo?"nauutal na sagot nito.

Nginitian niya lang si Haru bilang sagot.

"Alright, sabay sabay na tayong apat, the more the merrier di ba. Ayos lang ba yon sayo Patrick, kasabay din kasi kami ni Harona eh."masiglang saad ni sandra.

"Oo naman, saka sa tingin ko mas komportable si Harona kung kasama ka niya at si...."

Dumako ang tingin niya sa akin. Oo nga pala hindi niya ako kilala.

"Melanie."maikling sagot ko. Sabay abot ng kamay ko.
"Ako naman si Pat--."

"Patrick, right."putol ko sa sasabihin niya. Kasabay ng pag abot sa kamay ko.
"Narinig ko ang pangalan mo ng tawagin ka ni sandra kanina."

"Nice meeting you, Melanie."
"Me too."

"Ok. Pwede na ba tayong umuwi ngayon."

Nasa gitna pa rin namin si Harona kaya naman nakasunod lang sa amin si Patrick sa paglalakad.

Naiilang ba si Harona?

Ayos lang kaya to sa kanya?
Ano kayang gagawin niya sa susunod pang mga araw?

Pahihirapan kaya siya ni Harona o mapapa oo niya agad si Haru.

Naeexcite na akong malaman kung ano pang mga pakulo ang gagawin niya, mapasagot lang tong si Harona.

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon