chapter eight

9 0 0
                                    

Harona pov

Magkasabay kaming lumabas ni Melanie, mula sa classroom. Hindi ko inaasahan na mabilis kong makakagaanan ng loob si Melanie.

May pagka madaldal din siya. Hindi mo mapapansin na nagmula siya sa isang mayamang pamilya kung hindi pa niya sinabi sa akin, dahil hindi siya katulad ng ibang mayaman na akala mo kung sinong umasta, porket halos nasa kanila na ang lahat.

Madalas din silang magpalipat lipat ng tirahan dahil sa trabaho ng papa niya, kaya naman hindi siya masyadong nakikipag kaibigan sa iba. May pagkakatulad pala kami.

Naalala ko pa ang sinabi niya nang tanungin ko siya kung bakit, gusto niya akong maging kaibigan.

"Ganun pala, eh bakit gusto mo akong maging kaibigan, kung alam mo naman na hindi ka rin magtatagal dito sa school.?"

"Hindi ko rin alam eh, basta nang marinig kitang kumanta, sinabi ko sa sarili ko na gusto talaga kitang maging kaibigan, kahit sa sandaling panahon lang. Magaan din ang loob ko sayo."

Natuwa talaga ako nang sabihin niya sa akin ang mga bagay na yon.

"Ayos lang ba kung tawagin kitang  Mel, simula sa araw na ito, medyo nahahabaan kasi ako sa pangalan mo eh."

Ngumiti pa siya sa akin bago siya sumagot.

"Oo naman, Haru na rin lang ang itatawag ko sa iyo,simula sa araw na ito, kung okey lang sayo?"

"Ang cute naman, ikaw pa lang ang unang tumawag sa akin niyan."

"Talaga, simula.sa araw nato Mel na ang itatawag mo sa akin, Haru naman ang itatawag ko sayo."

"Ok, deal."(^.^)....

.................

Nasa hallway na kami nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na tinatawag ang pangalan ko.

"Harona." Tawag sa pangalan ko,  mula sa kung saan.

Sabay pa kaming tumigil ni mel at nilingon ang papalapit na tumatawag sa pangalan ko.

"Pwede ba akong sumabay sayo?"

Nakangiti nitong tanong sa akin. Nagulat ako nung una, dahil ito ang unang pagkakataon na sasabay siya sa akin pag uwi, dahil kahit bestfriend ko siya hindi pa kami nagkasabay sa pag uwi, well mag kaiba ang direksyon ng bahay namin, kaya naman malabo talaga na sumabay siya sa akin.

"Meron kasing ipinapakuha si mama kina tito Henry, alam mo naman kung saan nakatira si tito di ba?"

Tumango ako bilang sagot ko sa kanya. Tama siya malapit lang sa amin ang bahay ng tito niya. Kaya naman pala. Dahil din sa kanila kaya naman naging kaibigan ko si sandra.

"Tara na," aya nito.
Mukhang napansin na niya si Melanie, nang mabaling ang mga tingin niya dito.

"Oo nga pala, Sandra si Melanie. Mel siya naman si Sandra." pagpapakilala ko sa kanila.

"Nice to meet you, Melanie."nakangiting saad ni Sandra kay Mel.

"Nice meeting you too, Sandra."pormal na sagot nito. Mataman niyang tinitigan si Sandra. Nawala ang mga ngiti ni Sandra.

Anong nangyayari bakit pakiramdam ko may alam sila na hindi ko alam.?

Ilang saglit lang, sabay silang ngumiti sa isa't isa.

Anong nangyari?......

Magkakasabay kaming naglalakad palabas ng school. Pinapagitnaan nila akong dalawa.

Napansin kong halos si Sandra lang nagsasalita sa amin, kung ano anu na lang ang naiisipang itanong ni Sandra kay mel, ang ipinagtataka ko lang ay tipid namang sinasagot yon ni Mel, hindi katulad kanina ng dalawa lang kami. Nawala bigla ang pagkamadaldal niya.

Hindi ko maintindihan, pero parang naging tahimik si mel, simula nang makilala niya si Sandra. Bakit kaya?

Mukhang kailangan kong gumawa ng paraan para maging malapit din sa isa't isa ang dalawang to. Ano kaya ang mga pwede kong gawin?

Abala ako sa pag iisip ng mga ideya na pwwde kong gawin sa dalawakong kaibigan nang mapansin kong may kinakawayan si Sandra.

Nakatayo at nakasandal sa  bukana ng gate ang taong kinakawayan niya.

Nakita ko kung panu kumaway pabalik ang taong yon kay Sandra.

Hindi pa kami nakakalapit pero kilala ko na agad ang taong yon.

Sinong hinihintay niya?

Isang pamilyar na ngiti ang sumalubong sa amin nang makalapit kami sa kanya.

"Hi," bati nito sa amin.

Anong ginagawa niya dito?
Hinihintay niya ba si Sandra.
Bakit?

Akala ko ba, ako ang gusto niya.

Teka lang, nagseselos ba ako? Hindi pwede to, huwag mong sabihing nahulog ka na agad sa kanya Harona.

May nararamdaman na ba talaga ako sa kanya?

"Patrick anong ginagawa mo dito?" tanong ni Sandra.

Hindi rin niya alam kung bakit siya nandito. Hindi ko maintindihan pero bigla na lang akong nakaramdam ng saya, dahil hindi pala si Sandra ang hinihintay niya.

Ibig bang sabihin nito.......

"May hinihintay kasi ako." sagot nito habang nakatingin sa akin. Nag iwas ako ng tingin. Hindi ko pa rin masabayan ang mga titig niya.

Hayan na naman ang mga tingin niyang nakakatunaw. Huwag mo akong masyadong tingnan baka matunaw na lang ako dito....

"Sino naman ang hinihintay mo?"tanong ulit ni Sandra.

Ngumiti muna siya. Ang cute niya talagang ngumiti.

"Hinihintay ko talaga si Harona para ihatid sa bahay nila. Balak ko na kasing simulan ang panliligaw ko sa kanya." sagot nito.

....(////....////).....

the oneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon