Chapter 4

1.1K 29 2
                                    

4

"THANK YOU SA PAGHATID, TROY.." Sabi ko sakanya nang makababa ako ng kotse niya.

"Sus para ito lang, malakas ka kaya sa akin.." Nakangiting sabi nito.

Sus playboy ka talaga!

"Ewan ko sayo umuwi ka na nga.." Pagpaalam ko sakanya.

"Okay ka na ba talaga?" Tanong nito.

"Oo na, nakakalakad naman na ako nang maayos." Paninigurado ko sakanya.

Ay susko panindigan mo yan Christine!

"Sure?"

"Oo nga ay ang kulit! Umuwi ka na nga.."

"Pinapaalis mo na ba ako?" Tanong nito. Nakataas pa ang isang kilay nito habang may pilyong ngiti sa labi.

"Pwede ba Mendoza antok na ako okay?" Pagtataray ko na sakanya.

Napakunot ang noo ko nang makita kong ngumiti siya sa akin.

"Okay tingin ko okay ka na nga dahil tinatarayan mo na ulit ako.." Pagbibiro nito.

"Ewan ko sayo.." Sabi ko nalang at pagkatapos ay tumalikod na sakanya pero nabigla ako nag higitin niya ang kamay ko. Napakurapkurap nalang ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa noo ko.

"Good night babe.."

Pagkasabing pagkasabi niya nun ay pumasok na siyang muli sa kotse niya. Kumaway pa siya sa akin bago siya tuluyang umalis.

Leche galawan talaga yung lalaking iyon eh haynaku..

Nagsimula na akong muli na maglakad papasok ng bahay. Di ko talaga mapigilang ngumiwi kapag tinatapak ko ang kanang paa ko dahil sa nangyaring pagkakahulog ko sa practice kanina. Napauwi tuloy akong wala sa oras, at dahil nga nasa kabilang court lang naman ang basketball team syempre nakatawag kami nang pansin kanina dahil sa insidenteng nangyari kaya yun. Kahit nakakaasar, nagpapasalamat din ako dahil tinulungan ako ng lalaking yun. Nasobrahan nga lang sa pag react para namang nabalian na ako ng buto jusmiyo.

Ehem..

Agad na napalingon naman ako sa kung sino man ang tumikhim. Nagulat ako nang makita kong si Clyde pala yun.

Hay kapag siniswerte ka nga naman..

"Aray!" Reklamo ko nang pitikin niya ang noo ko.

"Sino yun?" Seryosong tanong niya.

"Huh?"

"Tsk, wala.. Umalis na pala si Tita, di ka niya na tinawagan kasi nasa kwarto mo raw cellphone mo.."

Shet oo nga pala, ngayon ang alis ni nanay tsk.

"Salamat sige tatawagan ko nalang siya mamaya. Teka bakit nasa labas ka pa?" Pagtatanong ko sakanya.

Agad naman siyang napaiwas ng tingin sa akin.

"Wala. Nagpahangin lang. Sige papasok na ako.." Pagpaalam niya.

Ganun? Yun na yun?

Nakabusangot na tiningnan ko ang papalayo niyang bulto. Akala ko pa naman makakausap ko pa siya ng matagal hay buhay parang life.

Muli ay naglakad ako papasok sa bahay namin. Hindi ko pa rin talaga mapigilang hindi masaktan sa tuwing tinatapak ko ang isang paa ko. Kagat kagat ko ang labi ko, kung pwede lang na magteleport ako papunta sa loob ng kwarto ko ay gagawin ko na. Sinubukan ko uling ihakbang ang kanang paa ko pero di ko kinaya ang sakit. Pakiramdam ko konti nalang ay maiiyak na talaga ako.

I love you.. KUYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon