Chapter 5

1.2K 45 4
                                    

5

ALAS SIYETE na ng umaga ako nagising. Bumangon na ako sa kama at tinapak ko ang paa ko sa sahig.

Aww

Napangiwi ako nang makaramdam pa rin ng sakit sa kanang paa ko.

Kahit ganoon ay pinilit ko pa ring maglakad hanggang makapunta sa banyo sa loob ng kwarto ko. Naisipan ko nang maligo. Medyo nahirapan pa nga ako dahil masakit pa talaga ang paa ko.

Nang makalabas ako nang banyo ay nagbihis na ako ng pambahay. Pinili ko ang isang puting dolphin short at isang itim na sandong may spaghetti strap. Medyo nahirapan pa akong magpalit ng short. Pero nakahinga naman ako nang magawa ko ito. Nang isusuot ko na ang sandong hawak ay saka naman bumukas ang pintuan.

Napatigil ako sa ginagawa. Nagkasalubong ang mga mata namin. Napansin ko ang pag igting ng panga niya nang mula sa mukha ko ay bumaba ang tingin niya.

OH MY GOD

"Sorry.." Rinig kong sabi niya pagkatapos ay agad niyang sinarado ang pinto.

NANDITO SIYA??? OH MY GOD NANDITO BA TALAGA SIYA????

Agad kong isinuot ang damit na hawak ko. Sinuklay ko rin ang buhok ko saka ko tiningnan ang sarili sa salamin. Pagkatapos nun au paika-ikang naglakad ako papunta sa may pintuan.

Napasinghap ako nang bumungad siya sa harapan ko pagkabukas ko ng pinto. Mukhang bagong ligo pala siya. Isang muscle tee na may statement na kulay gray ang suot niya at nakaitim siyang short. Medyo magulo ang medyo basa niya pang buhok at teka bat namumula ang tenga niya?

Nang tingnan ko siya ay nahuli ko siyang nakatingin sa may ibaba ng baba ko. Agad na iniwas niya naman ang mga mata niya sa pagkakatingin sa akin.

"Aray!"

Nasapo ko naman ang noo ko.

Bakit ba ang hilig hilig niyang pititkin ang noo ko? Inaano ba siya ng noo ko???

"Nakaawang nanaman kasi yang labi mo.. Asdfghjlwush.."

"Huh ano?" Kunot noong tanong ko nang hindi ko maintindihan ang huli niyang sinabi.

"Wala. Sorry pala kanina. Akala ko tulog ka pa. Late ka nagigising kapag weekend eh."

Wow alam niya?

"Bakit alam mo?" Halos mamilipit ako sa lambing nang pagkakatanong ko sakanya.

Tinaasan niya ako ng kilay.

Aaahh bakit ang pogi pogi pogi nito?!!

"Kasi kapag weekend di ganoon kaaga ang pagbulabog mo sa akin."

Ang kaninang nagingislap kong mata ay biglang nawala.

Ugh fineeeeeee. Akala ko pa naman! Hayst. At saka bulabog talaga?? Di ba pwedeng namiss lang kita kaya ganon?!

Isang pitik nanaman ang nakuha ko mula sakanya pero this time sa ilong na.

"Bakit ang hilig mong mamitik?!" Asar kong sabi habang hinahawakan ang ilong ko.

I love you.. KUYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon