Chapter 3

5.9K 193 98
                                    

3

ANG saya ko ngayon, nandito kasi ako sa coffee shop ni Clyde. Isinama niya ako.. okay fine pinilit ko siyang isama ako at syempre dahil maganda ako eh hindi niya ako natiis ako pa.

"Ano nanamang iniisip mo at ngumingiti ka nanaman nang mag isa?"

Napatingin naman ako sa direksyon niya. Nakahiga kasi ako ngayon sa sofa habang siya nasa harap ng laptop niya sa table niya.

"Ayiee ikaw ha kanina mo pa ba ako tinitingnan? Natatamaan ka na ba ng alindog ko?" Pinaningkitan ko siya habang may ngiting pang asar.

"What? No way. Napatingin lang ako sayo okay?" Sagot niya naman.

"And please pakibaba ng paa mo.." Seryosong dugtong niya.

Inirapan ko naman siya at sinunod ko ang sabi niya. nakataas kasi ang paa ko sa himlayan ng sofa eh sa komportable ako sa ganoong posisyon eh.

"Hayst."

Nakabusangot akong umupo. Tiningnan ko siya, ano ba kasi yang pinagkaka abalahan niya? Badtrip naman oh mula kaninang alas dose pa yata siya diyan sa harap ng laptop na yan, anong oras na? Alas tres na ng hapon pero dinedema niya pa rin ako. Asar!

Napagdesisyunan kong lumapit sakanya, nakatayo ako sa may gilid niya.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.

Napapout akong nang hindi niya ako pinansin. Pumunta ako sa may likod niya niyakap ko siya sa may leeg niya at pinatong ko ang baba ko sa balikat niya.

"Christine.."

"Anong ginagawa mo?" Tanong ko ulit. Narinig kong napa buntong hininga siya.

"Ang kulit.. Wala, tinitingnan ko lang ang status ng coffee shop." Sagot niya.

"Maganda naman ang takbo ng coffee shop mo ah? Gustong gusto nga ng mga tao, kaya please huwag mong masyadong pagurin ang sarili mo okay?" Malumanay kong sabi sakanya.

Nabigla ako nang tanggalin niya ang pagkakayakap ko sa leeg niya. Akala ko papa alisin niya na ako pero hindi pala.. Hinigit niya ang kamay ko dahilan para mapa upo ako sa kandungan niya.

"Clyde.."

Hindi siya umimik, niyakap niya lang ang bewang ko at binaon niya ang mukha niya sa leeg ko. Hinayaan ko na lang siya at iniyakap ko na rin lang ang kanang braso ko sa may batok niya.

"Inaantok ka?" Tanong ko sakanya habang nilalaro ko ang malambot niyang buhok.

"Masakit ulo ko." Pabulong niyang sabi.

"Gusto mo uminom ng gamot?" Nag aalalang tanong ko sakanya.

I love you.. KUYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon