Chapter 2

5.3K 154 24
                                    

2

NANDITO ako ngayon sa tapat ng pinto ng bahay ng aking one true love, bibigyan ko siya ng carbonarang niluto ko baka hindi pa siya nagmemeryenda. Alam kong nandito siya ngayon dahil sunday ngayon kaya sarado panigurado ang coffee shop niya.

Kumatok ulit ako pero wala pa rin akong naririnig sa loob. Baka naliligo siya? Agad agad namang nainspired ang utak ko at nakita ko siya habang nasa ilalim ng shower. Kitang kita ko ang pagdaloy ng tubig sa katawan niya. Sa malapad niyang likod, sa braso niya, pababa sa..

"Aaaaah!"

"Tsk pumunta ka lang ba dito para sirain ang eardrums ko?" Naiiritang sabi niya.

Napakurap kurap naman ako nang may magsalita sa harapan ko. Kanina pa ba siya? Nasapo ko tuloy ang noo ko.

Goodness! Gumana nanaman ang imagination ko. Pero sayang mas maganda siguro kong sa.. front view?

"Anong kailangan mo?" Kunot noong tanong niya.

Napaayos naman ako nang tayo at ngumiti ako nang pagkatamis tamis sakanya. Muntik ko pang makalimutan ang ipinunta ko dito dahil kung saan nanaman ako dinala ng imahinasyon ko. My god nakakahiya ka Christine!

"Dinalhan kita ng food ako mismo nagluto nito!" Proud kong sabi.

Nilakihan niya ang bukas ng pinto. Nakita ko ang kabuuan niya. Bakit ba ang tangkad niya? Mas nae-emphasize lalo ang kaliitan ko, hanggang balikat niya lang kasi ako. Nakasuot siya ng puting shirt at pulang jersey short pero bakit ganun, ang gwapo niya pa rin kahit naka pambahay lang? Pumasok na ako at dumiretso na sa may kitchen. Well, alam ko na ang pasikot sikot sa bahay niya. Ako pa! Stalker niya kaya ako!

"Bakit ganyan ang suot mo?"

Napalingon naman ako sakanya at nakita ko nanaman ang nakakunot niyang noo. Ano bang mali sa suot ko? Naka medyo fit akong tshirt at cotton short ako na umaabot naman sa medyo kalahati ng hita ko. Ganito naman talaga ang mga pambahay ko eh.

"Bakit may mali ba sa suot ko?" Balik tanong ko sakanya nang makarating na kami sa kusina.

"Ang ikli ng short mo tapos naka fit ka pang damit. Lumalabas ka ba ng bahay na ganyan lang ang suot?"

Kumukuha na ako ng plato at tinidor namin. Pinipigilan kong huwag tumili at tumalon. Ito nanaman siya sa pagiging conservative niya. Feeling ko tuloy boyfriend ko siya at pinapagalitan niya ako dahil sa suot ko.

"Ito namang mahal ko, napaka conservative." Nakangiting sabi ko nang lagyan ko na ng pagkain ang plato niya.

"Tss. Teka bakit dalawa ang plato?"

"Syempre dito ako kakain. Gusto ko sabay tayo." Nakangiting sabi ko habang nilalagyan ko naman ngayon ng tubig ang baso niya.

I love you.. KUYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon