Prologue

9.3K 103 4
                                    

WALONG TAON

I'm eighteen and he's already twenty six.

At ako ay isa sa mga taong saludo sa gumawa nang kasabihang Age doesn't matter.

Eh ano naman kasi ngayon kung masyadong magkalayo ang edad namin? Hindi ko talaga maintindihan ang mga tao kung bakit napaka judgemental nila. Tsk bakit kapag dapat ba nagmahal tayo dapat sa ka edad rin lang natin? Nakalagay ba yun sa bibliya? Nakalagay ba yun sa 1987 Constitution of the Republic of the Philippines? Na kapag nagmahal tayo ng mas bata o mas matanda sa atin eh matatawag ng kasalanan? Na labag na ito sa batas?

Minsan kaya mahirap mahanap ang totoong kaligayahan sa buhay kasi mas nauuna pa nating isipin ang mga iisipin at sasabihin sa atin ng mga taong nasa paligid sa atin na wala namang alam kung hindi ay ang manghusga at hanapin ang ating mga kamalian.

Kaya ako hinding hindi ako susuko sakanya. Life is short. Single naman kami parehas at saka mahal ko siya.. well at alam kong mahal niya rin naman ako sadyang mahiyain at nasa in denial stage palang talaga siya hehe.

Pero naniniwala akong darating din ang araw na sasagutin niya ang panliligaw ko, medyo may pagka conservative at may pagka hard to get lang talaga ang mahal ko kaya kahit tatlong taon ko na siyang nililigawan eh heto at hindi pa rin kami PERO kahit ilang beses niya pa akong ipagtabuyan, wala naman siyang magagawa dahil babalik at babalik pa rin ako sakanya.

Kaya ikaw Clyde Jefferson Vicente i-enjoy mo na ang mga natitirang araw nang pagiging single mo dahil nararamdaman kong nalalapit na ang araw na pinaka hihintay ko..

ANG TULUYANG MAHULOG KA SA BITAG KO.

A/N: Amp kinikilig talaga kasi ako kay Clyde kaya pinost ko na agad agad. Haha sana basahin niyo thanks :)

I love you.. KUYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon