Chapter 6

1.5K 47 15
                                    

6

NAGMAMANEHO na siya ngayon papuntang coffee shop. Mga 1 na kami nakaalis ng bahay dahil doon na rin kami kumain ng lunch. Medyo mga 20 minutes pa yata ang aabutin bago kami dumating doon.

"Galit ka ba?" Di ko mapigilang tanungin siya dahil nabibingi na ako sa katahimikan sa loob ng kotse niya.

Hinintay ko siyang sumagot pero wala akong narinig na tugon mula sakanya. Napabuntong hininga nalang ako pagkatapos ay tumingin nalang muli sa bintana ng kanyang kotse. Ngunit ilang minuto lang ang nagdaan nang biglang mapakislot ako dahil sa ginawa niya. Pinatong niya ang malaki, mainit at magaspang niyang kamay sa may hita ko.

"Clyde.."

"Just stay with me when we get there.." Seryosong sabi niya habang nakatuon pa rin ang mga mata sa kalsada.

Napabusangot ako sa narinig.

"Bakit pakiramdam ko parang galit ka.." Pabulong kong sabi.

"I'm not mad.."

Pinaikutan ko siya ng mata. Hmp kung hindi lang talaga kita mahal haynaku.

"Hindi daw eh bakit hindi mo ako pinapansin kanina pa??" Sagot ko pa.

"I'm not mad.."

"Dahil pa ba to sa nangyari kanina?" Kunot noong tanong ko.

Di siya sumagot pero nakita kong umigting ang panga niya.

"Clyde naman.." Sabi ko pero hindi niya nanaman ako pinansin.

"Kuya.."

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang marahang pagpisil ng kamay niya sa hita ko. Magsasalita sana ako nang bigla namang huminto ang kotse niya. Naka stop kasi pala nasa may crossing na kami.

Bumaling siya nang tingin sa akin. Naglakbay ang mga mata niya sa mukha ko pababa sa katawan ko hanggang sa kamay niyang nasa hita ko.

"I told you, I want it covered.." Sabi niya sa mababang tono pagkatapos ay marahan niya uling pinisil ang hita ko.

Naka fit na maong short kasi ako na high waist na medyo nasa may kalahati ng hita ko fine maikli ito at naka mustard yellow akong shirt na tinuck in ko sa loob ng short.

"Kaya ka ba nagkakaganyan?" Natatawang sabi ko.

Naramdaman ko namang umandar na ulit kami.

"Clyde.. uy.." Baling ko sakanya pero hindi niya ako pinansin.

"Hala di na talaga ako pinapansin?" Sabi kong muli sakanya.

Nang wala talaga akong sagot na nakuha sakanya ay tinigilan ko na siya. Pinatong ko na lamang ang kaliwa kong kamay sa kamay niyang nasa hita ko.

"Ang init naman kasi kung magpapantalon ako at saka ikaw naman ang kasama ko eh. Hindi naman ibang tao.." Huling sabi ko sakanya.

Narinig ko naman ang mahina niyang pagbuntong hininga.

"Just stay with me.. I'll be fine.."

Yun na ang huli kong narinig mula sakanya.

Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na rin kami sa coffee shop niya. Habang nagpapark siya ay napansin kong marami ang nasa loob ng coffee shop. Ang alam ko kasi kapag weekend ay hindi siya ang nagbubukas ng coffee shop. Ang ka sosyo niyang si Calvin na matagal niya nang kaibigan ang naka toka kapag weekend.

Isang pitik sa ilong ang nagpabalik sa akin sa reyalidad.

"Ayan ka nanaman eh!" Nakabusangot kong sabi sakanya habang hawak hawak ang aking ilong.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I love you.. KUYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon