Chapter 1

7.9K 136 14
                                    

1

"CHRISTINE JANE RICAFORTE BUMABA KA NA!" Sigaw ng nanay ko.

Dali dali ko namang tinapos ang pagsilip ko sa bintana ng katabi naming bahay mula sa bintana ng kwarto ko.

Sayang! Bakit ba kasi may kurtina ang bintana ng kwarto niya? Badtrip.

Kinuha ko ang shoulder bag ko at nagmadali akong bumaba para kumain.

"Goodmorning nanay!" Masayang bati ko sakanya sabay kiss sa pisngi niya.

"Ano ka ba namang bata ka! Disi otso ka na at hanggang ngayong ang kupad mo pa ring gumalaw!"

Jusko friday palang ngayon pero bakit mayroon nanamang sermon? Tsk tsk.

"Ma sasabay po ako kay Clyde papuntang school."

"Magpapa cute ka nanaman? Mukhang apat na taon ka na yatang nanliligaw kay Clyde ah may development naman ba?" Natatawang biro ni nanay.

Oo tama kayo ng dinig, alam ni nanay ang undying love ko para sa pinakamamahal kong si Clyde Jefferson Vicente.

"Nanay naman, tatlong taon palang naman. At saka nararamdaman kong sasagutin niya na ako ngayong taon kaya humanda ka na nay sa pamamanhikan nun." Mayabang kong sabi pagkatapos kong sumubo.

"Teka mukhang taon taon ko na yata yang naririnig mula sayo ah?" Natatawang sabi ni nanay.

"At taon taon din ganyan din ang nakukuha kong comment sayo nanay." At nagtawanan na kaming dalawa.

Vroom..

"Oops teka mukhang paalis na siya teka nay mag to-toothbrush lang po ako."

Dali dali akong pumunta sa lababo. Nag spray muna ako ng pabango bago ako tuluyang lumabas ng bahay.

"Nay alis na po ako Love you!"

"Love you too nak ingat ka."

Nakangiti akong lumabas ng bahay at mas lalong lumapad ang ngiti ko nang masilayan ang my one and only true love ko.

Jusko bakit ba kasi ang gwapo ng nilalang na ito? Kahit simpleng white v-neck shirt, maong pants at rubber shoes ang lakas pa rin ng sex apeal niya. Jusko agang aga nagkakasala ang utak ko my god.

Lumapit ako sa kotse na nasa harapan ng bahay namin. Well, ganito talaga ang routine namin pag umaga at saka close na rin naman kasi sila ni nanay. Pinagbuksan niya ako ng pinto nang makalapit ako sakanya.

"Goodmorning Clyde ko." Nakangiting sabi ko.

I love you.. KUYATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon