Chapter One

66 3 1
                                    

Roux

Nakakagigil. Nakakaasar. Ang sarap manapak ngayong oras na to.

Sinubukan kong magpaka normal nang lumapit ako sa kanya.

"Hi! ^^" maganda kong bati sa kanila at inistorbo sa pagkain nila.

Tinignan ako nang magaling kong boyfriend nang masama pero ako todo smile :) kahit nasasaktan na :(

"Please Roux wag kang gumawa nang eksena dito." mahinang saad ni Cleo

Ngumiti muna ko bago nagsalita "Ako? Gagawa nang eksena? Hindi ba ikaw ang gumagawa ng eksena sa harapan ko? Ha?! Cleo! IKAW ATE GIRL! ANG TAPANG MO NAMAN! ALAM MO NAMAN SANA NA MAY INIIROG TONG NILALANDI MO TAPOS-!" hindi ko natapos yung sasabihin ko nang biglang tumayo si Cleo sa pagkakaupo niya.

"Ikaw Roux! Wala kang karapatang ganyanin si Hanna! Nakikita mo naman na eh diba?! Nambabae ako! Wag ka namang magpaka tanga magpaka martyr! LAYUAN MO NA KO! HINDI NA KITA MAHAL!" halos manlumo ako sa bawat salitang inilalabas ni Cleo wala akong pake kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito basta't nagsalita lang ako

Sinampal ko siya sa kanan niyang pisngi "How dare you! Lahat ginawa ko! Lahat ibinigay ko! Lahat isinugal ko! Pero. Yan lang! Yan lang ang isinukli mo sakin! Ha?! Sabihin mo nga sakin?! Minahal mo ba talaga ko?!" naiiyak na nagagalit na sabi ko

"HINDI KITA MINAHAL!" hindi ako makaresponse agad sa sinabi sakin ni Cleo napatingin nalang ako sa floor at nagsibagsakan ang mga luha ko habang si Cleo ay umalis na kasama yung bago niya habang ako nakatayo lang dito nasasaktan. Nagdudusa.

Despite all! Pananakit at panloloko lang talaga ang balik sakin!

Tumakbo ako palabas ng mall at pumunta ng parking lot at sumakay sa sasakyan ko.

Dumukdok nalang ako sa manibela at umiyak ng umiyak ng umiyak.

Nang medyo mahimasmasan na ako sa pagkatanga ko masakit parin eh kaya pinaharurot ko yung sasakyan ko papunta sa condo ko.

"NAPAKAWALANG HIYA MO TALAGA CLEO! WALA KANG KWENTANG TAO! WALA KANG PINAGKAIBA SA LAHAT NG LALAKING SINAKTAN LANG AKO NILOKO AKO! AT PINAGLARUAN AKO! MAMATAY NA KAYO!" hiyaw ko habang umiyak dito sa rooftop ng condo ko

Sa tingin ko wala ng patutunguhan tong buhay ko nato! Parang cycle nalang eh! Kasalanan ko ba't idol ko si Taylor Swift?! Kasalanan bang magmahal ha?! Loving was never a mistake! Kahit paulit ulit pakong magmahal at mag iba iba! Hanggang sa mahanap ko na yung tamang tao para sakin! Hindi mali yon. Pero ang manakit, manloko at magpaasa. ISANG MALAKING KASALANAN!

Umiyak ako nang umiyak hanggang sa hindi ko na talaga makayanan ay tumayo ako sa edge ng rooftop.

I closed my eyes. 1- 2- 3- Fo-...

"HOY!"

Nagulat ako nang may biglang humiyaw sa likod ko idinilat ko yung mata ko at tumingin ako sa humiyaw.

Ibinaba niya yung hawak niyang black bag may lamang kung ano basura yata.

Kagwapo namang basurero na-

Natigil ako sa pag papatansya nang magsalita siya.

"Are you out of your mind?!" tanong niya ang sungit --__--

Masungit mode: ON

"Eh pake mo ba?" sabi ko at umirap

"May plano ka bang tapusin yung buhay mo ha?!" tanong nito

"Oo baket?! Ano pa bang silbi ko dito?! Kung parang cycle nalang yung buhay ko! Paulit ulit nalang! Paulit ulit nalang nila ko sinasaktan!" sabi ko habang umiiyak

Henz & RouxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon