Chapter 13

9 0 0
                                    

Henz

"Kase Roux... Mahal kita.." tapang tapangan kong sabi habang nakasandal na si Roux sa kanyang sofa at mahimbing na natutulog.

Pucha naman.

Yun na eh. Malalaman na niya, tas nakatulog pa.

Napa face palm nalang ako.

Binitawan ko ang hawak hawak kong baso at ipinatong sa lamesa.

Napatingin nalang ako sa ganda ni Roux, kinuha ko yung hawak hawak nyang bote nag mumuka tuloy lasenggera tong prinsesa ko.

Hinawi ko yung mga buhok niya na nakaharang sa kanyang magandang mukha.

Ramdam ko ang bawat hingang kanyang pinapakawalan.

Hinawakan ko ang kanyang pisngi at dahan dahang iniharap sa akin, ang gandang genes naman na to.

Yung labi nyang ang sarap dampian ng akin, ang tangos ng ilong niya, nahiya yung ilong ko may mas tatangos pa pala sa ilong ko.

Napagpasyahan kong buhatin na si Roux sa kwarto nya bago pa mag liwanag 4:00 na kase ng umaga.

Bago ko sya iwan sa kwarto nya ay binalutan ko sya ng makapal na kumot.

At nag iwan ng note na "Good morning prinsesa ko."

Isinarado ko lahat para masiguradong safe siya sa paglabas ko.

Pumasok na ko sa condo ko which is katapat lang ni Roux.

Uminom ako ng malamig na tubig para maalis yung init na dumaloy sa katawan ko gawa ng alcohol na ininom ko kanina.

Tska para iwas hang over.

Papikit pikit na ko pero nagigising pa din ako, feeling ko hindi na ko makakatulog pa kase ang aga kong aalis mamaya mag gogrocery pa ko.

Kung matutulog man ako edi parang pumikit lang ako ng saglit, pikit nalang ako.

At nararamdaman kong nakakatulog na ko.

Napabalikwas ako ng makarinig ako ng tatlong katok sa door ko.

"Gising na Henz!! Goodmorningggg!" isang malakas na bati ang bumungad sakin ng pagbuksan ko ito.

"Anong ginagawa mo dito??" gulat ko at napakamot pa ko sa gulo gulo kong buhok.

"Ano baaa??? Hindi ka ba nasurprise? Happy Birthday Henz!" pumasok na si Tita Karen sa condo ko sabi na eh hindi ako makakatulog pikit lang gagawin ko.

Nagpatugtog si tita sa malakas kong speaker ng happy birthday song pucha naman habang inilalapit sakin yung cake na may candle na 28.

Hanep 28 na pala ko, pero ala pa kong balak mag asawa palapit na ko sa 30 pero ala pa kong girlfriend ni kahit ka MU pero crush meron.

Crush? Ang corny naman tanda ko na.

Bago ko pa man iblow yung candle ay may mabigat na katok ang humampas sa pintuan ko.

Dali dali ko itong binuksan.

At bumalandra sakin si Roux na mukang sabog.

"Henz patulugin mo naman ako, ang ingay ingay mo umagang umaga Henz." sabi niyang ganon na nakapikit pa at nakatapak lang.

"Oh! May bisita na pala agad ang celebrant!" tuwang tuwa na sabi ni Tita Karen at hinila si Roux.

"Ay tita hindi po, nag rereklamong kapitbahay yan." nahihiya kong sabi kay Tita K.

Halatang gulat na gulat si Roux sa pag hilang ginawa ni tita sa kanya dahilan para magising ang diwa nya.

"Uhhhh.. Roux pasensya ka na, hatid na kita sa kwarto mo uli.." sabi ko ng mahinahon

Napatitig lang sakin si Roux "birthday mo?" sabi nito habang nakapoker face natakot tuloy ako, parang kasalanan ko pang pinanganak ako joke.

Tumango nalang ako "uhhh.. Oo birthday ko, yamo mamaya may pakain ako." joke lang, idate kaya kita mamaya tapos umamin na ko?

Bago pa man magsalita si tita k ay inunahan ko na sya "Roux! Bihis ka na may pupuntahan tayo" at itinayo ko na sya at inihatid palabas.

"Girlfriend mo?" tanong ni tita k

"Hindi pa 'ta , malapit na.. Ahh este hindi tita kaibigan ko lang." sagot ko

Tumango tango nalang si tita na paramg hindi naniniwala "ayos sya ha.. Ganda.. Kinis pa" shempre prinsesa ko yun eh.

"osiya osiya, aalis na ko dinaan ko lang sayo yang mga papers ng nanay mo tas yang cake na binili ko sayo, aalis na din ako ihahaatid ko pa si Keina sa school, happy birthday nalang uli pamangkin ko.." paalam ni tita at hinalikan ako sa pisngi hindi ko talaga maipag kakaila na ako ang paborito ng lahat ng tita ko pogi ko kase eh.

Umalis na si tita at ako nalang mag isa ang naiwan dito sa condo binuklat ko yung dala ni tita na envelope hanggang ngayon kase hindi pa rin nacoclose ang case ng nanay ko. Hindi ko tuloy maiwasang maluha dahil sa mga sariwang ala alang naaalala ko.

" Ma' miss na kita." bulong ko sa sarili ko..

Pinunasahan ko ang luha ko at narinig king may kumakatok siguro si Roux.

"HENZZZZ!!!" tawag nito sakin siya nga.

"Pakain.." nahihiyang sabi nito

Babae talaga na to manong mag grocery ala ng makain sa bahay nya, ako rin naman.

"Naubusan na kase ko ng stock ehh kahit noodles ala na ko, ni ketchup o mantika walang wala na din." anak naman ng pateng wala rin naman akong ipapakain sayo.

"Magbihis ka, tiisin mo muna yan." sabi ko sa kanya

Napakunot sya ng noo "Bakit? mabubusog na ba ko pag nag palit na ko ng damit?" napa face palm nalang ako.

"Ooo, Roux siguro try mo." sagot ko nalang at inirapan nya ko.

"bwisit." tinalikuran na nya ko at dabog na isinara yung pinto nya.

Maldita talaga tong babae na to.

Naligo na ko at gumayak dapat pogi tayo ngayon.

Lumabas na ko ng condo ko at pumasok ng walang sabi sa condo ni Roux.

Naupo ako sa sala nya at nanood ng tv.

Roux

Ungas talaga yung kumag na yon manong sabihin kung makikipag date ba o ano haizzzt.

Nagmadali na kong pumunta sa banyo at naligo.

"oh! Beybeh! Why do you just meet me in the middle? Im loosing my mind just a little! Na na na na na hmmm hmm hmmm.."

Ganito talaga ko kapag naliligo laging concert.

At natapos na kong mag banlaw.

Owmen. Wala na pala kong towel dito sa drawer ko nakalimutan kong ilipat dito yung kakatupi ko lang na towel kahapon.

Lumabas ako ng cr kuhanin ko lang sa kwarto ko saglit yung mga towel.

Napatakip bigla akong ng mga perlas ko ng nakita ko si Henz.

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!! ANONG-?! ANONG GINAGAWA MO DITO?!!?!!!!" gulat ko nalamang ng makita ko si Henz na nakaupo sa sala

Napatulala nalang din si Henz at di alam kung anong gagawin.

"KUPAL KA TALAGA HENZ!!! UMALIS KA DITOOOOO!!!!!" nagtakip bigla ng mukha si Henz at tumalikod

"UMALIS KAAAA PARANG AWA!" nako naman oo shet nakakahiya

"Oo nga eto na nga oh aalis na" at naglakad sya ng patalikod.

Napakamot nalang ako at inis na inis.

Kupal.

Tumingin ako sa salamin at hind ko namalayang pulang pula pala ang mukha ko.

Henz & RouxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon