Chapter 15

4 0 0
                                    

Pagkatapos ng gabi ay nag paalam ako kay Henz dahil uuwi ako ng Espanya para bisitahin yung family ko, matagal din akong mawawala pero babalik ako.

"Nandito ka na pala ate, di ka man lang nag balita na uuwi ka dito." bungad na bati sakin ng kapatid ko na si Regan a.k.a Re G as in Regie.

"Bakit? Kailangan pa bang ipaabiso sa'yo? Ba't di ka nalang matuwa na makakasama mo na ko uli?" kunwaring nag tatampo na sabi ko.

"Bakit? Ala ka na bang balak bumalik ng Pinas?" tanong nito

"May nag hihintay sakin don kaya di ako pwedeng hindi babalik Re G." sagot ko sa kanya na may ngiti

"Mukang may humahamon sayo na babustedin mo din naman sa dulo ha. Ate?" pang aasar nito

"Tigilan mo nga ako Regan!" hindi naman lahat binusted ko eh di ko lang talaga sila tipo.

"Pero ate, namiss talaga kita!" sabi nito at niyakap ako ng mahigpit.

"Hindi kita miss Regan, ipaghanda mo nalang ako ng breakfast ko gusto ko ikaw mag luluto ayokong luto ng kasambahay." utos ko dito at nakita kong umirap sya.

"Ano ka?? Sinuswerte??" bunganga nito at nilabas ang kwarto ko.

Parang may jet lag pa ko ah.

Malakas na kalabog ang idinulot ko nang ako ay mahulog sa hinihigaan ko.

Ano bang katangahan to?

Nag ring ang aking telepeno isang tawag sa messenger.

Shet si Henz.

"oh? Napatawag ka?"

["wala, miss ko na kase yung kapit condo ko eh"]

Napairap ako sa sinabi nya "miss ka dyan wala ka kaseng mailuto ngayon hano walang nag dadala ng pagkain sayo dyan."

["grabe naman to!"]

Napangiti nya ako ha "Anong oras na dyan?"

["12:00 pm"]

"kumain ka na?"

["oo naman babe"]

Nagulat ako sa sinabi niya ngunit binawi nya ito uli.

["oo naman roux, sorry typo."]

Call? Typo? Galing Henz.

"Sige na nga! Ang rupok mo! byebye. Mua!"

Namula ata ako grabe, lumabas na ko sa kwarto ko na may ngiti kinikilig ako eh mukang ako yata yung marupok?

Nagmamadaling hinatak ako ni Regan sa kwarto nya.

"Anong trip mo?" poker face kong sabi

Iniharap nya sa akin yung laptop nya.

Aven Huxley Lopez proposed to his girlfriend Elli Dashiell Finnegan.

Napatitig lang ako nang matagal sa aking nabasa at pinipigilang lumuha, ang hirap makita na sa iba na sya masaya.

Ang sakit sakit.

"Oh? Ano naman?" kunwaring sabi ko para masabi ni Regan na wala akong pake.

Lumabas ako ng kwarto ni Regan kumain ako, naligo at nag bihis dahil napag pasyahan kong maglibot.

Parang dati lang ang saya saya naming dalawa, na ang saya saya ko kase ako yung nag papasaya sa kanya pero bakit ganon?

Nasasaktan ako kase masaya sya? Masaya na sya sa iba.

I'm not being selfish here, but ang sakit.

Henz & RouxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon