Chapter 14

4 0 0
                                    

Pag kaalis ni Henz ng unit, gumayak na ako at pumunta sa mall na baba lang ng condominium na 'to, cool diba may mall sa baba kaya ang saya saya dito.

Pagkapasok ko ng mall ay kinuha ko na lahat ng mga kailangan ko, lahat ng daily needs ba, kase it's been a while simula nung nag mall uli ako kaya ayon naubusan na ko.

Wala na nga ata akong makain ala nang laman yung ref, hindi na ko mag tataka kung mababawasan yung timbang ko
kase... Puro delata yung kinakain ko.

Pero wag nga kayo hano sarap sarap kaya ng delata but the point is, hindi sya masustansya.

Pero sinong may pake?? Basta pag gutom kahit na anong makita kakainin kesa naman diba maging malnourished? Pero im close of being malno.

Binayaran ko na yung mga pinamili ko at bumalik na uli ng condo nag linis linis at inayos yung mga pinamili ko at may kumatok ngayon.

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Henz.

"Hey." bati nya at kinawayan ako.

"kailangan mo?" tanong ko while naka cross arms.

"ummm... Don't you mind if I.. Ask you to go on a date?" napa roll eyes nalang ako dahil namumula sya ha.

"sure!" payag ko at kinuha ko yung cardigan na nakasabit sa upuan at ready to go na.

"pinanindigan mo talaga yang suot mo Roux ha?" sabi nito dahil ang suot ko palang shorts ay pangbahay.

Oh men.

"omy I'm sorry teka teka mag bibihis lamg ako" sabi ko na nahihiya grabe medyo nakakahiya sa kanya kase he's asking me out tapos di man lang ako nag ayos.

Asan utak Roux? Asa talampakan ba?

Sinundan nalang ako ni Henz pabalik sa condo ko at naupo sya sa sofa habang ako tumakbo sa kwarto at nagpalit.

Kumuha ko ng medyo maayos ayos siguro etong dress na above the knee?

Oo eto nalang tapos makapag heels.

Lumabas na ko ng kwarto at tumingin ng dahan dahan sakin si Henz at napatulala.

"Okay lang ba?" tanong ko ngumiti lang sya.

Nilapitan nya ko at inayos ang aking buhok na nakaharang sa aking mukha.

Henz.. Bakit mo ginagawa sakin to? Kinikilig ako eh.

Hindi ako makahinga masyado kase hindi ako comfortable, masyado ata kaming dikit sa isa't isa.

"Ang ganda mo miss." mahina nyang sabi nahiya tuloy ako hinampas ko nalang sya sa dibdib at hinila sya palabas.

Pagkarating sa parking lot ay isinakay nya ko sa sasakyan nya.

"Dapat maging gentleman kapag ganito kaganda yung kasama." wow Henz paglang talaga maganda saka magiging gentleman?

Peste to.

Sumakay na sya at pumunta na kami sa kung saan nya ko dadalhin.

Inihinto nya ako sa isang mamahalin na restaurant pinagbuksan nya ako ng pinto halatang mayayaman ang mga tao dito ha.

"Henz, are you sure about this?" tanong ko ang mamahalin kase dito.

"wag ka mag alala libre mo naman" natawa nyang sabi at inirapan ko sya.

Narinig ko ang mga bulungan ng bawat taong madadaanan namin ni Henz.

I think kilala nila ko at binabash siguro nila kami ni Henz.

Nararamdaman ko yung nararamdaman ni Henz he's not comfortable in this kind of place masyadong mabigat yung atmosphere.

"Henz gusto mo sa ibang place nalang tayo?" umiling naman si Henz sa tanong ko.

Umupo na kaming dalawa at kinuha ng waiter yung order namin.

"Do you like seafoods?" tuwa kong tanong kay Henz

"Medyooo, ikaw?" tanong niya pabalik

"superrr!" sagot ko sa kanya.

Dumating na yung order namin at nag simula na kaming kumain, alang seafoods dito kainis puro karne.

"San mo gustong pumunta pagkatapos?" tanong nya habang nag hihiwa ng pork.

"kahit saan" sagot ko lamg sa kanya.

"Alam mo Roux, sarap siguro maging anak ng isang well known family." sabi nito.

"Hindi din, nasayo yung focus ng lahat ng tao, pag chichismisan ka lang kapag may nakitang hindi maganda sayo." bulong ko sa kanya.

Ngumisi lang sya.

Mukhang patapos na kami kumain ang bilis namin kumain ni Henz grabe gutom na gutom siguro kaming parehas.

Tinapos na naming dalawa yung kinakain namin at lumabas na din ng restaurant.

"alam mo Henz mas mabubusog siguro tayo kung sa isang fast-food tayo pumunta, pero salamat ha." masaya kong sabi sa kanya kase first date namin to pero we don't consider this as a date siguro pero pwede din friend-date?

Sumakay na kami sa sasakyan nya at hindi muna umalis nag kwentuhan muna kami kase mukang busog pa si Henz hindi makapah drive ng mabuti.

"I'm glad to be your friend Henz, you're such a nice guy pero bakit wala kang girlfriend?" gulat nyang tanong ko napatawa nalamg kaming dalawa.

"May nakalaan siguro sakin at iniintay nya lang ako, iniintay ko lang din sya, iniintay naming dalawa yung timing ni God." masaya nyang sabi.

"crush? Wala kang crush?" wala curious lang akong tanungin, close naman na kami eh.

"meron, ikaw." gulat kong sagot nya at napatawa.

"bakit ka natatawa?" matatawa nyang tanong.

"ako? Crush mo?" humahagalpak kong tanong

"Oo, di naman malabo Roux." sagot nya

"Mabait ka, responsable, matalino, maganda. Hindi malabo na magustuhan kita." napatigil ako sa sagot nya dahil nahalata kong seryoso sya.

Natahimik kaming saglit at nag maneho na si Henz.

Dinala nya ko sa isang park malapit sa condominium namin.

Inalis ni Henz yung coat nya at inilagay sa akin dahil malamig na.

Naupo kami sa bench at nagsimula mag kwentuhan.

"Roux may gusto kong sabihin sayo." sabi nito na seryoso.

Hinarap ko sya at nagtinginan mata sa mata.

"ayoko ng patagalin 'to Roux, ayoko ng itago tong nararamdaman ko sayo." gulat kong sabi ni Henz

"Roux, alam mo simula nung una palang hulog na ko sayo." dagdag nito.

Bakit ang bilis ng pintig ng puso ko?

Biglang bumagsak ang malakas na ulan napatayo kaming dalawa.

"Roux mahal kita." napatingin ako sa mata ni Henz na seryoso ding nakatingin sa akin.

Hinawakan ni Henz ang aking pisngi at inilapit sa kaniya ang aking mukha.

Tumingkad ako at inilapat nya ang aming mga labi.

Sumusunod ako sa kanyang mga halik.

Dapat na ba kong umamin?

Dapat ko na bang sabihin yung nararamdaman ko para sa kanya?

Saka nalang siguro.

Pero Henz.

Mahal din kita.

Henz & RouxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon