Chapter 10

16 1 0
                                    

Huminga ko nang malalim at tinignan yung sarili ko sa salamin.

"Roux can I court you?" aish hindi masyadong ma ano!

"Roux.. Pwede ba kong manligaw?" masyadong low class!

"Roux.. Can I court you? I promise na hindi kita sasaktan, at iiwan tulad ng mga lalakeng nang iwan at nanakit sayo.." ibibigay ko lahat nang anong meron ako basta para sayo.

"HENZ!!! PAKIDALIAN NAMAN OH! TINATAWAG AKO NANG KALIKASAN!" gulat ko nang biglang hiyaw ni Roux.

Uuwi na kami ng Maynila pero bago yon illibot ko muna si Roux.

"Eto na!" hiyaw ko pabalik

Paglabas ko nakita ko si Roux na nagtatatalon.

Gusto na sigurong lumabas nang mga sama ng loob niya.

Dali dali siyang pumasok ng banyo.

Napangiti nalang ako para siyang bata.

Pumunta nako sa sasakyan at inilagak na don yung mga gamit namin.

Laking gulat ko nang bigla akong kalabitin ni Roux.

"Uuwi na tayo?" tanong niya

"Oo ayaw mo pa ba?" ngiti kong tanong kay Roux

"Oh! Henz. Aalis na kayo ng shota mo?" tanong ng house keeper namin

"Ay hindi niya po ako shota. Hehe." nahihiyang sabi ni Roux

"Ay ganuun ba? Ang akala ko eh may shuta na tong alaga ko.." sabi nito ang daldal talaga ni manang kahit kelan

"Nako manang mamimiss mo lang ako eh.." sabi ko

"Hm! Kuhanan ko nga kayo ng piktyur dalawa bagay kayo alam niyo yon?" sabi nito

"Hindi ko po alam na bagay kami hehe." narinig ko yung mahinang sabi ni Roux

"Sige na para sa ikakatahimik mo manang.." sabi ko at inabot ko kay manang yung phone ko

Pumwesto kami ni Roux.

Inakbayan ko siya mga galawang Henz talaga haha!

"Henz.." bawal ni Roux pinapaalis ata yung akbay ayoko nga pinicturan na kami ni manang ewan ko kung ano pose namin dyan at si manang eh pindot lang ng pindot ata.

"Osige na bumyahi na kayu at baka kayu eh gabihin. " sabi ni manang na kanina pa naka ngisi

Nauna na kong pumasok nang sasakyan at sumunod na din Roux.

Roux

Bastos tong Henz na to di man lang ako pinagbuksan ng pinto.

Hindi gentleman, nakakaturn off tuloy.

"Roux may gusto ka pa bang puntahan?" tanong ni Henz

"Ikaw.." pagpasa ko nang tanong

"Ikaw nga tinatanong ko eh diba?" sabi niya.

Okay fine.

"Alam ko na!" sabi bigla ni Henz

Tamo siya din pala sasagot sa tanong niya sakin.

Hindi na siya nagsalita ulit at nag focus nalang sa daan.

"Umm.. Roux?" tawag niya sakin

"Yes?"

"Yes agad." mahinang sabi nito na narinig ko naman.

"Anong yes agad?" tanong ko

"Wala po.." sagot niya

Henz & RouxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon