Chapter 6

14 2 2
                                    

Roux

Naiwan si Sia sa unit habang ako nandito sa mall namimili ng pagkain.

Habang nag kakarga ko ng mga pagkain nag ring yung phone ko.

Unknown number.

"Hello?"

["Roux ako to si Henz.."]

"Pano mo nakuha number ko?"

["Kay Sia.."]

"Ano ba sadya mo?"

["Um.... Invite sana kita.."]

"Saan?"

["Sa party ko.."]

"Party mo? Saan?"

["Dito lang sa unit.. Pwede ka ba?"]

"Sorry hindi kase ko mahilig sa party.."

["Ay ganon.."]

"Yes.."

["Nasan ka ba ngayon?"]

Hindi ko nasagot yung tanong niya ng may nakita kong familiar sa akin na naka pila sa counter.

"Umm.. Henz.. Can i call you later?"

["Ah. Sige sige."]

Tapos inend ko na.

"Excuse me miss.." sabi sa likod ko kaya tumabi ako

Iniwan ko yung cart ko sa isang gilid tapos tinignan kung siya nga.

Nagvivibrate yung phone ko.

Si Sia.

"Oh?!"

["Si Oliver to! Emergency Roux!"]

"Ha?! Gago ka! Antayin mo ko dyan susuntukin kita!"

["Pakidalian Roux nag dudugo si Sia!"]

"HA?!?!!"

Inend ko yung tawag at nagmadaling lumabas ng mall.

---

Jusko! Nasa entrance pa lang ako ng condo hinubad ko yung suot suot kong heels at dali dali ng tatakbo at sumakay sa elevator.

Jusko ano ba tong nangyayari?

Nang mag bukas ang elevator ay nagmadali akong tumakbo sa unit ko.

"Gosh! what happened?!" ninenerbyos kong hiyaw

Yung carpet may blood at si Sia meron sa panjama niya.

"Napaka bobo mo talaga Oliver! Bat inintay ko pa ko?! Bat hindi mo agad dalhin sa ospital bobo!" gigil na sabi ko

Jusko pano ba to?!

May nag doorbell.

Jusko buti nalang hulog ka ng langit Henz!

"Anong nangyari?!" gulat na tanong ni Henz

"Henz please pakitulungan kami!"hiyaw ko

Binuhat niya si Sia palabas hanggang sa labas ng condo at ako ang nag drive.

"NAPAKATANGA NI OLIVER JUSKO GUSTO KO MAGMURA!!!!" gigil na gigil kong sabi habang madiin na hawak yung manibela at pinabilis ang takbo ng sasakyan

Napaka bobo niya!

Pag may nangyaring masama kay Sia!

Pag sisisihan niya gago siya!

Henz & RouxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon