6am palang gising na ako,dati ay late pa ako nagigising pero kailangan kung bumangon sa gantong oras dahil andiyan si Dwayne,kailangan ko siyang paghandaan ng makakain niya kasi hindi naman talaga ako kumakain tuwing umaga.Nang matapos ko nang ihanda at lutuin ang kakainin ni Dwayne ay umakyat ako sa kwarto niya para tawagin ko siya at ng makakain na siya ng agahan.
"Dwayne nakapagluto na ako,baba ka na" sabi ko sa knya ng makarating ako sa kwarto niya.
"Okay Lil sis,bababa na ako" sagot niya kaya umalis na ako at nagpunta sa banyo upang maligo,nang matapos na ay pumunta na ako sa kwarto ko para magbihis at mag-ayos . Matapos ang ilang minuto ng pag-aayos ko ay kinuha ko ang bag ko at bumaba na para magpaalam kay Dwayne.Nakita ko siya sa sala at kakausapin ko sana siya ng Makita kong seryoso siyang nagsasalita sa kanyang Cellpone.
"Oo,ngayon ako pupunta sa eskwelahang yun,oo..Masusunod " sabi ni Dwayne sa kausap niya sa telepono at pinatay ang kanyang telepono.Nilapitan ko siya.
"Dwayne alis na ako,tulog pa si kuya,pumarty kagabi" sabi ko sa kanya.
"Ihatid na kita bunso.Tara" sabi niya at napansin kong bihis na bihis siya.
"San punta mo ? " tanong ko sa kanya.
"Secret lil sis,tara na" sabi niya sabay akbay sakin at naglakad kami palabas ng bahay at nagtungo kami sa sasakyan niya.Bago pa niya i-start yung sasakyan,nagtanong muna siya.
"Saan pala yung bagong school mo ? Na kick-out ka na naman Hahaha ! " Tanong at pang-aasar niya.
"Hummington Academy " sagot ko sa kanya at bigla naman siyang tumigil sa pagtawa.
"Bkit ? " Tanong ko naman sa knya.
"Ah wala tara na,alam ko kung saan yan " sagot niya at inistart na niya yung sasakyan at nagsimulang magdrive.
After 15 minutes nakarating kami sa school sa saktong oras lang at ngayon lang ulit ako pumasok sa ganitong oras.
"Punta na ako" sabi ko sakanya at bumaba na ng sasakyan. Naglakad ako papunta sa room namin at inaasahan ko na masama ang tingin ng mga kababaihan dito at tama nga ako ang sama ng mga tingin nila sakin ngunit hinayaan ko lang sila.
Hindi nila ikakaganda ang pagpatay nila sakin sa kanilang mga pag-iisip.
Nang makatapak ako sa pintuan ng classroom namin naabutan kong wala pang guro at ang sama-sama din ng tingin nila sakin maliban nalang kay Rhett.
Tinignan ko siya,seryoso at may halong pag-aalala ang kanyang tingin sa akin.Anong nangyayari sa kanya ?
Naglakad ako papunta sa upuan ko,ngunit nakasunod parin ang mga mata nila sa akin.
Umupo agad ako sa upuan ko at may nakita akong itim na rosas sa ibabaw ng lamesa ko.
"Ano to " tanong ko kay Rhett,malamang itim na rosas yan pero bakit nasa lamesa ko.
"Itim na rosas,kapag nakatanggap ka ng ganyan,may karapatan ang mga estudyante dito na saktan ka,ibully at kung ano-ano pa,binigyan ka ng ganyan dahil gusto kang ipa-bully nang nagbigay niyan.May mga tao lamang ang maaaring magbigay ng ganyan dito sa paaralan.Ang mga gangster na nasa Una hanggang panglimang ranko.Si Will,Spencer,Kyle,James at ... Davis " seryosong paliwang niya habang nakatingin siya sa rosas.Isa lang ang alam kong maaaring magbigay nito sa akin.Si Davis"Kailangan bang bigyan nila ako ng ganito kung pwede naman na sila ang manakit sa akin " sabi ko sa kanya.
"Sinabi ko na sayo,Lahat ng nasa panglimang ranko ay kaya nilang gawin ang gusto nila at walang makakapigil,ang pagmamay-ari din ng paaralan na eto ay Tito ni Davis kaya wala talagang makakapigil sa kanila.Gusto ka nilang magdusa at hindi sila matatahimik kung hindi ka magdudusa "pagpapaliwanag ulit niya.Gangster,mga sira-ulong nakikipag away ng walang dahilan.
"Makikipag-laro ako sa laro nila." seryosong saad ko at sinadya kong lakasan para marinig ni Davis ang sinabi ko dahil nakita ko siya kanina noong pumasok ako.
Tumayo ako at kinuha ang itim na rosas upang ibasura ito sa likod ngunit noong tumalikod ako ay naramdaman ko na may tumama sa akin,Maraming papel at patuloy pa rin sila sa pagbabato nang tumalikod ako sa kanila ay siyang pagtama ng eraser na punong puno ng chalk dust sa mukha ko.
Narinig ko ang pagtawa ng mga kaklase ko,Tiningnan ko si Davis at nakatingin siya sakin habang nakangisi.Ikinuyom ko ang kamao ko,gusto kong pagsususuntukin silang lahat pero kailangan kong kumalma.
Tumingin ako kay Rhett at kitang kita ko sa kanyang mukha ang pag-aaalala.Tatayo na sana siya Ngunit binigyan ko siya ng Diyan-ka-lang look.Wala siyang nagawa kundi maupo nalang ulit.
Kahit nagmumukha akong talunan dito ay kailangan kong kumalma.Pangatlong araw ko palang dito kaya hindi dapat ako manakit ng tao.
Lumapit ako sa upuan ni Davis at binigyan ko siya ng masamang tingin,Ngumisi lang siya sa akin.Tumayo siya kaya magkaharap na kami ngayon hindi ko maipagkakaila na gwapo talaga siya ngunit hindi ito ang oras para purihin ko siya.
"Ano ? " sarkastikong tanong niya sakin.
"Masaya ka na ngayon ? " Tanong ko sa kanya at ngumiti ako sakanya,Ngiting hindi plastik.
"Mas masaya ako kung hindi mo na magawang ngumiti " Sagot niya sakin.
Tumawa ako sa sinabi niya.
"Go on," Sabi ko sa kanya at tinapon ko sa kanyang pagmumukha ang Rosas na Hawak ko.
Kinuha ko ang bag ko at lumabas ng Classroom.Habang naglalakad ako ay narinig kong sumigaw si Rhett.
"Roxette,sandali " sigaw niya kaya nilingon ko siya.Tumakbo siya papunta sa kinatatayuan ko.
"Samahan na kita " sabi niya.
"Bumalik ka doon at magklase ka." Sabi ko sakanya ngunit hindi niya ako sinunod at hinila niya ako papuntang CR.
"Maghilamos at mag-ayos ka muna" Sabi niya sa akin at ginawa ko naman ang sinabi niya,yun naman talaga ang dapat kong gawin kaya umalis ako sa Room.
Nang matapos na akong makapag-ayos ay hinila na naman niya ako,naglalakad kami ngayon sa hagdan papunta sa taas at nakarating kami dito sa Rooftop ng school.
"Bumalik ka nasa klase " sabi ko kay Rhett sabay upo sa isang upuan dito.
"Ayoko,ngayon ko lang gagawin ang pagtakas sa klase kaya hayaan mo na ako." sabi niya
"Tch -.- "
"Pasensya na dahil hindi ko kaagad naibasura ang rosas kanina,nakita na nilang lahat at kung sino man ang makitang hahawak sa rosas maliban sa binigyan nito ay mabubully din siya.Ayaw kong maranasan yun kaya di ko binasura" paliwanag niya sa akin.
"Hindi ako yung tipo ng babae na iniisip,Hindi ako mahinang babae.Gaya nga ng sinabi ko makikipaglaro ako"
****
Hi silent readers,pavote and follow naman diyan.Sorry na din sa mga mali.
BTW Thank you For reading.Kamsa !
Pinalitan ko pala yung Title
Salamat sa Book cover. Sweetie_Sapphire
Read her stories too.
BINABASA MO ANG
Unwanted Affection(A Mafia story)
Teen FictionDon't say anything,not even a word.Just give me a smile ~Davis Arkins Started: Oct 27,2016 End : -----