Sixth

295 45 16
                                    


"isang rosas ay katumbas ng isang Linggo Roxette " Sabi niya sakin.Andito parin kami sa rooftop.

"Ano ?! " sigaw Ko,ano bang kalokohan to'ng pinasok ko.Kainis naman.

"Isang linggo kang ibu-bully Roxette.Maswerte ka Roxette dahil isa lang ang natanggap mo.Katunayan nga e ikaw ang pinamaswerte sa lahat ng nabigyan ng itim na rosas.Ang ibang studyanteng nabigyan dito ay umaabot ng 4 ang rosas na natatanggap nila.Marami na ang studyanteng umalis sa school dahil doon" paliwanang niya.

"Maswerte paba ako sa kalagayan kong to ? Hindi " sabi ko sakanya.

"Kailangan mo rin maging handa dahil maari ka ulit nilang bigyan ng Rosas or should I say maaari ka ulit 'niyang' bigyan" sambit niya.Tumango ako sa kanya.Ano bang pumasok sa mga kokote nila at ginagawa nila ito nang dahil lang sa pagsigaw ko kay Davis.

"Kaya Roxette mag-ingat kang mabuti dahil kahit wala kana sa school campus,maaari ka pa ring saktan ng mga studyante dito." saad niya .

"I will " Tipid na sagot ko sa kanya.

"Pasensya na,hindi kita matutulungan." saad niya na may halong pag-aalala sa boses niya.

"I'll be Fine Rhett,salamat sa paliwanag " sabi ko sa kanya.Hahayaan ko munang mag-mukha akong talunan sa harapan ng mga studyante dito.Magagantihan ko din si Davis.

---
  
   "Insan bukas ang alis ko dito,Doon na'ako sa Condo unit ko." Saad ni Dwayne,kasalukuyan kaming naka upo dito sa sala kasama si kuya Clent.

"Bat' hindi ka babalik sa Amerika ? " tanong ni kuya sa kanya.

"Ah oo nga pala,hindi ba sinabi sainyo ni Tita ? Dito ko ipagpapatuloy ang aking pag-aaral.Nakapag-enroll na ako kanina" aniya.Napatango nalang ako sa sinabi niya.Tumayo ako at iniwan sila sa sala.Andito palang ako sa hagdan ay narinig ko ulit ang usapan nila.

"Sa hideout tayo mamayang gabi " saad ni kuya kaya napakunot ang noo ko.Nakita kong tumango lang si Dwayne.

"Ipinapatawag ka niya " Lalong napakunot ang noo ko sa sinabi ni kuya.Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila kaya hindi na ko nag-abalang magtanong at hinayaan ko nalang 'yon.

Naka akyat ako sa Kwarto at humiga,Ang panget ng araw ko at siguradong mas malala ang mangyayari bukas.

Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng antok.

---

    
   Nakarating ako sa School sa tamang oras,pangalawang araw na hindi ako nahuli sa klase.Maaga akong nagising kanina dahil ang ingay ni Kuya at Dwayne.

  Hinatid ako ni Dwayne dito sa school kanina kaya nakarating ako sa tamang oras.

Pumasok agad ako sa room ng makarating ako,pagtapak ko sa loob ay kasabay nun' ang pagtama ng mga gusot-gusot na papel sa mukha ko.

Naglakad ako papunta sa upuan ko at patuloy pa rin sila sa pagbato ng papael sakin',wala akong nagawa kundi hayaan lang sila.Walang mangyayari kung patitigilin ko sila.Sinasamba nila ang may pakana nito kaya wala akong magawa.

"Ayos ka lang ? " Bungad sakin ni Rhett pagka-upo ko.Tumango lang ako sa kanya.

Dumating ang teacher at nagsimulang magdiscuss,buti nalang din at wala ang Davis na yun.Lahat ng teacher na pumasok dito ay naglecture lang.

Natapos ang klase namin sa umaga kaya napag desisyunan namin ni Rhett na magpunta sa Cafeteria at kumain.Matapos ang ilang oras na pananatili namin sa cafeteria ay bumalik kami sa room para sa susunod na klase namin.

Pumasok ang Guro at sinimulan na niyang magturo.Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto at pumasok doon ang Demonyo,si Davis.

Hindi nag abalang nagtanong ang guro sa kanya at pina upo lamang siya.

Unwanted Affection(A Mafia story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon