Nine

235 22 2
                                    


Dwayne's POV.

Kasalukuyan akong andito sa rooftop ng building 1 dito sa Hummington Academy para magpahangin.

Noong nakaraang araw ako nakapag-enroll dito bilang 1st year college ngunit hindi alam ni Roxette ang tungkol dito.

Sinindihan ko ang sigarilyong' hawak ko at tumingin sa baba.

Naagaw ng atensiyon ko ang dalawang lalaking nakauniporme ngunit iba ang pangibabang kasuotan nila.Itim na pantalon ito at hindi iyon uniporme ng eskwelahang ito.

Ilang minuto ko silang tinitigan mula dito habang ako'y humihithit ng sigarilyo.

Napadako ang paningin ko sa direksyon kung saan sila nakatingin.Sa cafeteria

Kitang-kita dito ang kalahating parte ng cafeteria dahil sa glasswall.Tiningnan kong mabuti ang tinititigan nila.Nakatingin sila sa kinauupuan ni Kamahalan and Friends.

Davis together with James,Spencer,and Kyle.Mukhang nakatingin ang mga ugok sa gitna ng cafeteria kaya hindi nila napansin ang mga lalaking iyon.

Ibinalik ko ang tingin ko sa dalawang lalaki ngunit wala na sila sa kinaroroonan nila.

Tss,watching huh.Ilang minuto pa ako nanatili dito at napagpasyahan ko na tawagan si kamahalan.

Davis' POV.

Dumating ako sa room at wala pang tao sa loob kaya pumasok ako at uupo na sana ako nang biglang nagvibrate ang phone sa bulsa ko.

Unknown Calling ~

-Whos's this ?  I asked.

-Hauston on the line,kamahalan

-Tss,What now ? I hissed,they're always calling me 'kamahalan' just to piss me off.

-Kamahalan,Someone's watching our moves.Andito sila sa eskwelehan mismo.

-K,Thanks for the info.

I ended the call after I said that.

Tss,someone's spying.May mga nagmamatyag na mata pero magmumukha lang silang daga.

Prey spying on Predators,Huh

How poor,Mesax

Roxette's POV.

Iniwan ako ni Rhett at pumunta siya sa restroom kaya napagpasyahan kong umalis at pumunta sa library para matulog,30 minutes pa bago ang klase namin.

Habang naglalakad ako sa hallway ay may naaninag akong lalaking pamilyar.Palabas siya sa building nato' kaya sinundan ko siya.

Nagtungo siya sa puno sa gilid ng  field at humiga,tinakpan niya ang kanyang mukha gamit ang braso niya.

Nilapitan ko siya at sinipa ko ng mahina.

"Aray,masakit a" pagrereklamo niya.

"Dwayne ! " sigaw ko sa kanya.Nakasuot siya ng uniporme ng college student dito.

"O anong problema mo Roxette ?" reklamo niya.

"You enrolled here ? At hindi mo manlang sinabi ?! " naiinis na saad ko sa kanya.

"Ah oo,nakalimutan ko lang naman e.Umalis ka na nga,gusto kong matulog " sambit niya.Sinipa ko siya sa tuhod at naglakad paalis.

Dito pala nag-enroll tapos hindi siya nag-abalang sabihin.Sino ba naman ang hindi maiinis e dito siya nag-aaral at ibig sabihin lang nun' ay may nagbabantay sa bawat kilos ko.

Nakakainis.

Pumasok nalang ako sa library at pumunta sa sulok na upuan para matulog.

Ilang minuto akong nakatulog ngunit nagising ako dahil may narinig akong dalawang lalaking  nag-uusap sa likod ng shelf.

Unwanted Affection(A Mafia story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon