Eight

223 24 0
                                    


Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang usapan ni Kuya at Dwayne kagabi.

Hindi ko sila naintindihan pero hindi ko ito maialis sa isipan ko.

~flashback

"Mabuti naman at naalala mo pa'ng gumising Hahaha Ungas " dinig ko'ng sabi ni Dwayne ngunit dahil sa antok ko ay ayaw ko'ng imulat ang mata ko.Ang lakas ng boses ni Dwayne kaya na-istorbo niya ako.

"Ulul ! Bangasan ko mukha mo diyan e " si kuya.

"Hahahaha paano na'yan,madadali kami sa kasablayan mo " patuloy parin ako sa pakikinig sa kanilang pinag-uusapan.

"Damay damay to' ulul."pasigaw na saad ni kuya.

"Panigurado'ng hina-hunting ka na ng mga taga Mesax "

"Alam na ba niya ? " tanong ni kuya,sino ang tinutukoy niya ?

"Ulul malamang,nakuha mo ba ? "

"Nakuha nila yun---- " naputol ang sasabihin ni kuya nung sumigaw agad si Dwayne.

"Patay !!! Lagot ka niya--- "

"Ulol ! patapusin mo muna ako " sigaw ni kuya.Walang namang nagsalita kay Dwayne.

"Nakita nila ako habang paalis ako sa lugar nila kaya nadali ako.Nakuha nila yung pekeng flashdrive,hawak ko yung totoo'ng Flashdrive.Nakopya ko lahat ng mga transactions nila"

"Yun naman pala e,may nalaman ka naman ba ? "

"Base sa mga narinig ko,mukhang may naidagdag sa Death book nila.Bukod dun ay wala na at labas na tayo dun"

"Sino ang malas na tao'ng yan ? "

"Hindi ko na alam"

"Ah ! Buti naman at walang nakasunod na taga Mesax sa'yo kagabi,kung meron man ay sigurado'ng iniiyakan at nilalamayan kana ngayon "

"Hindi ako tatanga-tanga ! "sigaw ni kuya.Hindi ko naituloy ang pagtulog ko dahil naging interesado ako sa usapan nila.

"E anong tawag sayo? "

"ulol ! Uupakan kita pag hindi ka tumahimik "

"osiya,oo na at mukhang mahimbing ang tulog ng kapatid mo,baka magising"

Kanina pa naman sila maingay e psh -.- at kanina pa ako gising.Tumahimik ang paligid.

Pilit ko'ng iniintindi ang mga pinag-usapan nila kanina pero mga katanungan lang ang nasa isip ko.

'Mesax ? '

'Niya ? '

'Deathbook ? '

Pinilit ko'ng matulog at ilang oras pa ay naka tulog na ko.

End~

Hindi ko nagawang magtanong sa kanila pag gising ko kanina dahil sigurado akong hindi nila sasabihin.

"Uwi na tayo " saad ni kuya.

"Pero hindi ka naman nagtagal dito a " sumbat ko sa kanya.

"Anong gusto mo ? Tumira ako dito sa ospital ? "

"What I mean is hindi ka pa naman okay " ani ko

"Konting galos lang yun tsaka may pupuntahan pa ako mamaya "

"Kuya ! "

"Importante ang lakad ko " seryosong saad niya kaya tumango nalang ako.

Bumukas ang pinto at pumasok si Dwayne kasunod ang lalaki'ng hindi pamilyar sakin.

Unwanted Affection(A Mafia story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon