Chapter 4-Bestfriendzoned :3

465 9 5
                                    

~Chapter 4.

Ashley's POV

*Sa room

Pagpasok ng adviser namin biglang tahimik ng magugulo at maiingay kong kaklase.Kulit lang?! XD

"Class,keep quiet first for a while."-saway ng teacher namin.

"Yes,Miss!"-tumahimik naman nga kami.Ano kaya sasabihin ni Miss?

"Okay,listen class.The end of our school year is getting nearer.So as it means,4th year high school life is coming but before that,complete your requirements first okay? Then,next thing to do is to prepare for your PROM.Understood class?"-sabi ni Miss Ortega.Oonga pala,mag-eend na school year na to.Sino naman kaya mag-aaya sa'kin sa prom? For the last time,I'm still hoping that Lance will it be.Haay.Buhay talaga parang life.Psh. =.= Edi tuwang-tuwa mga kaklase ko sa sinabi ni Miss.Ako lang ata di mag-eenjoy dun eh.Tsk.

*Dismissal*

Papunta na 'ko dun sa venue ng meeting ng SSC club namin.Ako kasi president eh,di naman syempre dapat ako malate.Hindi na tuloy ako makakasabay kay Ivan,sinabi ko na lang na wag na niya ko hintayin baka matagalan eh.Itetext ko na lang driver namin,buti na lang napapayag ko siya.Pagod din siguro yun sa basketball practice nila.

"Oy.Ms. President! Late ka na ah?"-rinig kong sabi ng pamilyar na boses mula sa isang lalaki.Paglingon ko,tama nga ako..si Lance.Oh I forgot to tell you guys! Vice Pres. nga pala siya dito sa SSC kaya di kagulat gulat na makita ko siya dito.I checked the time pero 4:15 pa lang naman so may 15 mins pa naman.

"Tse! Sinong niloko mo dyan? May 15 mins pa nga eh.Tsk."-inis kong sagot.Ewan ko ba,ang bitter ko na sa kanya bigla.

"Ay~!! Oo nga noh.Sorry di ko naman alam eh ...  Tumigil kasi yung oras sa relo ko nung nakita kita."-sabi niya nang nakangiti ng pagkatamis-tamis? Anyare dito? nakadrugs ba to? >/////<

"Hoy! Sinasabi mo dyan? Pweee! Ambaduy uyyy! Corny mo?!"-lokong to.Kung ano ano na lang sinasabi.

"Banat yun eh.Best line daw kaya yun e.Bat parang di ka naman naapektuhan o kinilig?"-pag-eexplain nya.Kung alam mo lang,gusto ko ng kiligin eh kaso ayoko namang paasahin pa sarili ko sayo.Kinakalimutan ko na kasi yung feelings ko sayo.Kaya please wag ngayon,baka mahirapan ako lalo sa prosesong to.

"Ano ka dyan?! BANATAN naman kaya kita! Naku ha.Sinasabi ko sayo wala akong panahon makisakay sa mga trip mong yan."-matapang at mataray kong sabi.Kainis eh! amp nasasaktan na nga niya 'ko ng sobra,nakuha pa kong biruin.Dapak this life! sucks

Pagkasabi ko nun,napansin kong nawala yung matawa tawa niyang mukha.Naiba bigla yung expression niya.

"Nagmahal ka na ba? Naranasan mo na bang masaktan ng ganito?"-nagulat ako sa pagseseryoso niya bigla.

"Hahaha.Ano ba yan? Sayo pa ko nakapag-open up ng ganitong topic."-pagtutuloy niya pa.Bakit ganun? Ang lungkot ng tawa niya.Tawa ba talaga yung narinig ko?

"Lalaki pa talaga ba ako? Ang drama ko na masyado.Ha ha ha!"-sabi niya pa.Di ako umimik ni sumagot man lang at nakinig na lang ako sa kanya.Dito pa din kami nakaupo sa tapat ng function hall,wala pa kasi yung ibang SSC officers.Kami pa lang dalawa dito.

"Alam mo bang sobrang sakit na makita yung taong mahal mo na may kasamang iba?"-Alam mo din bang sobrang sakit marinig ng mga pekeng tawa mo? Ang sakit makinig sa mga kwento mong tungkol sa taong mahal mo..dahil siya naiisip mo ako hindi.

"Na masaya silang magkasama nung taong binibigyan niya ng chance na mapatunayan ang nararamdaman nito para sa kanya? Ang sakit sakit.Sobra! Parang di ko na kayang itago pa to.Ang sakit lang kasi talaga."-sabi niya pa.

"Matagal ko na siyang minamahal ng palihim.Sobrang mahal ko talaga siya noon pa lang.Kaso natatakot akong sabihin sa kanya eh kaya hindi niya alam yun.Naduduwag akong sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal.Paano ba? Paano ko ba aaminin sa kanya na mahal ko siya noon pa man?"-pagpapatuloy niya.Taraaay! Tagos na tagos oh. <|3 Ang sakit pala marinig nun mula sa kanya.May mahal na nga siya,swerte naman nung babaeng yun kasi mahal siya ng taong mahal ko.

Next thing I knew,umiiyak na siya sa balikat ko habang nakayakap sa'kin.I hugged him back.Mas masakit para sa'kin na makitang umiiyak ang lalaking to.Siguro yung nararamdaman ko sa kanyang pagmamahal di na niya yun malalaman pa,akin na lang yun.

Hindi ko na lang muna tinanong kung sino yung tinutukoy niya.Baka kasi di ko kayanin.Di ko pa nga matanggap na di niya ko kayang mahalin pabalik eh,yun pa kayang makilala ko yung taong gusto niya..edi baka maikumpara ko lang sarili ko dun? Baka bumaba lang tingin ko sa sarili ko. :/

"Uyy.Tahan ka na kaya Lance.Smile ka na please? Para gwapo ka na ulit.Ang pangit mo kasi pag umiiyak e.Haha."-sabi ko sabay kurot sa pisngi niya.

"Aray.Haha sige na sabi mo yan eh.Pahiram panyo. :D"-lokong to.Ako pa hiniraman ng panyo.Baligtad ata? Epic fail naman yun oh.

"Tsk.Hay nako! Kakaiba ka talaga.Hahaha.O eto oh."-sabi ko pagkaabot sa kanya ng panyo then ayun pinunasan na niya mga luha niya.

"Salamat ah. :)"-sagot niya while smiling. *O* Ohms! Gwapooo niya lalo ghaad.

"Waah! No problem.Yie! Nakasmile na ulit siya.Wag mo sisingahan yang panyo ko ah.--ay teka! Sayo na lang pala yan,dami pa naman ako nyan e."-sabi ko na lang nang pabiro.Buti na lang nakangiti na ulit siya.Gwapo niya. :')

"Oy tunaw na 'ko.Masarap ba 'kong titigan?"-He grinned.Dapak! Nahuli nya pa 'ko.Kahiyaaa~

"Wow ha.Napuri lang kita dyan kanina ng isa nasobrahan ka na ng hangin sa katawan ah? anyare?"-sagot ko na lang,ang hirap magdeny eh.Iba kasi ako,mahahalata mo talaga pag ganun.amp

"Hahahaha.Ikaw kasi e! Kasalanan mo yun.Pero syempre joke lang yun bestfriend! Haha."-tawa pa siya bwiseet.Saya niya ah,samantalang ako pocha sakit nun.Na-bestfriendzoned na agad.

"Tss.Kailan pa kita naging bestfriend ha?"-tanong ko sa kanya with matching taas kilay pa.

"Ngayon lang dahil napasmile at nacomfort mo ko kaya sana pagbigyan mo na ko dun please? *puppy eyes*"-sobra na siya.Sobra sobrang torture na to sa'kin.Paano na yung pagmomove on ko sa kanya? ugh :(

"Ano na naman ba gusto mo? Feeling close ka na ah? Dami mo ng favor sakin azaar"-taray mode na naman ako.Harhar.Pero sige na,kyut niya kasi kahit masakit oo na lang ako.hayst

"Pwede ba kitang maging

.

.

.

..bestfriend?"-tanong niya.Shet sana naging girlfriend na lang yung salitang 'bestfriend' sa tanong niya kasi kung oo,payag na agad akong talaga.Kaso hindi e

"Ano? Pwede ba?"-nabalik ako sa realidad.Napaisip ako siguro pumayag ako dapat dito dahil baka makatulong din to sa'kin para matanggap ko kung hanggang san lang kaya niyang ibigay sa'kin para na din di ko paasahin sarili ko sa mga bagay na alam kong di talaga pwede,di pwedeng mangyari.

"Okay then,bestfriend na kita simula ngayon El!"-sagot ko.

"Wag mong kakalimutan ang araw na to ah? Icecelebrate natin friendsary natin. :">"-pagpapaalala ko at pilit na ngumiti.Atleast kahit papaano magkakachance kami magbonding at mas magiging close pa kami.

"Oo naman.Yes! Salamat Ree! :)"-napangiti naman ako kasi nakita kong nakangiti na ulit siya nang dahil ulit sa akin.Masaya ako.Natutuwa ako,nakakakilig kasi may tawagan na kami.Pero alam ko hanggang dun na lang yun.

---------

So ano guys? Anong masasabi ninyo sa update? Comment na lang po,wala naman pong mawawala pag ginawa ninyo yun diba? Tsaka wala namang mahirap dun eh.Mas ginaganahan kasi ako magtype pag may nababasa akong comments.Well thanks sa inyo! :*

Ang Torpe Mo Kasi! (Nashlene FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon