Chapter 8-I'm yours~♥

315 3 1
                                    

Chapter 8~

Ashley's POV

Sabay nga kami umuwi ni Ivan.Naligo naman muna ko kasi ang banas talagang sobra.Pinatong ko muna sa side table dito sa kwarto ko yung bracelet na bigay ni Lance sa'kin.Ayoko yun mabasa eh.

Pagkatapos ko maligo edi syempre nagbihis na ako.Alangan namang maligo ulit ako? Hehe!

* And we danced all night to the best song ever.

We knew every line. Now I can't remember ♬ ♪*

Nagriring phone ko.Sino kaya yung tumatawag? 9 pm na din oh.

"Oh Ivan ikaw pala.Bat ka napatawag?"

"Sabay ulit tayo bukas umuwi? Tsaka sa umaga sabay ka na sa'kin ng pagpasok ah?"-kota na si Ivan ah.Sige na lang nga ako.

"Ahhh.Sige may praktis ulit kayo bukas?"-sa pagkakaalam ko kasi wala.

"Wala naman.Basta sabay tayo bukas pagpasok ng school at pag uwi okay? Ipapaalam na kita kay Tita at Tito."-oo nga pala nakalimutan ko sabihin sa inyo na alam nina mama at papa na nililigawan ako ni Ivan.

"Osigeee ba.Sabi mo yan e.Tulog ka na Ivan.Mwa!"-sabi ko na lang .

"Sige goodnight Ashley.Dream of me huh? I love youuu!"-I hang up at pinilit ko ng matulog.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxoxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

*Yaaaawn*

"Aba nauna pa ako ngayon sa alarm ko ah.Aga ko ngayon magising. *yawn*"

Pagkababa ko matapos magawa lahat ng routine ko sa araw araw eh nagulat ako kasi nandito na agad si Ivan.

"Yaaa,bakit di ninyo po sinabi agad sa'kin na nandito na si Ivan,nakakahiya.Kanina pa po ata siya naghihintay sa'kin?"-I saw Ivan chuckled about my reaction.Eeeh naman oh.

"Ang gwapo mo naman wag ka na nga tumawa dyan,tinatawanan mo ko eh!"-pagpout kong sabi.

"Sorry nak,nakalimutan kong akyatin ka sa kwarto mo eh.Nawala na sa isip ko dahil sa gwapo ng batang to."-natatawang sabi ni yaya.Minsan nga yun,tinatawag nya akong anak,miss niya na daw kasi anak niya.Pero alam ko lilipat na yung anak niya sa school dito sa manila soon.

"Ya naman.Wag ka ng kiligin dyan.Di bagayyy! "-pabiro kong sabi.

"Ay siya kumain na tayo dito ng breakfast nang makapasok na kayo.Halika na rito."-lumapit naman na nga ako at umupo sa dining namin para makasimula ng kumain.

"Oh anak,kumain ka na din dito.Baka hindi ka pa din nakakaalmusal.Wag ka mag alala masarap ako magluto diba baby ashley?"-ang daldal ni yaya bigla dito kay Ivan.Hahhaaha ano ba to

"Wala na namang katapusan pagsasalita mo dyan ya.Kain ka na nga din dito,nakakita ka lang ng gwapo eh.Haha Ivan upo ka na din dito,tama si yaya."-pag aaya ko kay Ivan.

"Sakto.Gutom nga ako eh.At ang bango nga nitong niluto ni manang." Ooops.Lagot ka ivan.Hahhaa wrong word used. XD

"Nakuuu anak.Wag naman manang.May asim pa ako.Hehe."-aba himala di nagalit si yaya.Ang dayaaa! T^T pag sa'kin tampo agad.Ayaw niya kasi na tinatawag siyang ganun.Ang tanda na daw kasi pakinggan.Eh matanda naman na tlaga siya eh! Hahha echos

Pagkatapos namin magkulitan este kumain eh nagpaalam na kami at umalis na papuntang school.

"Ang aga pa din pala natin oh.Tambay muna tayo sa canteen Ivan?"-sabi ko habang naglalakad pa kami sa hallway.

"Okaaay.Tara muna."-sagot niya sabay punta namin sa direksyon papuntang canteen.

"Ashleyyy.May crush ka ba ngayon?"- Ano daw? kagulat naman tong si Ivan.Bigla nagsalita at ganun pa ang tanong. o.O

Ang Torpe Mo Kasi! (Nashlene FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon