Baby
Sierra
Naka dating na kami ni Qaziel sa opisina niya at nakakapanliit ito, dahil sobrang laki at gara ng opisina niya. It has its own kitchen and bar, may dalawang pinto din which is I guess ay eto ang kwarto at banyo niya. Parang kasing laki lang ng unit ko ang opisina niya.
Andito kami para pag usapan ang bahay na ipapatayo namin, at oo hindi na kami mahihirapan sa pondo. Dahil ang business niya pala ay tungkol sa constructions. Ngayon ko lang din napagtanto na isa siyang lisenced architect, kaya pala sikat ito, at ang sikat na Fontana Residence Building ay siya mismo ang nag design. He's professional.
Umupo siya sa kanyang swivel chair at pinaka titigan ako, his stare has an effect on me. Nac-concious din ako sa kanyang titig, pakiramdam ko ay may dumi o ano sa mukha ko. Tsk.
"So let's start." Pagsisimula ko.
He smirked, "Okay, what are your suggestions Alazne?"
Tumikhim ako bago sumagot at pasimpleng sinulyap ang mukha ko sa glass table niya. Wala naman ah. Bakit ganito siya maka tingin?
"I suggest na ang mga bahay ay malapit lang sa isang police station, you know incase of emergency. And gusto ko din na two-storey ang bahay na ipapatayo natin, bungalow style, para iwas aksidente. Good water system ofcourse. At ang mga magulang nila, gusto kong bigyan ng trabaho. Ako na ang bahala sa scholarship nila." Saad ko.
Amusement is dancing in his eyes, "Very nice. Kaya mo ba ang scholarship?"
Nanliit ang mata ko, "Minamaliit mo ba ako Mr. Alegre? Of course I can afford the scholarship. And.. Kaiser, own a school. So I can enroll them easily." Ngumisi ako.
Eto na naman siya, ang dilim na naman ng mukha niya. "Can you not fucking mention his name. Hindi ako interesado. Ako na ang magpapa-aral sakanila, wag mong isama sa usapan at partnership natin yang Kaiser na yan. Understand?" Inis niyang sabi, he's sexy!
"O-okay."
Bakit ganito siya? Gosh, kapatid ko bawal kong banggitin? Bawal humingi ng tulong? What the heck is happening to him?
"By the way, bakit hindi ko siya pwedeng banggitin? Kaiser is just my--"
Tumalim ang mga mata niya sa'akin, "Don't. You. Dare. To. Fucking. Mention. His. Na--"
"He's just my brother!" Sansala ko sa sasabihin niya pa.
Namilog ang mata niya, at natulala sakin. He's adorable. Bakas sa mukha niya ang pagka gulat. Ano ba ang akala niya? Omy god. Don't tell me..
"Don't tell me pinagkamalan mo siyang nobyo ko?" Pagpipigil ko sa tawa ko.
He glared at me, "Bakit hindi mo agad sinabi?"
"Edi kung pinapatapos mo ang bawat pangungusap na sasabihin ko edi sana alam mo na agad! You're ridiculous! Hahaha." Hindi ko maiwasan na matawa.
He just pouted. Cute.
He draw the sketch of the town houses and I was amazed by his skills. Wow. Detalyado ang lahat ng parte. He even drew the furnitures, ang ganda. Indeed a professional architect he is. Handsome, jaw-dropping, mouth-watering, vajeyjey-watering-architect.
What the hell, Sierra? Where did I got those words?
Talagang busisi siya sa drawing niya, ang bahay ay bungalow nga tulad ng gusto ko. Pero kahit hindi ito two-storey ay bakas dito ang pagka-moderno, elevated ang ilang parte ng bahay. Sa nakikita ko modern bungalow ang kanyang ini-sketch. May garahe din, not too big but it is enough for the family to bond there.
YOU ARE READING
Love At First Fight
RandomDont Read. Editing. Under revision. Highest Rank Archived: #318 in Teen Fiction ---------- What if ang mag-enemy ay sila rin naman ang itinakda ng mapaglarong tadhana para sa isa't-isa? What Would they feel towards each other? Will it be hatred or...