Double meaning
Sierra
Hinila ko si Qaziel sa mga extreme rides na talaga namang hindi niya magugustuhan knowing him, he doesn't like extreme rides like this. Napakunoot ang noo ko ng mapagtanto ko kung saan ko nakuha ang impormasyon na takot siya sa heights at extreme rides? Baka ako pa ang mag mukhang stalker. What a shame self.
Natigil ako sa paghila sakanya dahil bigla siyang nanigas. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. "Oh ano, tatayo ka nalang ba diyan?" Humalukipkip ako habang nag aantay ng isasagot niya. He's getting pale while watching the group of teenagers puking after riding an extreme ride. Umuurong ba ang bayag netong gwapong to? Nakakatawang isipin na ang manly niyang tao, lalaking-lalaki ang dating pero titiklop lang sa ganitong ride?
"I think I can't make it." He said seriously. He's tapping his foot on the ground habang hinihimas ang lower lip niya. Seryoso siyang nakatitig sa gumaganang rides at sa mga nagsisigawang lulan non. Hindi ko mapigilang mapatawa ng malakas. Kumunoot ang noo niya sakin. "Fuck I'm serious here!"
"A deal is a deal. Man up." Halakhak ko at umalis na don upang bumili ng tickets.
Iniwan ko siya duon pero nakapako ang titig ko sakanya mahirap na at baka tumakas pa. Nakatitig din siya sakin at naiinis ako sa paraan ng pagtitig niya. Naiilang ako. Gustong-gusto kong magiwas ng tingin at ibaling sa iba ang mga mata ko pero hindi ko magawa. He's like hypnotizing me and making my body's temperature rose up. Ano kaya ang iniisip niya habang sinusuyod ako ng mga mata niya?
Umiling ako at nagiwas ng tingin. Baka malusaw nako sa mga titig niya kung hindi ko pa iyon ginawa. Nakangiti kong tinanggap ang mga ticket namin at nagbayad na.
Nakangisi kong iwinagayway ang mga yon sa ere para ipakita sakanya. Sinamaan niya ako ng tingin pero wala nakong pakialam. I just want to see how priceless his reaction is. Ganti ko din ito sa pagdagan niya sakin kaninang umaga. Mantakin ba namang paggising ko ay nakapatong ang hita niya sakin at nakayakap. Bilang babaeng marupok na bagong gising hindi ko napigilan ang sarili ko na titigan siya hanggang sa magdilat siya ng kanyang mata. Inakusahan pa niya ako na ina-eye-rape ko raw siya. I'm not eye-raping him though, I just like to appreciate the breathtaking face features that he has. Masama ba yon? Pasalamat siya at pinuri ko pa siya sa isip ko ng maraming beses. Not because we're not in good terms e hindi ako sasang ayon kung gaano siya kagandang lalake.
Hila-hila ko padin siya at pinipilit na sumakay sa mga extreme rides pero wala talaga akong magawa, mas malakas siya e. Kapag hihilain ko siya babalik lang ako at babangga sa dibdib niya. He seems like he's enjoying it. I gave up and left him there. Bahala siya. Sayang yung ticket. Nililibot ko ang paningin ko pero wala na siya, baka nambabae. Okay kung ayaw niya edi hahanap ako ng ibang makakasama. Lumingon-lingon ako at nanlaki ang mata ko ng mamataan ko si Yves. He is here? Yves was my suitor pero pinatigil ko siya dahil gusto ko mag focus sa studies ko.
Wala naman akong balak na i approach siya. Nahihiya ako, I was about to walk away and search for that bastard when Yves called out my name. "Sierra!"
Slowly, I faced him. "Hey! Long time!" Nagpanggap ako na kakakita ko palang sakanya.
"Yeah, the last time I saw you was about a year ago. Dami mo ng pinagbago ah!"
I'm not good at socializing specially kapag matagal kong hindi nakakausap yung tao. "Oh, haha. Ikaw din." Yan lang ang nasagot ko.
He put his hands in his pocket. "So who's with you?"
Sasabihin ko bang may kasama akong lalake? Okay no malice involved, Qaziel is just a friend.
"A friend--"
"Hey, she's with me, her fiancee." Nakaramdam ako ng demonyong umakbay sakin.
Kalma. Fiancee? Talaga lang ha?!
Pasimple kong kinurot ang tagiliran niya. Hindi man lang siya nag react. "I thought you're with a friend, Sierra?"
Disbelief flashed through Qaziel's face, fale disbelief. "Oh my baby girl's denying me?"
"Sige nakakasira na ata ako sa moment niyo. It was nice seeing you again! Bye!" Yves ran towards a girl.
Hinarap ko si Qaz, how dare he?! The thought of him being my fiancee never crossed my mind! Even a single thouhgt of it! Napaka kapal naman ng mukha.
"Fiancee, huh? Saan galing yon aber?"
He laughed hard. "How's my acting skills, baby girl?" He emphasized that cringey endearment.
"It was awful and stop calling me that." Hinila ko siya papunta sa rides. Sayang yung ticket kung hindi gagamitin diba? Ang napili kong sakyan ay iyong extreme rollercoaster nila. It's one of the famous rides in this amusement park.
"I said I'm not joining you." Irap niya.
"I'm not taking no for an answer." Hinila ko na siya doon at wala na siyang nagawa. Nahihiya siya dahil agaw atensyon kami habang nag hihilaan sa gitna ng iba pang turista.
We sat on the front part of the ride. "Make sure that this is safe or else I'm gonna kill you." Kinakabahang sambit niya.
Tawa nalang ang sinagot ko. Kinakabahan na din naman ako e, pero mas oa pa siya sakin. Ang yabang-yabang pero eto pala yung kahinaan.
"Fuck. Fuck. Fuck. Fuck." He cursed silently. Nakatitig ako sakanya, ang hot niya pala.
Omygod.
Bawiin mo yon babae!
Umandar na ang sinasakyan namin and I think I'm gonna puke my lungs out.
"AHHHHH! AHHHHH!"
After the 5-minute ride, I rushed to the nearest open space and withdraw. Anak ng tinapa naman hindi ko inexpect na ganon ka extreme yon. Akala ko mahihimatay na'ko on the spot. Sa last part ay hindi na ako masyadong maka sigaw dahil nagfofocus nalang ako sa pagkapit ng mabuti sa safety gear kasi anytime pakiramdam ko pwede akong mahulog.
"Pfft. Yan kase." Tatawa-tawa pa e kala mo naman hindi siya nagsisigaw. Kinumpol niya ang buhok ko at hinawakan para makasuka ako ng maayos. "Water." Abot niya pa.
"Thanks!" I said sarcastically.
"That was fun. Especially seeing you hugging those safety gears as if you're about to fall." He flashed his devilish smirk.
"Tsk! Akala ko kasi mahuhulog ako e! I felt it!"
"Right, you better hold on tight. Baka nga mahulog ka, we'll never know." He winked and left me dumb-founded.
Baka nga mahulog ako.
---
Lame, right? Sorry for being a total MIA these past few months. I'll try to update twice a week. Nawalan ako ng gana sa pagsusulat e, my apologies for those who waited (if meron man.)
YOU ARE READING
Love At First Fight
RandomDont Read. Editing. Under revision. Highest Rank Archived: #318 in Teen Fiction ---------- What if ang mag-enemy ay sila rin naman ang itinakda ng mapaglarong tadhana para sa isa't-isa? What Would they feel towards each other? Will it be hatred or...