Chapter 10

863 33 1
                                    

Deal

Sierra

"Move fast, kellogs girl." Qaz said while tapping his BMW's hood.

Eh kung hampasin ko kaya siya ng maleta na hila-hila ko? Hindi man niya lang naisipan na tulungan ako.

Umirap ako. "Wait Mr. GENTLEMAN." I emphasized the word 'gentleman' the latter just smirk at binuksan ang passenger's seat saka inagaw sakin ang luggage ko at dineposito sa upuan.

Alas singko palang nambubulabog na siya. Actually 7 am palang ang flight namin pero 5 am palang pumunta na siya dito at sinundo ako. Nakakainis lang dahil umagang-umaga nababaliw ako sa amoy niya. He's so gorgeous with his khaki shorts and black v-neck shorts paired with a white shoes. Samahan pa ng aviators na bagay na bagay sakanya. Shiz such a celebrity.

"Oh? Tatanga ka nalang ba diyan? Hop in kellogs girl."

"Stop calling me with that cereal brand name." Irap ko at pinagsisikan ang sarili ko sa passenger's seat habang siya asa driver's seat na.

Pinatunog niya ang busina ng sasakyan niya kaya napatili ako sa gulat.

"Hatdog na masarap! Ano ba yan! Ano bang problema mo!?"

"Sinabi ko bang sa passenger's seat ka? Dito ka sa tabi ko." Seryoso niyang saad.

Kung pwede lang nga kumandong sayo, why not?

Padabog akong pumunta sa front seat habang siya ay sinusundan lang ako ng tingin. What? Problema neto? Since he arrived hindi na niya inalis ang tingin sakin, as if like he'll die kung ibabaling niya sa ibang bagay ang titig niya. Nakaka concious tuloy, baka may panis na laway ako or what.

He smiled bago paandarin ang kotse. Sinalpak ko ang earphones ko sa tenga ko at nag play nalang ng music kaysa pakinggan yung mga bastos na kanta ni Qaz dito sa kotse niya. Let's talk about sex? Duh. I just had sex? Jusko. He's songs are green. Dark green.

Sumasabay pa siya, gosh, why does it sound better when he was the one singing it? Sexier.

Binabaan ko ang volume ng iPod ko para madinig ko siya.

"I'll make love to you~ Like you want me to~"

Shiz..

Husky..

"And i'll hold you tight~ Baby all through the night i'll make love to you~"

Ang lamig ng boses niya. Soon we'll make love.

Bakit ba? Advance ako mag isip.

Kidding.

Hindi nag tagal ay tinigil niya ang sasakyan sa Starbucks, I think we will have our breakfast here since he picked me up this early and I'm starving. Buti naman naisip niya.

Pag pumupunta ako dito, I usually order a cinnamon roll and a hot vanilla latté dahil eto ang favorite ko. And I really love cinnamon rolls plus the fact that I am a coffee-addicted lady.

Nagtanong ang cashier ng o-orderin namin, akma nakong sasagot nang maunahan ako ni Qaz.

"A slice of blueberry cheesecake and a cup of hot black coffee for me." Ani ni Qaz.

Ano ba yan, akala ko sasabihin niya ang order ko. At bakit ko naman naisip na gagawin niya yon? He doesn't know a thing about me.

Akma ko na ulit na ibubuka ang bibig ko para sabihin ang order ko nang maunahan na naman niya ako. He really likes cutting my words off eh?

Love At First FightWhere stories live. Discover now