Panimula
Berdeng damo, daanang bako bako, at matatayog na puno ang bumugad sa akin habang nasa sasakyan. Nakatingin lang ako sa bintana tila nagbabadyang lumuha ang aking mga mata sa lungkot na nadarama dahil aalis sa kinalakhang bayan.
"Oh Luis, huwag ka ng malungkot, mas maganda ang magiging buhay natin sa US at kalauan masasanay ka rin doon" ani ni Mama.
Papunta kami ngayon ng Maynila para makitira muna kay tita Beth at sa makalawa pa ang alis namin patungong US. Oo masasanay ako doon pero batid ko na kailan man hinding hindi ko makakalimutan kung saan ako lumaki.
Habang bumabyahe kinuha ko ang aking headset at Ipad upang makinig na lamang ng music. Pinikit ko ang aking mga mata saglit para damahin ung music nang biglang pumreno agad ang sasakyan. May isang batang babae kaming nabundol ng di pa ganoon nakakalayo sa aming lugar. Sa tingin ko ang batang babae ay anim o pitong taong gulang na. Natagpuan namin syang walang malay at may dugo din sa kanyang ulo. Dinala namin agad sya sa ospital dahil sa takot na baka may mas masamang mayari.
"Manong Karding, pakibilisan po, unti unting humihina ang pulso ng bata". Sabi ni Mama sa driver van.
"Opo Ma'am". At binilisan ng driver. Laking pasasalamat namin ng nakarating kami agad sa ospital. Nagamot ang batang babae at sinabi ng doktor na magiging okay din sya.
"Doc, kami na po muna ang magbabantay sa kanya habang wala pa ang kanyang mga kamaganak." Untag ni mama. Umiyak c mama sa takot.
Talong oras ang lumipas. Unti unting bumuklat ang mata ng batang babae, ngumiti sya sa amin. Tinanong namin sya kung ano ang pangalan nia at kung sino ang mga magulang niya. Tinawagan agad namin ang kanyang mga magulang.
"Hello, ito po ba si Miranda La Cueva?" Tanong ni mama sa kausap. Sinabi ni mama ang nagyari at binaba ang cellphone.
"Ako nga pala c Luis, papunta na siguro ang mga magulang mo dito" Nginitian ko ang bata. Di na sya nagsalita dahil nakatulog. Tinitingnan ko sya ang mga mahabang pilik mata, kutis na maputi at mapupulang labi. Sinabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko makakalimutan ang mukhang ito. Ngumiti ako.
Dumating ang kanyang mga magulang na bakas na bakas ang pagaalala sa kanilng mukha. Humingi ng paumanhin c mama at binigyan sila ng pera pampaamot ng bata. Tinangap ito ng mama niya. Ang kanyang ama ay animoy sasabog sa galit ng nabigay ng pahayag tungkol sa nangyari. Ngunit sa kabila ng nangyari tinangap nila ang paumanhin ni mama. Umalis kami roon at bahagyang huminga ng malalim c mama.
"Haaaa. Tara na Luis" ani ni mama.
10 taong gulang ako ng nangyari iyon at ngaung babalik na kami galing US, nagunita ko ang pangyayaring iyon. Pitong taon na ang nakalipas ngunit tulad ng sinabi ko sa aking sarili, hinding hindi ko sya makakalimutan. Maaring nakalimutan ko nga ang pangalan nia pero hindi ang kanyang mukha, magandang mata, mahabang pilikmata, mapupulang labi at kutis na maputi. Kamusta na kaya ang batang iyon ngayon? Siguro'y nasa high school na sya at maraming nanliligaw. Nagkibit balikat lng ako at patuloy ang pakikinig ng music sa Ipad.
Palapag na ang eroplano at inisip ko nang mag ayos ng sarili para sa pagbaba.
Tumuloy kami kina tita Beth sa Maynila. Ganoon parin ang kanilang bahay. Pati ang mga muebeles ang walang pinagbago. Nandito ang mga pinsan kong sina Liro, anak ni tita Beth, Marco at Maya na mga anak naman ni tita Letty. Close kami noon kaya naging madali makipagusap sa kanila. Dito na sila nakabase sa Maynila.
"Oh Luis!" Bati ni tita Beth. "Ang laki mo na ah, binatang binata ka na! At ang gwapo pa, iba talaga lahi natin! Hahaha." Tumawa sya. "Ah opo tita malaki na ako magtaka ka kung hindi ako lumaki. Ahahah!" Sabay halik ko sa pisngi niya. Talagang close na close kami ni tita at para rin syang bagets kung magsalita at kumilos kaya mas magaan ang loob ko sa kanya.
"Ma! Pakainin na natin sila ni tita Mari!" Busangot na sabi ni Liro sa kanyang inang tawa ng tawa. Umupo kami ni mama sa dining table at nagsimula nang kumain.
Dito ko na sa Maynila ipagpapatuloy ang pagaaral ko. Mag fifirst year college narin naman ako kaya mainam na dito ng mamalagi sa pilipinas para mapagtuonan ang gusto kong kurso bilang Engineer. Para sa akin kasi mas magiging motivated ako dito lalo na gusto kong magpatayo ng bahay sa naiwan namin lupa doon sa probinsya.
Naisip ko nanaman siya. Yung magandang batang babae.
"Ahh Luis! Bata pa sya ngayon sigurado!" Sabi ko sa sarili habang nagpapahinga sa sala.
Kung makakaharap ko sya, Mababaliw ata ako.
BINABASA MO ANG
Loving Can Hurt
RomanceBakit ganito? Bakit masakit? Mahal? Love? Nagmamahal ka ba kapag nasasaktan ka? Kilala ng lahat c Lily bilang inosente, mabait, at wala pang karanasan sa pagibig. Ayaw din kc ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ama na maranasan ito agad. Pero ta...