Mashakit besh!
Pagkatapos ng practice game, kinaladkad ako ng aking napakamabuting kaibigan sa mga nanalo. Iyon ang grupo nila Mateo. "OMG! OMG! OMG" paulit ulit kong ibinubulong habang nagpapalpitate ang aking puso sa paglapit kina mateo. First time ko tong naranasan.
Mateo Alonzzooooooo! Sigaw ni Yumi. Napalingon naman si Mateo sa akin, ay este kay Yumi. Nag smile siya pero halatang naiirita sa sigaw ng mga babae. Lumapit kaming dalawa sa kanya.
"Hello Mateo!" Sabi ni Yumi.
"Hi" ngumiti siya. Gosh dimples!
Walang preno ang bibig ng aking BFF sa pagpapakilala at ang huling pahayag pa niya na walang kahiyahiya kay Mateo at lalo na SA AKIN ay, "CRUSH KA NI LILY!!! Ito sya!"
Kinaladkad niya ako para humarap ng malapit kay Mateo. Natameme lang ako sa harap nia at parang naparalize dahil sa gwapong mukha.
"Uhm, .. eh. Ako nga pala si Lily." Sabay lahad ng kamay. "Wag kang maniwala sa kaibigan ko ah.. hehe" nahihiya kong sabi.
"Asssussss!" Nilingon ko si Yumi at tiningnan siya ng masama.
"Ako si Mateo, nice meeting you!". Sabi niya. " Congrats!" Sabi ko. "Salamat! Practice game pa lang naman iyon" ngumiti siya.
Ughhh! Ambait niya at hinawakan niya pa ang kamay kooooooooo!
"Uhm. Sige punta lang ako ng locker room". Sabi niya.
"Sige" namumula na yata ang aking mukha dahil sa kilig. Umalis siya kasama ng mga kasamahan.
Nang namataan ko si Yumi na nakikipaglandian, ay nakikipagusap pala doon sa isang lalaking kagrupo ni Mateo na matangkad at maitsura rin ay agad ko siyang pinuntahan. Naabutan ko silang nageexchange ng number. Iba talaga tong haliparot na to! Tumawa ako.
" Yumi! Halika na tama na yan!" At kinaladkad ko sya sa labas ng gym.
"Ano ba!" Sabi niya.
"Ako dapat ang magsabi niyan! Bakit mo sinabi na crush ko si Mateo? Ha?!" Pabulong kong siba sa kanya. Agad siyang tumawa dahil sa expression ko.
"Kung nakita mo lang ang mukha mo kanina, Lily!" Anlakas ng tawa niya. "Bakit totoo naman na crush mo siya, eh!" Tumatawa parin.
"Ewan ko sa'yo" tinalikuran ko siya at ngumiti. Ewan ko ba kung maiinis ako dahil agad agad niyang nalaman na crush ko sya o matutuwa dahil kahit papaano e nakausap ko siya at hindi ako invisible kanina. Wala kasing pumapansing lalaki sa akin sa school bukod pag may kailangan.
Nang sumunod na mga araw, lagi ko ng sinusulyapan si Mateo kahit sa malayo. Nagkakasalubong naman kami minsan sa corridor at nginingitian siya. Hindi siya lumilingon sa akin at patuloy lang ang tingin sa dinadaanan. Minsan ay naabutan ko rin siyang magisa sa library pero hindi niya ako pinapansin kahit pabalik balik na ako sa may daanan malapit sa upuan niya.
"Mateo" sabi ko nang namataan siya sa may bench sa gilid ng isang puno habang nagbabasa ng libro.
"Hi" tipid syang ngumiti biglang umalis.
Nawala ang ngiti ko nang umalis siya at napaisip na baka ayaw niya sa akin dahil di ako maganda. Ipinagwalang bahala ko na lang iyon pero may kaonting kirot parin sa aking puso. Bumalik na lang ako sa room.
"Lily, nasan si Yumi?" Nakita ko si Charles nang palabas ako ng school dahil tapos na ang klase.
"Ahmm hindi ko alam eh, hindi siya pumasok ngayon, bakit kaya?" Napatanong ako bigla sa kanya. Halatang halata na nagaalala siya kay Yumi kaya tinanong ko sya kung anong nangyari.
"Nagaway kasi kami kahapon eh, pero nagkamali siya ng intindi" ani niya sa malungkot na tono.
"Wala ba sya sa bahay nila?" Tanong ko.
"Wala eh, hindi ko naman alam kung saan siya pwedeng hanapin"
"Sige, ipapaalam ko sayo kung makita ko siya at kakausapin narin" ngumit ako ng slight.
Nagpasalamat siya at umalis na gamit ang kanyang motor.
Pumara ako ng tricycle. Bago ako sumakay ay nakita ko si Mateo. Nakanganga akong pinapanood siya sa di kalayuan sa may gate ng school. Nakapulang T-shirt siya at jersey shorts habang nakasaklay sa likod ang itim niyang Nike bag. Kahit anong isuot niya gwapo parin, mapauniporme man o casual na damit. Hmm. Ngumiti ako at muntik nang kumaway at sumigaw ngunit nakita ko ang lumabas na babae sa isang kotse. Kotse iyon na naghahatid sundo kay Mateo ah.
Maganda siya at maputi. Chinita siya at may dimples rin. Nakasoot siya ng floral na off shoulder dress at naka cream color doll shoes. Kumapit siya sa braso ni Mateo. Nawala ang ngiti sa mukha ko dahil tumatawa silang pumasok sa school. Medyo tumamlay ang tingin ko sa kanila. Parang mag kaedad silang dalawa at animo'y mag bf at gf dahil bagay na bagay silang dalawa. Parehong magagandang nilalang na ginawa ni Lord.
"Miss sasakay ka ba?". Bumaling ako kay kuyang kulot na kumukunot ang noo.
"Ah.. opo" sumakay na ako at malungkot na iniisip ang mga bagay bagay.
Dumating ako sa bahay bandang alas dos na ng hapon. Pumunta agad ako sa kwarto at humiga sa kama. Naiisip ko parin ang aking nakita. Siguro girlfriend siya ni Mateo. Ang ganda naman niya. Sumakit ang puso ko sa kakaisip na walang wala akong pagasa mapalapit sa kanya. Kaya noya rin siguro ako iniiwasan dahil may girlfriend na siya at ayaw nia sa pangit. Nanlumo ako. Mangiyak ngiyak na ako sa kakaisip. It hurts! Bakit nasasaktan ako? Mahal ko na ba siya? Sa saglit na panahon nagmahal na ba ako? . Hindi ko alam kung ano ang masakit eh, yung binabale wala ka na crush mo o makitang may kasama siyang iba at maganda? En sheket nemen besh.
Lumabas ako ng kwarto at naisipang kumain dahil siguro sa stress.
"Ma, anong meryenda?" Tanong ko kay mama na babad na babad sa haponovela sa tv.
"May bananacue dyan at juice" tumango ako at kumain.
Habang kumakain ako, bigla kong naalala si Yumi. Tumawag ako sa kanya.
"Hello Yumi?" Narinig ko ang paghagulgol niya. "Bakit ka umiiyak?"
"Niloko ako ni Charles, Lily"
"Anong nangyari?"
"Nakita ko siya sa mall kahapon, may ka holding hands, huhuhu!" Hindi ako makapaniwala.
"Hinarap ko siya at yung babae niya, sinampal ko si Charles at sinigawan ko siya sa mall na break na kami" humahagugol siya. Naisip ko ang mukhang malungkot ni Charles kanina sa school.
"Yumi, baka naman na misinterpret mo si Charles, baka kaya niyang magpaliwanag, hindi ako makapaniwalang ipagpapalit ka niya. Mahal ka kaya nun!" Sabi ko.
"Huhuhu, pero kitang kita ng dalawang mata ko na hinahaplos niya ang babaeng iyon!
"Magusap kayo Yumi, mas magiging maayos ang lahat kung malalaman mo ang side niya. Pinuntahan ka niya sa school kanina at talagang nakikita ko ang lunkot niya dahil sa pag aaway niyo" paliwanag ko.
Medyo huminahon naman ang iyak niya.
"Talaga?" sumisinghot singhot pa. "Oo nga" sabi ko.
Ayon tumigil na siya sa pag iyak at ibinaba na ang cellphone. Napaisip ako dahil sa panahong sumasakit ang puso ko ay may nakakaramay ako. What are friends for? right? Natatawa na lang ako dahil sabay pa kaming nasasaktan ngayon at magkadugtong parin ang aming mga puso. Mashakit besh! Hahaha.
BINABASA MO ANG
Loving Can Hurt
RomanceBakit ganito? Bakit masakit? Mahal? Love? Nagmamahal ka ba kapag nasasaktan ka? Kilala ng lahat c Lily bilang inosente, mabait, at wala pang karanasan sa pagibig. Ayaw din kc ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ama na maranasan ito agad. Pero ta...