Kabanata 1

14 1 0
                                    

Bangga

"LILY JANE! pumasok ka ng bahay!" galit na sabi ni papa.

Noon pa man ayaw na ayaw niya na akong sumama sa mga kaklase ko para gumala at makibonding o magtravel at magliwaliw magisa dahil natatakot sya sa kung anong pwede mangyaring masama sa akin tulad sa nangyari noong bata pa ako. Naiintindihan ko nman na ayaw niya akong mapahamak. Gusto ko ng bago, makalaya pero hindi ko kayang sumuway sa kanila ni mama kasi ayaw ko sila madisappoint. Kumpara kay papa, mas maluwag c mama sa akin at naiintindihan niya ako. Minsan na rin akong pinayagan ni mama na sumama sa friends ko kahit saglit na hindi pinapaalam kay papa.

Oo, nakakasakal, gusto ko ng freedom, pero hinding hindi ko ipagpapalit ang kaonting kasiyahan sa aking pamilya. Bahay at School lang ako at ang tanging pinagkakaabalahan ko lng kapag free time ay pakikipagusap sa bestfriend kong c Yumi.

"Di ka nanaman sasama Lily?" tanong ni Jessica, classmate ko. "Oo eh, alam mo naman c papa, bawi nlng ako 'pag nasa school tau." Sabi ko.

Nakakunot ang noon na sinabi niya, "Okay, uhmm, sige, aasahan namin yan ahh."

At umalis na sila ng iba ko pang classmates. Pumasok na ako sa loob at nakita ang malungkot na mga mata ni mama para sa akin. Hindi niya mapapayag c papa na umalis ako at makibonding sa kanila.

Nasa ikalabing walong grado na ako ngayon sa St. Lucia High School, isang private school sa bayan. Nakatira kami sa bario ng San Lucas. Hindi kami mahirap pero di naman kami ganoon ka yaman. Kilala c papa na isang negosyante dahil sa pagpapatakbo ng ilang pagawaan sa pagdidesenyo at paggawa ng mga sapatos na ipinagbibili sa mga store branches sa bayan. Maging sa Maynila may sinusupplayan kami sa isang shoe line.

Sabado ngayon at natapos ko na rin kagabi ang mga assignments para sa monday kaya pupunta nlng ako sa kapitbahay at bestfriend ko. Pumapayag c papa kapag malapit lng sa bahay ung pinupuntahan ko. Oo sobrang lapit ng bahay namin kina Yumi, limang bahay lang ang pagitan. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na diyan lng sila o maiinis kasi gusto ko naman sana makalayo layo ng onti kahit mga limang streets lng eh para naman mafeel ko na hindi ako masyadong kulong.

Kumatok ako sa pinto nina Yumi 'tok tok tok' " Yumiii,, tao po". Pinagbukasan ako ng maid nila.

"Uyy, Lily! Pasok ka" maligayang pagbati ni Ate Cely.

"Salamat ate, nasaan po si Yumi?" nginitian ko sya.

"Ah, nasa kwarto nia, akyatin mo na lang, matutuwa yon" . Umakyat ako at dirediretso sa kwaryo nia dahil hindi naman iyon nakalock.

"LILY" gulat na sabi ni Yumi pero nakangiti.

"Bakit?, buti nandito ka at kahit papaano naman eh nakakaalis ka sa bahay nio" sabay halakhak niya.

"Alam ko, ayaw ko naman kasi sumuway kay papa eh. Pero nasasakal na talaga ako! Urghh!" Medyo inis na sabi ko.

"Lily, totoong mahirap sumuway sa kanya, kilala ko si tito Felix, pero mainam na maranasan mo na kahit kaonting kalayan lalo na at nagdadalaga ka na, 14 ka na oh, hindi naman porket dumedepende ka lagi sa kanila eh di ka na tumatanda, kailangan mo rin maranasan ang mga bagay bagay para matuto ka at hindi maloko ng iba. Alam mo na, makaexperience ng "lovelife".. wahahhahaa!"

"Wala naman sa isip ko yan eh, tss!"

"Pero kahit na! Dapat lang na maging independent ka kahit papaano para lumawak ang nalalaman mo at mag grow, mukha ka pang manang sa eye glasses mo at paldang mahaba, try mo kaya mag lipstick at magsuklay? Wahaha.. try mo maglahad sa papa mo ng iyong saloobin? Hindi naman masama na magstand para sa sarili mo as long as hindi ka naman nawawalan ng respeto sa mga sinasabi mo eh" Untag ni yumi.

"Sige, sige pagiisipan ko yan, ayokong magkamali kay papa baka lalo akong pagbawalan nun!" Sabi ko.

"Yumi, ikaw, kamusta buhay natin dyan?" Tanong ko.

"Eto masaya, hindi naman kasi ako pinagbabbawalan ni Dad makihalubilo sa friends ko at lalo na magkaboyfriend. Hahahaha, nandito nga si Charles kahapon eh, pinagbake ko sya ng cookies para naman mailabas ko ang natutunan ko sa TLE.. bwahahahaha!" Humagalpak sya sa tawa.

Hindi talaga mahilig magluto itong si Yumi kasi iba ang hilig niya, mahilig sya makipagsocialize at magentertain ng iba' ibang tao. Masyado siyang makabago at sunod sa layaw ng kahit anong hilingin sa ama niyang si Tito Leo. Sa kanya na nga lang ako natututo ng mga 'what abouts' sa ibang tao eh. Ako ang mahilig sa mga gawaing pang lola, hahaha, kc naman wala akong ibang pagkakaabalahan sa bahay kundi magluto, maglinis, manahi, at iba pang gawain sa bahay. Magkaibigan na kami simula Grade 1 palang.

Dalawang oras kaming nagchikahan lng sa kwarto at kumain ng natirang cookies niya. Infairness pwede na pagkakitaan itong cookies dahil sakto ang sarap.

"Sige una na uwi na ako ah, baka nandoon na si papa galing pagawaan" paalam ko.

"Okay, ingat pauwi ah baka ma-rape ka dyan sa daanan, wahahahaha!" Pangaasar niya. "Pero Lily, pagisipan mo yung sinabi ko ah, sana talaga pagluwagan ka na ni tito para maexperience mo rin maging dalaga" sabay ngiti niya.

"Salamat Yumi, pero mukha naman akong manang kaya walang ganon wahahaha.." sinakyan ko nlng ung sinabi nia. Umalis ako at naglakad na patungong bahay.

Pagisisipan ko ang mga sinabi ni Yumi. Sana talaga makamit ko na ang kaonting kalayaan na hihingin ko kay papa.

Kinaumagahan, pupunta kami ng aking pamilya kasama ang mga kapatid kong sina Michie at Riley. Nakababatang kapatid ko sila. Si Michie ay walong taong gulang na at sumunod naman si Riley na nasa limang taong gulang palang. Talagang walang gagabay sakin na nakatatandang kapatid dahil ako nga ang panganay kay ganito nalang ang pagka inosente ko. Pero sa edad ko, ok lng naman na ganito parin ako kainosente pero dapat humakbang na ako para magmature at magrow.

"Lily, bilisan mo na dyan, malelate tayo" ani ni Mama.

"Opo, pababa na". Nakaputing bestida ako na flowing ang bandang palda at black the flat shoes. Nakasuot din ako ng eyeglasses dahil medyo malabo ang aking mata. Tinali ko lng ng ponytail ang itim at mahaba kong buhok.

Nasa simbahan na kami at mataimtim na nagdarasal si mama, si papa naman seryoso lng ang mukhang nakatingin sa altar. Sina Michie at Riley ay nagkukulitan sa tabi ko.

"Shh. Tumigil nga kayo, may misa oh, wag kayong magkulitan!" Saway ko sa mga kapatid ko. Tumahimik naman sila agad.

Nang natapos ang simba, kumain kami sa labas at pumunta ng mall. Pumunta ako saglit sa may book store para mamili ng libro.

"Parang wala namang bagong libro dito, karamihan ay nabasa ko na" sabi ko sa sarili habang tumitingin ng mga libro.

"Aray!" Sabi ko ng bumagsak sa sahig dahil sa may nakabangga ako. Tinulungan niya akong tumayo.

"Sorry miss!" Sabi ng gwapong lalaki na agarang umalis pagkatayo ko. Malapit din kasi ang shelf kung nasan ako sa may daanan papuntang pintuan ng book store. Tumigil sandali ang mundo ko nang nakita ko sya. Ni hindi ko na nga naalintana ung sakit nagpagkakaabagsak ko. Parang isang pamilyar na mukha sa isang panaginip ko siya nakita. Matangkad, moreno, parang model sa Bench ang kagwapuhan at ang tindig. Pero hindi ko rin makakaligtaan na hindi naman siya ganoon katanda. Parang teenager lng rin katulad ko.

"Ate! Tara na, uuwi na tayo" sigaw ni Michie. Umalis na ako dahil wala naman akong nagustuhang bilhin.

Alas-sinko na nang nakarating kami sa bahay. Habang nagluluto ng sinigang, naalala ko yung nakabangga ko kanina. Hmm.. para talagang nakita ko na sya kung saan, siguro nga sa panaginip lang. Nangingiti ako habang nagluluto.

"Siguro hindi na kami magkikita" nagkibit balikat habang sinasabi sa sarili.

Loving Can HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon