Kabanata 2

5 0 0
                                    

Crush

Lunes ng umaga naghanda na ako para pumasok sa school. Naabutan ko si mamang naghahanda na ng umagahan sa lamesa.

"Kumain ka na Lily". Anyaya niya.

Umupo ako at nagsimula nang kumain. Dumating naman si papa at nakisabay narin. Tulog pa ang mga kapatid ko kaya di sila makakasabay.

"Lily Jane, kamusta ang school?" Tanong ni papa.

"Maayos naman po, tapos na po ang exams namin ngayong 3rd term, hinihintay na lang po ang mga grades."

"Maayos naman ba ang mga scores mo sa exams? Baka naman napapabayan mo ang pagaaral mo" sabi ni papa.

"Ano ka ba Felix! Paano niya mapapabayaan yun eh hindi naman siya nagbubulakbol at bahay-eskwela lang ito si Lily" sarkastikong untag ni mama.

"Anak, alam mo naman na pinoprotektahan lang kita sa kung anong masamang mangyari. Ayoko nang maulit yung nangyari nung bata ka pa at mas lalong ayokong may mas malalang manyari. Alam mo na yun diba?" Tanong ng aking ama.

"Opo Pa, pero-" biglang nagring ang telepono ni papa.

Naisip ko yung sinabi ni Yumi ngunit hindi siguro ito ang pagkakataon para sabihin yung hinaing dahil sa may tumawag sa kanya galing trabaho.

"Hello, anong nangyari?" Sigaw ni papa habang hawak ang telepono. "Oh sige papunta na ako". Dali dali syang naghanda para umalis.

"Anong nangyari Felix?" Tanong ni mama sa kanya.

"Nahulog daw yung isang truck natin sa bangin. Papuntang Maynila pa naman iyon. Importante ang mga sapatos na naroon dahil un ung mga sapatos na inorder ng pinakamalaking kompanyang sinusuplayan natin, ang GV Shoes. Kahit isa lang na truck eh malaking kawalan na para sa atin iyon. Pupunta ako sa pinangyarihan para malaman kung may pwede pang isalba at nandoon na din ang mga pulis para mainterrogate."

"Oh siya sige, mag ingat ka" at dali daling pinaandar ni papa ang kotse at umalis.

"Lily, pumasok ka na sa school, eto baon mo, magtricycle ka na at walang maghahatid sa'yo ngayon." Ani ni mama.

Nakarating na ako ng school. Nandoon na rin si Yumi sa kanyang upuan at nag 'Hi' sya sa akin ng nakangisi. Umupo ako sa tabi nia.

"Liiiiillllly, may practice mamaya ang St. Lucia Basketball Team para sa laban nila sa ibang school!" Excited niyang sabi.

"Ano ngayon?" Sabi ko.

"Ano ka ba nadoon si Mateo! Yung pinaka gwapong varsity ng senior high!" Sinabi niya hanbang niyuyugyog ako.

"Nood tayo!!!!!!" Anyaya nia.

Tumawa ako. "May boyfriend ka na Yumi ah, wag mo sabihing nagkakacrush ka pa sa iba!".

"Crush lang naman iyon eh!" Inirapan niya ako pero naka ngiti parin.

Dumating na ang teacher namin sa Math. Nagturo sya tungkol sa ibat ibang method kung paano mag solve ng ibat ibang math problems. Nilingon ako ni Yumi.

"Inday, kailangan ba ito sa life? Nagdudugo pa naman ako ngayon pati ba naman utak dudugo din?" Tumawa ako ng walang tunog para di mahuli.

"Yumi madali lang iyan kapag ianalyze mo nh mabuti, hayaan mo kapag hindi mo talaga gets tuturuan na lng kita, what are friends for right? Hahaha." Bulong ko sa kanya.

"Hayaan mo tuturuan din kita maglandi! Hahahaha" biro niya at humagalpak sya ng tawa.

Narinig iyo sa buong klase.

"Lily at Yumi! Anong topic ninyo dyan at pwede niyong ikwento sa klase?" Pagtataray ni ma'am.

Tumahimik na kami ni Yumi pero hindi parin maalis ang ngiti nia. Talaga nga naman itong kaibigan ko, gayang mga bagay lang ang alam.. hahaha pero kailangan ko siya sa buhay ko. Nangiti narin ako.

Natapos na ang half day naming klase at napilitan akong sumama kay Yumi manood ni Basketball practice. Pumasok kami sa Gym at sa may unahang banda ng bleachers kami umupo. Marami na rin ang tao at sabay sabay nagsisigawa ng apelyidong "Alonzo!, Alonzo!, Alonzo!". Paulit ulit iyon. Nakisigaw narin c Yumi. Grabe kung makatili ito porket nasa college na ang boyfriend niya at hindi na dito nag aaral. Tinakpan ko na lang ang tainga ko at natanaw na pumapasok na ang mga manlalaro.

"Yumi, tumahimik ka muna! Nakakaloka ang tili mo para kang nilulublob sa mainit na tubig, tsk." Sabi ko sa aking kaibigang mala ambulansya ang ingay.

"Lily! Ayun siya si Mateoooo!!! Wooooohhhhhh!!!.. sigaw uli nia. Paguwi ko sa bahay siguradong wala na akong eardrums dahil dito.

Tiningnan ko ang naka jersey na may number 29. Unti unti akong natulala sa kanya at di namamalayang nakangiti na ako. Ang gwapo niya, maputi sya, naka clean cut siya at malalim ang mga mata. Matangkad siya, sguro nasa 6 feet siya. Matangos ang ilong niya and labi naman niya ay manipis pero mapula.

"Uyy.. si Lily crush si Mateoooooo!" Una Nakangisi sakin si Yumi na sinabi iyon at ang huling tatlong syllables naman ay tumingin na sya sa lalaki pasigaw niyang sinabi ito.

Tinititigan ko lang si Mateo at bigla syang kumindat sa gawi ko. Hindi ako sure kung ako iyon o iba, pero natutunaw na ako.

"Crush ko siya? Hmm. Hindi naman siguro masama." Sabi ko sa sarili na hindi naman napansin ng mga katabi ko. Uminit ang pisngi ko.

Loving Can HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon