Culminating Night
"Perfect!" Pumalakpak si Yumi pagkatapos niya akong ayusan ng buhok at make-upan. Ngiting ngiti siya at manghang mangha sa sinasabi niyang "master piece" niya raw.
Pinagbathrobe niya ako dahil mas madali daw maghubad para hindi magulo ang hair and make up na ginawa niya. Nauna na siyang nagmake up sa kanyang sarili para hindi kami magahol sa oras. Masasabi kong may talent talaga itong kaibigan ko na ibang iba sa talent ko. Magaling siyang magpaganda at makihalobilo sa iba't ibang tao. Ako naman magaling magtago sa bahay at gawaing pang paaralan.
Unti unti akong humarap sa salamin. Nakanganga ako. Hindi ko alam na may igaganda pala ako! Wala akong eye glasses dahil sinuot ko ang bigay na contact lense ni mama kanina lang. Well, ayokong magcontact lense dahil hindi ako sanay at di ako marunong maglagay pero nakasurvive naman ako sa una kong subok. Brown ang aking eyeshadow na hinaluan ng light pink sa aking crease line. Smokey eyes daw ito sabi ng magaling kong kaibigan. Pinkish naman ang nilagay niyang blush sa aking pisngi. Wapak na wapak din ang aking kilay dahil bago niya kulayan inahitan niya muna. At ang huling kumompleto sa look ko ay ang red lips. Matte ang inilagay niya kaya tuyo at hindi madaling mabura.
Biglang sinarado ni Yumi ang nakakanganga kong panga. Nakaka-amaze talaga ang trasformation na ito.
"Oh ano Lily Jane A. La Cueva, ang galing ko diba! Hahaha"
Nagslow clap ako at umiling iling. Sarcastic iyon pero hindi ko maitatanging tama siya.
"Salamat Yumi!!" Masaya kong sabi.
"It's your time to shine Lily! Show them that you are beautiful inside and out! Kaya huwag kang papatalo doon sa Elise! I'm sure Mateo will definitely regret that he left you! Hahaha!." Ang lakas determinasyon niang sinabi.
Sinuot na namin ang aming mga dresses. Pinahiram niya rin ako ng purse na bagay sa naman sa simple black ribbon sa aking baywang. Nilagay ko doon ang aking cellpone, maliit na wallet at ang mga binigay ni Yumi na pangmake up para raw panretouch mamaya.
Saktong 5:30 na at umupo na kami sa loob ng kanilang van. Pumasok na rin si tito.
"Ang gaganda naman ng mga ihahatid ko!" Ngumingiti si tito habang tumitingin sa amin ni Yumi.
"Syempre naman Dad!" Proud na sinabi ng katabi ko.
Tuwang tuwa si Yumi na ipinagmammalaki niya sa kanyang ama ang himalang ginawa niya sa akin. Nakikitawa na lang ako sa kanya.
6pm nang nakarating kami sa school. Gaganapin ang Night sa malaking hall sa 4th floor ng school. Doon talaga ginaganap ang mga ganitong klaseng event dahil mas maganda at mas pormal tingnan iyon kumpara sa Gym. Malaki talaga ang St. Lucia.
"Girls, susunduin ko kayo bandang 9:30 mamaya!" Tingnan ni tito si Yumi, "Behave". Natawa ako roon dahil seryoso niyang tiningnan ang anak.
"Dont worry tito, ako pong bahala" sabay saludo sa kanya. Tumawa siya at nakasimangot naman itong si Yumi.
"Dad, im not a kid anymore!
"Okay okay, but dont mess up ok!" Tumatawa si tito.
Umirap si Yumi nang pinaandar na ni tito ang sasakyan.
Pumasok na kami sa loob. Nakita naming nakapila na ang mga estudyante kasama ang kani-kanilang partner sa may pinto para pumasok at ipakilala isa isa ng Emcee. Nasa may pintuan siya para tanungin ang aming pangalan. Pumila na rin kami ni Yumi. Nasa bandang hulihan kami at wala ng sumunod na ibang studyante, siguro'y nauna na ang marami dahil excited. Pumunta na rin ang kapartner niya na si Tobi sa kanyang kaliwa.
BINABASA MO ANG
Loving Can Hurt
RomantizmBakit ganito? Bakit masakit? Mahal? Love? Nagmamahal ka ba kapag nasasaktan ka? Kilala ng lahat c Lily bilang inosente, mabait, at wala pang karanasan sa pagibig. Ayaw din kc ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ama na maranasan ito agad. Pero ta...