Kaibigan
"Hoy Babae!" Bulyaw ni Yumi.
Nakaupo ako sa may bleachers ng gym.
"Hayy, Day dreaming nanaman! Tulo laway ka na oh" sabi ni Yumi.
"Huh?" Di ko namalayan na natulala na pala ako habang nakatingin kay Mateo.
"Hay girl, wag mo ng pagpantasyahan yang si Mateo, walang kwenta yan! Balita ko hiwalay na sila nung chinita!"
"Mabuti nga yun." Wala sa sari kong sabi. "Ah e-hh, este, talaga?"
"Oo girl, pero wag kang umasa porke wala na sila, papaiyakin ka lang niyan pag ka naging kayo. Balita ko sya daw ang nakipagbreak kasi nakakita ng iba sa kalapit na school."
Tsismakers talaga 'tong babaeng to. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung Culminating Night, at last day na ng klase ngayon. Naalala ko lang iyong nangyari sa party, parang panaginip masabihan ng maganda. Hayy, balik normal na kc ako. Well, ang normal eh yung Manang Look. Di ko pa kasi alam kung paano yung pinagagagawa ni Yumi.
Tumingin ako kay Mateo na naglalaro ng Basketball.
"Hindi naman ako umaasa eh. At isa pa hindi na ako mapapansin nyan, naghanap pa nga ng iba sa ibang school." Sabi ko.
"Mabuti na ang nagkakalinawan. Sa maganda lang yan tumitingin. Porke may maganda susumgaban na!" A-yy sorry girl, di ko naman sinasabing di ka maganda. Maganda ka kaya kaya lang balik ka nanaman sa aura mo."
Sanay na rin naman akong di masabihan ng maganda. Mabuti nga kahit isang beses naranasan ko pa eh.
"Alam ko naman yun." Nakangiting sabi ko.
___________________________________
Tatlong lingo na nung matapos ang klase at magsimulang magbakasyon.
"Ma, kailan ang balik ni Papa?" Hangang ngayon hindi parin sya nikakabalik galing Maynila. Kamusta na kaya iyong problema sa client niya?
"Baka sa makalawa ang balik ng papa mo, may inaasikaso pa eh"
"Miss ko na si papa, ma" malungkot na sabi ni Mitchie.
"Ako din!!" Pahayag ni Riley.
Kahit naman nakaramdam ako ng kaunting kalayaan sa pagalis ni papa, namimiss ko rin siya.
"Sige na, kumain na kayo para makapaghilamo at makatulog na. Dalawang tulog nalang makikita nio na si papa." Masayang saad ni Mama.
"Yehey!"
Dali dali namang kumain ang dalawa.
After 2 days.
"Pa!" Sinalubong naming tatlo si papa. Mukhang pumayat sya at medyo obvious din ang pagkastress ng mukha niya. Ngumiti sya samin at saka kami nagmano isa isa.
"Ito pasalubong oh."
Kinuha agad nung dalawa yung pasalubong. Natawa naman si papa.
"Kamusta po papa?" Bigla naman huminyo ang tawa niya at di sinagot ang tanong ko.
"Felix!" Agad yumakap si Mama at hinalikan sa pisngi.
"Namiss ko kayo" medyo mahinang sabi ni papa.
"Kami rin po" sabay yung dalawa.
Pumunta na sina Mama at Papa sa may dining area.
Naririnig ko silang magusap.
"Kamusta Felix?" Naging seryoso ang mukha ni Papa.
"Hindi maayos mahal, kailangan nating lumipat ng Maynila. Doon na magaaral ang mga bata at sa public school nlng natin sila pagaaralin dahil unti unti na tayong nalulugi sa negosyo. Humingi na rin ako ng tulong kay Lucio. Pasalamat pa tayo at hindi tayo nademanda ng GV shoes dahil hindi na naibalik ng buo ang nainvest nila sa atin. Nakiusap ako na uunti untiin kong bayaran ung damages kapag nakaluwag luwag na tayo. Magbabawas narin tayo ng tao sa pabrika."
Parang may gumuhong parte sa aking puso. Gusto kong ipagpatuloy ang pagaaral ko rito. Nandito c Yumi na natatangi kong kaibigan. Panibagong pamumuhay, panibangong mga tao na makakasalimuha at panibagong panghuhusga nanaman ang matatangap sa magiging school ko. Pero, kug ito ang pinakamabuting paraan, mas ok na kesa mas mahirapan sila mama.
"Sa mansion nila Lucio at Crosita na muna tayo tutuloy ng mga bata."
Mabuti na lang mabait sina tito at tita at handa kaming tulungan.
"Kailan ang alis natin Felix?"
"In two weeks time, aayusin ko muna ang mga kailangan sa pabrika at dito sa bahay, ipapagkatiwala ko muna kay Lito. Siya ang maguipdate sa 'kin."
"Sige, kumain ka na muna." Aya ni Mama.
_________________________
Pumunta ako kina Yumi para ibalita na aalis na kami ng San Lucas. Sinabi ko na lilipat na kami ng Maynila at doon na kami magaaral ng mga kapatid ko.
"Mamimiss kita Lily! Huwag mo kong kakalimutan baka ipagpalit mo ako sa magiging friends mo!" Umiiyak na sabi niya habang nakayakap.
"Baliw! 'wag ka ngang OA! 2 weeks pa yun at saka may internet naman kayo diba. Uso ang fb, twitter, instagram, viber, snapchat at skype kaya magkakausap pa tayo no! At isa pa, hinding hindi kita makakalimutan dahil ikaw lang naman ang nagtyaga sakin simula bata pa tau." Sabi ko sa kanya.
"Ang cheesy mo na ha," patawa niyang sabi.
"Ikaw kasi eh!" Natatawa ko ring sabi.
"Basta pag ka may poging manilenyo kang makita ah, ipagbigay alam mo lang sa tanggapan ng lola mo"
"Hahaha, may Charlse ka na no! Ayoko nga, mamaya ako pa ang maging dahilan ng pagtataksil mo!"
"Nagbibiro lang naman. Syempre para sau dapat ang gwapong Manilenyo" Sabi niya.
"Sira, di ako pupunta ng Maynila para mag lovelife!"
Kumanta kami sa karaoke nila para daw magbonding.
"Knife, cuts like a knife..."
"Lily Jane ano ba yang kanta mo parang ikaw lang, pang gurang!" Tiningnan ko sya ng masma at saka tumawa. Hahaha. Natapos ang kanta ko at siya naman ngayon.
"Huwag dyan, may kiliti ako dyan... wahhhhhhh wooohhhh"
"Yumi, parang ikaw din ung kinakanta mo, malandi! Hahaha" sabi ko.
"I know right! HAHAHA"
Ano ba namang mga kinakanta nito. Hahaha. Pero kahit ganyan siya, im so proud and glad to have a friend like her. No matter what happens, through ups and downs, she never fails to always be there for me. Im so blessed knowing that even if i have only one friend, our friendship is real kasi mas gugustuhin kong kahit hindi marami basta totoo at walang halong kaplastikan.
BINABASA MO ANG
Loving Can Hurt
RomanceBakit ganito? Bakit masakit? Mahal? Love? Nagmamahal ka ba kapag nasasaktan ka? Kilala ng lahat c Lily bilang inosente, mabait, at wala pang karanasan sa pagibig. Ayaw din kc ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ama na maranasan ito agad. Pero ta...