Eww... Yuck!..
"LILLLLLYY!" Tumitiling pambungad sa akin ng aking magandang kaibigan. Oo maganda talaga sya gaya ng pangalan niya at hindi ako sarcastic..
"Oh? Blooming ahh!" Ngiti ko sa kanya.
"Nagkausap na kami no Charles! Hahaha, ung babaeng hinahawakan niya ng kamay ay si Carla, pinsan niya pala. Hinihilot lang niya ang kamay kasi umaatake daw ang migraine." Naalala ko magaling c Charles manghilot lalo na sa mga ugat sa kamay at paa na connected sa ibat ibang parte ng katawan.
"Nawala sa isip ko na magaling siya magmassage at talagang nagconclude ako agad nung makita ko sila sa mall. Naging mas sweet sa akin si Charles at ako naman ang hinilot niya kanina! Wahahahaha!" Alam kong may ibang ibig sabihin iyon. Tumawa na lang ako.
Dumating na ang teacher at naglahad ng impormasyon tungkol sa nalalapit na Culminating Night. Para rin siyang prom na gaganapin sa pagtatapos ng klase three weeks from now.
"Class, pumili na kayo ng kanya kanyang partner para sa Night. Pwede kayong magdala ng hindi taga school basta't mainclude sila sa magbabayad para sa pagkain at ibang expenses."
"Ma'am, pwede po bang maging partner ang ibang years lalo na ang seniors?" Tanong ng classmate kong si Jack.
"Oo naman" sabi ni Ma'am.
Naisip ko kaagad si Mateo pero agad ding sumagi sa isip ko iyong babaeng parang koalang makakapit sa braso niya noong nakaraang dalawang araw. Napagtanto ko rin na wala akong pagasa dahil sa dinami dami ng admirers niya wala akong panama, magaganda sila!
"Oh bakit ka malungkot?" Sabi ni Yumi.
"Wala"
"Hmm.. si Mateo?
Umiwas ako ng tingin sa kanya.
"Itry mo syang alukin, Lily, baka pumayag iyon" untag ni Yumi.
Mas lalo lang akong nawalan ng pagasa at nalungkot dahil hindi talaga papayag iyon! Hindi ako magandaaaaa!
"Hindi na lang ako pupunta" malungkot na sabi ko.
"Pumunta ka Lily! Akong bahala sa look mo! Okay!. May conviction niyang sabi.
Isang araw habang naglalakad ako sa may quadrangle ng school, may nakita akong babae na hindi matigil ang tili dahil sa niyaya sya ng isang senior na maging date sa Culminating Night. May magarbong pa tarpulin pa si guy at may pabaloons pa sa stage.
Ang lamya kong naglalakad sa palibot ng quadrangle. Tinutusok ang aking puso dahil hangang ngayon ni isa wala man lang saking nagyaya! Kakaloka. Si Yumi may nagyaya sa kanya na senior noong isang araw at pumayag siya dahil hindi rin naman niya makakadate si Charles. Pupunta kasi si Charles sa Baguio para sa isang seminar. Tatlong araw iyon.
Nakita ko si Mateo sa may corridor habang sinusundan ng apat na babae, ay magagandang babae pala. Parang niyayaya sila nito para sa Culminating Night.
Umalis na lang agad ako doon ngunit laking gulat ko nang sumunod siya sa akin at hinablot ang aking kamay.
"Siya na ang makakadate ko" sabi niya sa mga nakangangang babae.
"HAAA! Bakit siya?, Eww Mateo!. Sabi ng maarteng kilay na tinubuan ng mukha.
"Yuck, pangit siya Mateo" sabi nung isang mahaderang palaka na binudburan ng magic sarap sa talukap dahil sa glitter eyeshadow. Umirap siya sa akin habang pinupudpod ang kuko ng liha.
Iyong dalawang natirang babae naman ay umirap na lang rin dahil na summarize na nung dalawa ang itsura ko."Mateo, sila na lang ang idate mo, di naman ako maganda eh." Sabay hablot ko ng kamay ko sa kanya.
Bumaling ang mga babaita kay Mateo na naguunahan sa pag alok maging date nito.
"Ako nalang" humaplos ang froglet sa braso ni Mateo.
"Ako Mateo, mas maganda ako sa kanya!" Alingawngaw na boses ni kilay.
"Hindi Mateo, ako nlng" sabi nung isa.
"Ako, ako Mateo!" Ani nung isa na nakakapit sa isang binti ni Mateo.
Kaasar tong mga to, masyadong desperada! Hayy kahit naman gusto ko makadate si Mateo sa Night eh hindi naman ako magmamakaawa sa kanya ng ganito. Tumalikod na ako sa kanila para sana umalis na. Laking gulat ko nang hinawakan niya uli ang kamay ko at sinabi niya na ako ang idadate niya.
"Okay lang ba Lily?" Tanong niya.
"Uhmm..eh.. sige" nahihiya kong sabi.
"O ayan, si Lily na ang date ko!" Sigaw niya sa mga agresibong babae.
"Tsk!" Umirap si kilay at isa isa na silang umalis.
Umuwi ako sa bahay na halos magtayo ng clinic para sa ngipin dahil sa laki ng ngiti ko. Ang saya saya saya saya talagaaa!! Hindi ako makapaniwalang si Mateo ang makakadate ko.
Lumipas ang ilang dalawang lingo at sa Friday na ang Culminating Night. Ngayon ay Monday na at pagkatapos dumiretso ako sa bahay para magpaalam kay mama na sumama kay Yumi sa mall malapit. Wala si papa ngayon dahil may inaasikaso sa Maynila. Tungkol parin iyon sa naging problema sa isang truck na nahulog sa bangin na may lamang mga sapatos. Malaki rin kasi ang naiivest ni papa roon para lang makagawa ng may magaganda at mamahaling materiales sa mga sapatos. Hindi kaagad kayang bawiin iyon sa madaling panahon at kailangan niya pang humingi ng palugit sa GV shoes para makapagprovide muli ng kailangang produkto. Tatlong lingo na rin mula noong tumulak si papa papuntang Maynila.
"O sige, Lily Jane, pero maaga kang uuwi dahil pag nalaman ni Felix na umalis ka at nagtagal siguradong hindi ka na makakaulit. Ngumiti si Mama.
Nasa mall na kami ni Lily at pumunta sa isang boutique.
"Ang gaganda ng damit dito Lily" sabay hila niya sa akin sa loob. Totoong magagganda nga ang mga damit doon. Nagsukat din ako ng ilang damit at maging siya rin.
Si Yumi ay nakapili ng isang royal blue na long gown, tube top, may pearls sa may baywang at talagang hinubong ang curve nia ng flowing nitong tela pababa. Ang ganda talaga.
Ako may napili ako na simple pero agad niyang binalik sa hanger dahil hindi daw maganda."Ang pangit ng taste mo Lily!" Tumawa sya..
Sumimangot ako. Totoo naman na wala talaga akong alam sa mga ganito.
"Ito Lily, isukat mo dali!" Untag niya
Pumasok ako ng fitting room at sinukat iyon. Ito ay isang rosie pink long dress, flowing din sya tulad ng kay Yumi pero may manipis na strap sya sa top. Puno din ng glitters ang bandang dulo nh dress na sumasayad ng onti sa sahig. May black simple ribbon din ito sa may bandang baywang. Ang ganda nito baka di bagay sa akin.
Lumabas ako. Tumili si Yumi at sinabing iyon na ang bilhin ko.
"Bagay sa iyo Lily" sabi niya.
Ngumiti ako dahil kapag siya ang titingin siguradong bagay nga.
Umalis kami sa boutique at bumili naman ng shoes na bagay sa mga dress. Pagkatapos ay pumunta kami ng resto. Kumain kami ng dahon ng bayabas, este vegetable salad ta kulang na lang ay isuka ko dahil sa sama ng lasa. Di ako sana sa pagkaing pang maganda. Kailangan daw kasing ma maintain ang figure bago ang Culminating Night. Natawa ako. Hindi naman ako mataba o payat eh, katataman naman. Praning lang itong kaibigan ko.
"Tiisin mo Lily!" Sabi niya habang di maipinta ang itsura ko sa kinakain.
Lumabas na kami ng resto at natigil ako dahil bigla kong nakita iyong babaeng kasama ni Mateo. Sinundan ko siya ng tingin at may naaninang na isang anghel.
"Si Mateo oh!" Sabi ni Yumi.
Napatingin si Mateo sa amin saglit at biglang umiling para tinganan ang babaeng maganda na nasa harap niya.
"Alis na lng tayo, Yumi." Tumango siya.
BINABASA MO ANG
Loving Can Hurt
RomanceBakit ganito? Bakit masakit? Mahal? Love? Nagmamahal ka ba kapag nasasaktan ka? Kilala ng lahat c Lily bilang inosente, mabait, at wala pang karanasan sa pagibig. Ayaw din kc ng kanyang pamilya, lalo na ng kanyang ama na maranasan ito agad. Pero ta...