Kabanata 5

7 0 0
                                    

Girlfriend

Umalis na kami ng mall.

"Sino kaya yung kasamang girl ni Mateo? Infairness maganda at maputi" ani ni Yumi.

"Siguro iyon ang girlfriend niya, nakita ko na yun one time sa school eh. Sinundo siya ni Mateo sa may gate" walang ganang sabi ko.

"Kung girlfriend niya yun, hindi pa naman kasal eh! Wag ka mawalan ng pagasa! Akong bahala sa iyo sa Night, siguradong mabibighani siya sa iyo!" Proud niyang sabi."

"Maitim, pangit, manang,. Mabibighani? Huh?" Matamlay at nanlulumo kong sabi

"Have self confidence! Ano ka ba naman Lily! Nagsisimula ang lahat ng maganda sa positibong pagiisip! Don't ya worry dear, ill make you hot in that night! I'll be your Fairy Godmother. Hahaha!" evil laugh niya.

Nalate ako ng gising dahil sa kakaisip ng paraan para masabi ko kay Mateo ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Oh my gosh! 30 minutes na lang malapit na mag start ang class". Sabi ko sa sarili habang nagpapanic. 5 minutes naligo, 5 miniutes nagbihis, sa byahe na lang ako magsusuklay!

Dali dali akong naglakad sa corridor para pumunta na ng classroom.

"Ouch!" Sabi ko nang bigla nanaman akong may nabanggaan sa pagmamadali.

"Lily, sorry," sabi ng pinakagwapong lalaki na nasa harap ko.

Nanginginig ako sa pagtingin ko sa mukha niya habang inaayos ko ang eyeglasses ko, "Ah, o-okay lang".

"Hindi dahil dito, nadamay ka pa sa gulo ng buhay ko dito sa school. Sorry dahil niyaya kitang maging date sa Night. Sorry rin kasi binabawi ko iyon ngayon dahil may iba na akong makakadate" walang amor na sabi ni Mateo.

Nung una nakangiti ako habang nagsasalita siya ngunit unti unit ring nawala iyon dahil sa huli niyang sinabi. So ginawa niya lang akong pansagip sa mga mahaderang babaeng yun! Wow, dahil sa mabait ako, at alam niyang hindi ako maghahabol ng husto eh ginamit niya ako!

Wala sa sarili akong tumitingin sa blackboard buong klase, ni hindi man lang ako nagtaas ng kamay sa recitation dahil lutang ang isip ko. Nasaktan din ako, syempre. Paasa siya.

"Hindi na ako pupunta ng Culminating Night" sabi ko kay Yumi habang kumakain kami sa canteen, este pinaglalaruan ko ang pagkain dahil walang gana.

"BAAKITT? Prepared na tayo Lily! May dress ka na at shoes, nadito narin ang anghel na pinababa ni Lord para biyayaan ka ng ganda sa Night" natatawang sinabi niya.

"Wala na akong date" naikwento ko kay Yumi na niyaya ako ni Mateo two weeks na ang nakalipas. Hindi siya makapaniwala pero nainis siya para sa akin ngayon dahil sa pagpapaasang ginawa nito.

"Pupunta ka Lily! Papatunayan mo na may sinayang siyang date sa Night sa sa buhay niya! Akong bahala!" Matigas na pagkakasabi niya.

Hindi na ako nagsalita, wala ako sa wisyong makipagtalo pa. Pero sino naman ang makakadate ko kung ganoon?. Ako nalang sigurong magisa, pwede naman iyon.

Pauwi na kami ni Yumi nang biglang dumating ang motor ni Charles. Oops OP nanaman ako ditey. Hindi ko maiwasang maingit sa kanilang dalawa pero iniisip ko rin na darating din ang panahon para sa akin.

Sumakay na si Yumi sa likod at nagpaalam.

"Bye Yumi, Charles" kumaway ako sa kanila at ngumiti ng kaonti.

Habang nakatayo sa gate. Nakita ko nanaman ang babaeng syota yata ni Mateo. Pero sa iba na ako tumingin. Ayoko siyang titigan

"Hi" sabi nung babae. Nagulat ako sa pagsulpot niya sa harap ko. Ngumiti ako.

"Nadyan ba si Mateo?" Tanong niya. Malamang nasa gym si Mateo ngayon at nagpapractice.

"Baka nasa Gym siya eh" sabi ko.

"Kaibigan ka niya? Ako nga pala sa Elise" pagpapakilala niya.

"Hindi niya ako kaibigan, sikat lang talaga siya kaya kilala ng lahat, ikaw kaibigan ka niya?" Tanong kong wala sa sarili.

"Girlfriend niya ako" ngumiti siya ng malawak. Ngumiti din naman ako na walang bahid ng sakit.

"Sige ah, salamat" tinapik niya ako sa balikat.

Ayoko na magpakabitter, oo maganda siya at mukhang matalino. Bagay na bagay sila ni Mateo. Naging mabait naman siya sa akin.

Dalawang araw ko nang nakikita si Elise sa may gate ng school at lagi siyang may dalang paper bag. Siguro hahatiran niya ang kanyang boyfriend ng pagkain. Nakangiti siya habang tinitingnan akong lumabas sa gate. Nginitian ko rin siya. Hindi niya pa alam ang pangalan ko kaya tinanong niya iyon bago ako makasakay ng tricycle.

Nandito ako sa bahay nila Yumi.

"Nakausap mo si girl???" Sinabi ko sa kanya ang paguusap namin ni Elisse.

"Oo, Girlfriend ni Mateo, siya si Elise." Tumango ako.

"Totoo palang siya ang Girlfriend ni Mateo. Kamusta? Mabait ba?"

"Mabait siyang lumapit sa akin at hindi niya pinansin ang manang kong itsura" sabi ko.

"Hayaan mo Lily, Bukas magiiba ang tingin ng mga taga school sa yo! Na hindi lang talino ang ibubuga mo kundi ang ganda mo rin".

Dumating na ang araw ng Culminating Night. Wala akong date pero okay lang. Kumain ako ng umagahan kasama si Mama at ang aking mga kapatid. Wala pa rin si papa. Nabalitaan kong umookay na ang sitwasyon sa Maynila.

"Ngayog iyong Culminating Night niyo Lily Jane?" Tanong ni mama.

"Opo" simple kong sagot.

"Naalala ko noong dalaga pa ako maraming sumasayaw sa akin, puro gwapo pa! Hahaha"

Maganda si Mama, magandang kilay, mapulang labi at maputi siya noon dahil hindi naman siya tumira dito sa probinsya. Laking Maynila siya pero medyo naging kayumanggi ang kulay niya simula noong tumira siya rito. Noong bata pa ako maputi rin ako pero ngayon, umitim na dahil tumatanda na rin siguro ang balat ko dahil sa hanging hatid ng maalinsangang probinsiya. Mapuputi ang mga kapatid ko dahil hindi naman sila lumalabas ng bahay lagi at mas malapit lang ang private school na pinapasukan nila dito.

2pm na at pupunta na ako kina Yumi para maayusan at maghanda. 6pm ang start ng program kaya kailangan tapos na kami ng 5:30 pm. Ihahatid naman kami ni tito Leo gamit ang kanilang van.

Habang kinukuha ang gamit ay napaisip ako. Dapat ienjoy ko lang ang gabi at dapat hindi ako magpaapekto kay Mateo. Alam ko na magaling si Yumi at mapapaganda niya ako.

"Kaya ko to!" Lumabas na  ako ng bahay na may determinasyon.

Loving Can HurtTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon