Hi guys! Sorry talaga kung late ako mag update dito. Tinatamad kasi ako minsan kaya sa notebook ako sumusulat.
Abangan niyo po sa December 25 ang "Paano Maghiganti ang Isang T-Boom". JaiLene fanfic rin ito.
Sharlene
OMVG! Nandito na kami sa beach. Ang hangin. Sarap sa pakiramdam. Kasama ko dito sina mommy, Andrea, Stan, Kobi at Jai.
"Let's go swimming!" sigaw ni Stan. Tumakbo sila sa beach leaving me and Jai alone.
"Si mommy talaga oh. Feeling bata," sabi ko sa sarili sabay ngiti.
"Ganyan talaga. Hindi araw-araw bata ka," biglang sabi naman ni Jai.
"Nagsesermon lang? Ang seryoso mo. Syempre natutuwa lang ako sa kanya dahil kahit may edad na siya ay nakikipag-jam pa rin siya,"
"Tara na nga. Sumali tayo sa kanila," sabi niya at hinila niya ako papunta sa iba.
Para kaming mga bata. Pero who cares as long as we're having so much fun. Pumunta ako sa malalim-lalim na parte ng dagat. I wanna see the cute fishes.
--------OxO------
Jairus
Nakita ko si Shar na lumalayo. Susundan ko sana pero hinatak ako ni Kobi.
"Kumain tayo. Ang dami ng pagkain sa cottage natin oh," wika niya.
"Hintayin na lang natin sila para sabay na tayong lahat kumain,"
"Gutom na gutom na ako Jai. Samahan mo na ako please," nagmakaawa niyang sabi.
"Sige na nga," sabi ko na lang. May choice pa ba ako? Pumunta kami sa cottage namin at kumain.
Grabeh tong si Kobi kumain. Ang lakas. Tinitigan ko lang siya habang kumakain siya.
"Hindi ka ba kakain?" nagtanong siya habang punong-puno ang bibig niya.
"Hwag ka munang magsalita kapag may laman pa yang bibig mo. At oo, hindi ako kakain,"
Nagpatuloy siyang kumain tapos...
"AHH! SI SHAR NALULUNOD!"
Ano?!
"SHAR! HOLD ON!"
Nalulunod si Shar?!
Oo. Bilisan mo! Iligtas mo na siya!
Dali-dali akong tumakbo at lumangoy patungo kay Shar. Nawalan siya ng malay. Hinawakan ko siya ng mahigpit para hindi ko siya mabitiwan.
"Hold on Shar," sabi ko habang nahihirapang lumangoy. Kinaya ko na lang ang hirap at sa wakas ay nakarating kami sa ligtas na lugar.
"Oh My God! Honey! Shar gising," paiyak na sabi ng mommy ni Shar.
Wala pa rin siyang malay.
"Kailangang may mag mouth to mouth resuscitation sa kanya," singit naman ni Andrea.
"Ikaw na gumawa Papa Jai. Please save Shar," sinundan naman ni Stan.
"Please Jai. Do it," sabi ng lahat.
May choice pa ba ako?
Sus! Gawin mo na. Akala ko ba gusto mo siyang mahalikan?
Ano?
Sige na. Gawin mo na.
Gagawin ko naman talaga.
Ginawa ko ang mouth to mouth resuscitation kay Shar. First direct kiss ko sa kanya.
After a few seconds ay nagising na siya.
"Shar!" sigaw ng lahat sabay yakap sa kaniya.
"Teka lang. Baka hindi siya makahinga," sabi ko.
"Sinong nagligtas sa akin?"
"It was Papa Jai! He was so heroic and so romantic," sinagot ni Stan.
"Romatic ka diyan," kinirot siya ni Andrea.
Tinignan niya ako, "thank you Jai ha." Tapos niyakap.
-------OxO------
Update ako mamaya. Kakain muna ako. :))))))
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love - JaiLene
FanfictionTorpe ang naging kinalabasan. Hindi nasabi ni Jai ang nararamdaman niya para kay Shar. Here's worse, naunahan pa siya ni Shar sa pag-amin. Sampung taon ang nakalipas at aamining na sana niya ang matagal niyang itinatagong damdamin pero huli na pala...