Sharlene
Saan ba talaga ako dadalhin nitong si Jai? 2 hours na kaming bumabyahe.
"Hoy Jai, saan mo ba talaga ako dadalhin?" tinarayan ko siya.
"Relax ka lang," ngumiti naman siya. "Nandito na tayo."
"Saan na ba tayo? At anong gagawin natin dito?"
"Ang dami mo namang tanong. Nandito tayo para magstar-gazing,"
--------OxO---------
Jairus
"Ang dami mo namang tanong. Nandito tayo para magstar-gazing," sabi ko.
"Star-gazing?"
"Shhh. Tumahimik ka na lang at panoorin mo ang mga bituin sa langit," sabi ko sabay takip ng bibig niya. Humiga kaming dalawa sa open field kasi maganda manood ng mga bituin kapag nakahiga. "Ang ganda di ba?"
"Oo. Nakakagaan ng loob,"
"Sabi nga nila na kapag tumingin ka sa mga bituin ay mawawala lahat ng sakit at galit na nararamdaman mo sa iyong puso,"
"I'm sorry Jai ha," bigla niyang sabi at tumingin sa akin. Nagkatitigan kami sa mga mata namin.
"Bakit ka naman nagsosorry?"
Paluha iyong mga mata niya, " eh kasi nagsinungaling ako sa yo. Sabi ko sa yo noon na nakapagmove-on na ako pero sa totoo lang hindi pa. Galit pa rin ako sa yo hanggang ngayon,""Ok lang yun. Naiintindihan naman kita eh. Pero sana mapatawad mo na ako,"
Nagsimula na siyang umiyak, "sorry talaga Jai.""So napatawd mo na ba ako?"
"Oo. At ngayon, seryosong seryoso na ako,"
"Sana hindi lang ang galit mo sa akin ang ibura mo sa iyong puso kundi yung sakit na naidulot ni Nash sa yo. Magmove-on ka na. Ayoko kasing nasasaktan ka pa dahil diyan eh,"
"Salamat Jai. Totoo ka talagang kaibigan,"
Hinawakan ko ang kamay niya, "I've been living with a shadow over head, I've been sleeping with a cloud above my bed, I've been lonely for so long, Trapped in the past, I just can't seem to move on."
Pinunas niya ang luha niya tapos kinanta ang next part, "I've been hiding all my hopes and dreams away, Just in case I ever need'em again someday, I've been setting aside time, To clear a little space in the corners of my mind!"
"All I wanna do is find a way back into love. I can't make through without a way back into love. Ooo hooow,"
"Ang sarap naman sa pakiramdam na nakatitig ka sa mga bituin," sabi ko tapos tumingin sa langit.
"Oo nga,"
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love - JaiLene
Hayran KurguTorpe ang naging kinalabasan. Hindi nasabi ni Jai ang nararamdaman niya para kay Shar. Here's worse, naunahan pa siya ni Shar sa pag-amin. Sampung taon ang nakalipas at aamining na sana niya ang matagal niyang itinatagong damdamin pero huli na pala...