Sharlene
"OMG! It's you guys!"
"Alexa!" sabik na sigaw ni Nash. Nilapitan niya si Alexa at niyakap.
"I missed you Nashee," niyakap niya din ng mahigpit si Nash.
Siopao! Bakit may payakap-yakap pa tong dalawang to?
"Hi Shar! Long time no see,"
"Hi," sabi ko na lang. Syempre nagseselos ako noh. May payakap-yakap pang nalalaman. Echosera!
Upakan mo na.
Wag na baka magalit pa si Nash sa akin.
Kilala ko tong Alexang to mula pa pagkabata. As you have noticed, hindi kami close. Lagi ko siyang kaagaw sa lahat ng bagay. Sa mga laruan, pagkain at ang mas masaklap pa, naagaw niya yung korona na dapat sa akin noong Little Miss Universe na programa ng school namin. Balita ko nga na siya ang dahilan kung bakit umalis si Jai papuntang States. Hindi ko naman alam kung bakit.
--------OxO--------
Jairus
Nakita ko si Shar na nakatulala, parang may malalim na iniisip.
"Jairee! Pasyal tayo!" pagulat na sabi ni Alexa. Sumang-ayon naman ako sa pangyayaya niya.
Dinadagdagan nga pala niya ng -ee ang bawat pangalan ng mga taong kakilala niya except kay Shar. Ewan ko din kung bakit.
Pumunta kaming apat sa mall. Nagpasyal-pasyal lang. Na-OP nga kami ni Shar eh kasi sina Nash at Alexa lang laging nag-uusap. Kausapin ko kaya si Shar. Wala namang masama di ba?
Kausapin mo na.
Nilapitan ko siya, "gutom ka na ba?" sabi ko na lang. Wala kasi akong maitopic.
"Medyo," tinignan niya ako. Yes! First conversation after 10 years.
"May pupuntahan lang kami ni Nashee ha. Txt ko na lang kayo kung saan tayo magkikita," biglang singit ni Alexa tapos umalis na sila. Kami na lang dalawa ni Shar ang naiwan.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love - JaiLene
Hayran KurguTorpe ang naging kinalabasan. Hindi nasabi ni Jai ang nararamdaman niya para kay Shar. Here's worse, naunahan pa siya ni Shar sa pag-amin. Sampung taon ang nakalipas at aamining na sana niya ang matagal niyang itinatagong damdamin pero huli na pala...