Ayoko sa chapter na to. I've made a terrible decision. Basahin niyo na lang. Hwag kayong mabibigla sa mababasa niyo ha.
----------------OxO-------------------
Jairus
Isasabay ko na lahat ng remaining steps. I think it's time.
--------------OxO---------------
Sharlene
Saan ba talaga ako dadalhin nitong si Jai. Isang oras na nakalipas pero hindi pa kami nakaabot sa paroroonan namin.
"Jai, saan ba talaga tayo magdidinner?"
"Relax ka lang," pakalmang sabi niya.
A few minutes after ay nakarating na kami.
"We're here. Does this place look familiar to you?"
Siopao!This was the place. Yung saan kami nagstar-gazing ni Jai. It was also the place kung saan kami nagkabati.
"Ba't naman dito mo naisipang magdinner?" tinanong ko siya.
"Espesyal kasi ang lugar na to,"
"Ganun ba?" sabi ko na lang as if hindi ko alam ang dahilan.
Nasa gitna kami ng field nakaupo. Gaya noong first na punta namin dito.
"Nagustuhan mo ba ang lugar?" sabi niya with a handsome smile pa.
"Maliban sa mga bituin, hindi masyado,"
"Wait till you see this," sabi niya tapos nagwhistle.
Bakit naman kaya siya nagwhistle?
Biglang lumabas ang mga alitaptap. Napuno ang whole field sa kanilang liwanag. It's so magical.
"Paano mo ginawa yan?" tinanong ko siya. Nasurpresa talaga ako. Siopao talaga!
"So, maganda na ba ang lugar? Nagustuhan mo na ba?"
"Napakaganda!"
"So kumain na tayo," pumalakpak naman siya ng tatlong beses. Ano na naman kaya to?
Out from the woods, may mga waiters na lumabas na bitbit yung kakainin namin.
"Grabeh ka naman magpadinner Jai. Ang bonggang bongga,"
Ngumiti lang siya tapos nagsimula na kaming kumain.
"Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan," biglang sabi niya. "May box sa ilalim ng inuupuan mo. Kunin mo na at tignan mo kung ano ang nasa loob,"
Tumingin naman ako sa ilalim ng upuan at nakita ko ang isang blue na box. Kinuha ko ito at binuksan. Siopao...
"Nasa yo pa to for all these years?" tinanong ko siya. I never expected this.
"Oo,"
Nasa kanya pa yung teddy bear na ibinigay ko sa kanya 10 years ago. I can't believe he kept it.
"Tignan mo kung ano ang nasa ilalim niyan," dagdag niya.
Tinignan ko naman.
Siopao!
Bakit nasa kanya to?
Ang diary ko na matagal ko nang ipinatapon.
"Bakit nasa yo to?" nagtaka ako.
"That day na ipinatapon mo yan kabilang ng iba mo pang gamit ay itinago ko na. Sorry kung hindi ako nagpaalam,"
Grabeh tong si Jai.
Niyakap ko ang teddy bear at ang diary tapos umiyak.
"Bakit ka umiiyak?"
"Ewan ko ba,"
-----------OxO-----------Jairus
"Ewan ko ba," nagpatuloy pa rin siya sa pag-iyak.
"Shar..."
Eto na.
Tumingin siya sa 'kin, "Shar... SHAR MAHAL KITA."
Biglang kumunot ang noo niya, "huh? Bakit ngayon lang Jai?"
"Kasi..."
"Bakit hindi mo masabi sa akin noon? Jai tell me,"
"Shar kasi..."
"Bakit hindi ka makasagot?" tumayo siya. "If you can't even tell me why then nag-aaksaya ka lang ng oras," paalis na siya.
"KASI BAKLA AKO NOON! Hindi pa ako handa noon,"
"Ano? I can't belive you," paiyak niyang sabi tapos nagwalk-out.
Bakit ko pa kasi sinabi yun.
-------------OxO------------
I'm so sorry guys. Pero basahin niyo ang next chapter. You all will be relieved. hahaha
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love - JaiLene
FanfictionTorpe ang naging kinalabasan. Hindi nasabi ni Jai ang nararamdaman niya para kay Shar. Here's worse, naunahan pa siya ni Shar sa pag-amin. Sampung taon ang nakalipas at aamining na sana niya ang matagal niyang itinatagong damdamin pero huli na pala...