Chapter 18

1.5K 88 0
                                    

Sharlene

Hay naku! Another wonderful morning na naman. Kakagising ko lang.

Yawn... Yawn...

"Shar bumaba ka na't kumain. Ang sarap sarap ng niluto niya," kumatok si mommy.

Niya? Baka si Jai na naman.

Bumaba ako, "Jai ano na naman yang niluto mo para sa 'kin ha?"

"Anong Jai? Hindi ako si Jai,"

Siopao! Si Francis!

"Good morning Shar," pangitinig bati niya.

"Uhh.. good morning rin," sabi ko na lang. I did not expect na ipagluluto ako ni Francis ng breakfast. Siopao! Ang gwapo talaga niya.

"After mong kumain, pwede ba tayong mamasyal? Marami na kasing nagbago dito eh at I need someone to guide me,"


Of course yes ang isasagot ko.

Akala ko ba  mahal mo pa rin si Nash? Eh bakit si Francis na ngayon ang parang gusto mo?

Si Nash? Well, kinalimutan ko na yun. At saka may Alexa na yun. I'll just leave him alone. I'm sure happy na siya ngayon sa piling ni Alexa.

Nakakalito ka girl.

"Sure, wala naman akong trabaho ngayon eh kasi holiday," 

After kong kumain, pumunta kami sa MOA para mamasyal. Bumili kami ng maraming bagay. Halos lahat para raw sa akin. Ang sweet naman nitong si Francis.

Kriiingg... Kriiingg...

May nagtext sa akin. Tinignan ko kung sino. Si Jai pala.

From: Jai

Shar nasaan ka? Galing ako sa bahay niyo pero sabi ng mama mo umalis ka raw kasama ang isang lalake.

Nagreply naman ako sa kanya.

 Kasama ko si Francis ngayon. Namamasyal kami sa MOA. Gusto mong sumali sa amin?

Jai: Si Francis?! Hwag na!

-Bakit?

Jai: Wala. Ayoko lang sumali sa inyo. Sige may gagawin pa kasi ako. Txt U Later.

Anong nangyari dun?

"Shar, manood tayo ng movie ngayon. Balita ko kasi may bagong horror movie na ipapalabas. Gusto kong manood,"

"Sige ba,"

Nanood kami ng Pagpag siyam na buhay. Siopao! Nakakatakot. Ang ingay ko nga sa loob eh. Ang saya saya ko talaga na kasama si Francis.

--------OxO--------

Jairus

Kasama niya si Francis?

Ano naman kaya ang binabalak nitong magaling kong pinsan? Kung may magawa siyang masama kay Shar, he better watch out dahil papatayin ko siya.

Joke lang. Hindi ko naman siya mapapatay. Hindi ako mamamatay tao noh. Bubugbugin ko lang ng todong-todo.

Way Back Into Love - JaiLeneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon