Sharlene
Hi guys! Shar here! Alam niyo naman kung sino ako di ba? Well, of course you do. But kung hindi, here's something about me.
Ako si Sharlene San Pedro Aquino. Joke. Sharlene San Pedro lang. I'm head over heels in love with Jai noong high school pero ngayon hindi na. Torpe kasi eh. Hindi man lang naglakas ng loob na sabihin yung nararamdaman niya. Alam ko naman na gusto rin niya ako eh. Hoy, hindi ako feeler ha, totoo yung sinasabi ko. Hindi naman mahirap alamin ang nararamdaman ni Jai, halatang halata kaya sa mga kilos niya. So back to me, alam kong nagtataka kayo kung paano naging kami ni Nash at kung bakit mahal na mahal ko siya. Well, since noong binasted ako ni Jai ay lagi akong umiiyak. Araw at gabi luha ang pumupuno sa mga mata ko. Isang tao lang ang nagpatahan sa akin mula sa pag-iyak. At yun ay si Nash. Ginawa niya ang lahat para makalimutan ko yung sakit and he succeeded. Pagkatapos nun ay niligawan niya ako and I said yes. Masaya yung pagsasama namin until dumating yung bruhang Alexa na yun. Ang sakit sakit talaga! Siopao!
So about sa mga kaberks ko ang ikukuwento ko ngayon. Yun ay sina Andrea, Mia, Cesar, Ben, Von at Stan.
Si Andrea, ang leader ng grupo namin. Very supportive at napakabait nitong babaeng to. Sinusuportahan niya kami sa lahat ng desisyon namin except kung hindi na tama yung desisyon namin. Siya yung nagtulak sa akin na ipagtapat ko ang nararamdaman ko para kay Jai. Ang kulit kasi eh. Gusto kasi niya na kami ni Jai ang magkatuluyan pero malabo naman yung mangyari.
Si Mia, ang joker at yaoi lover ng grupo. Pan sexual siya. Maiinlove sa kahit ano; hayop, halaman, gamit, bakla, tomboy, lalaki, babae at iba pang mga bagay diyan. Weird niya di ba? Pero mahal namin to. Kahit ano man ang kanyang kasarian, tanggap namin siya. Yan ang totoong pamilya.
Si Cesar, Ben, Von, ang silent type na guys ng grupo namin. Pero kung kilala niyo ang mga to, for sure magbabago ang tingin niyo sa kanila. Ang kukulit ng mga yan at maiingay pa. Talented din ang mga yan, si Cesar napakagaling magluto, si Ben naman magaling gumuhit at napakasipag mag-aral, si Von magaling kumanta kaya nga siya nag reporter eh kasi may possibility daw na sisikat siya at dun na niya ipapakita ang talent niya sa pagkanta.
Ang last but not the least, ang small but terrible kong kaibigan na si Stan. Bakla siya pero don't judge a book by it's cover. Oo bakla nga siya pero mas gentleman pa siya kaysa sa ibang lalake diyan. Napakamatulungin lalo na sa mga babae kaso lang naaattract sa lalake. Sayang di ba? Magaling din sumayaw yan at napaka-manly pa sumayaw. Crush niya rin si Jai, siya nga ang karibal ko noon eh.
So ito ang buong barkada ko. Magkaiba man kami ng ugali at likes pero hindi hadlang yon para maging magkaibigan kami. Yan ang tunay na pagkakaibigan.
BINABASA MO ANG
Way Back Into Love - JaiLene
Hayran KurguTorpe ang naging kinalabasan. Hindi nasabi ni Jai ang nararamdaman niya para kay Shar. Here's worse, naunahan pa siya ni Shar sa pag-amin. Sampung taon ang nakalipas at aamining na sana niya ang matagal niyang itinatagong damdamin pero huli na pala...