Chapter 3

15 0 2
                                    

Jainah's POV

"Jainah"

Nang mawala ang liwanag ay isang ibong puti ang tumambad sa akin.

Nagpalinga-linga ako sa paligid. "Uhh... May tumatawag sakin? Nasan ka? Yohooo where are you?" Wala namang tao. Saan nanggaling yung nagsalita?

"Nandito ako" Sabi ulit ng boses.

"Umiibig sayo? Charot. Nasaan ka ba?" itinaas ko pa ang kumot at mga unan ngunit wala pa rin akong nakitang tao.

"Ay tanga"

"Wow ha! Ako pa natanga? Eh kung magpakita ka kaya noh?" Inis kong bwelta at saka umirap sa kawalan. Ako pa talaga?

"Tumingin ka sa akin, Jainah. Tumingin ka sa ibong nasa iyong harapan" lumipad ang tingin ko sa puting ibon na nasa harapan ko. Agad nanlaki ang mata ko at napatayo mula sa kamang kinauupuan ko. Wag kayong ano, nagulat lang ako. May mga hayop palang nagsasalita? Well sabagay, may mga tao ngang tulad ko eh.

"Mukhang labis kitang nagulat, binibining Austria?" panunukso ng ibong nasa harap ko.

"Whatever" Nang matauhan ako ay napabuntong-hininga na lamang ako. Ang oa pala masyado ng reaksyon ko. "Teka, sino ka ba?"

"Ako si Safara, ang kwintas ng iyong ina"

"Kwintas? eh ibon ka ah? teka, kilala mo nanay ko? Kaibigan ka ba nya?" sunod sunod na tanong ko.

"Breeana Clara Enlecia ang ngalan ng iyong ina, samantalang Sival Enlecia naman ang ngalan ng iyong ama"

"Kung ganun kilala mo talaga ang mommy and daddy ko? A-ano pang alam mo tungkol sa kanila?" I asked sounding desperate.

"Patawad ngunit kailangan mo itong matuklasan na ikaw mismo ang gumagawa ng paraan. Sa ngayon, magiging kwintas muna ako at kailangan mo akong suotin upang pansamantalang maproteksyunan ka laban sa mga Carcus at Padahak na sumusugod sa iyo. Ang bango ng dugo na nananalaytay sa iyong katawan ang dahilan kung bakit naeenganyo ang mga Carcus at Padahak na kainin ka." aniya habang dahan dahang lumulutang.

Isa na namang nakakasilaw na liwanag ang bumalot sa buong kwarto. Mabuti na lang talaga at maganda ako- este, hindi ako pangkaraniwang tao kasi for sure kung isa akong Viccum ay malamang bulag na ako ngayon.

"Tandaan mo, Jainah. Walang sinuman ang maaaring makaalam sa ngalan ng iyong tunay na ama't ina at kailangan mo ring piliin ang mga magiging kaibigan mo"

Nang mawala ang nakakasilaw na liwanag ay nakapa ko na lamang na may hawak na akong isang kwintas. Hugis diamond ito na may limang kulay. Asul, pula, kayumanggi, berde at ginto. Bawat parte na may kulay ay mayroong kani-kaniyamg hugis dragon na nakaukit.

"I wonder when my 18th real birthday is coming  so that I'll be ready to go when I receive the invitation" Napahigpit ang hawak ko sa kwintas. "Kailan kaya talaga yung totoong birthday ko?"

Lumapit ako sa bintana ng kwarto ni auntie at doon ay isinuot ko ang kwintas na hawak ko. Tumingin ako sa salamin. Napakaganda nitong tignan. Syempre, maganda kasi yung nagsusuot.

Ikinumpas ko ang aking kamay at gumawa ng water bubbles na lumulutang sa harap ko. Pinaglalaruan ko iyon nang biglang marahas na bumukas sara ang pinto ng kwarto dahilan ng pagkagulat ko kaya nahulog ang water bubbles sa sahig.

"Z-Zenon, anong... anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko.

"Chinecheck ko lang kung okay ka. Teka, bakit basa?" Hinayaan ko syang lumapit sa basang part.

"Yan nga yung kanina ko pa tinitingnan eh. Nakapagtataka kung bakit basa, diba?" pagsisinungaling ko.

"Sabihin kaya natin sa mga pulis--"

Enlecia AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon