Jainah Vier Austria
"Ito na ba yun?" tanong ko sa katabi ko nang puro mga puno parin ang nakikita ko. He let out a small chuckle.
"You're looking at the wrong way, Miss. Try turning your back"
Sinunod ko ito at agad tumalikod.
"Woah" tanging nasambit ko.
Nakikita ko ngayon ang isang napakataas na gate. Kulay ginto ito na tila kumikinang sa liwanag ng buwan. Mayroon itong bilog na kapantay lang ng mga mata namin. Ito yung parang ginagamit sa mga normal na bahay para makita kung sino ang nasa labas ng pinto. Medyo mas mukhang mamahalin lamang ito.
Nakakapagtaka lang na sobrang taas ng gate ngunit nakikita ko parin ang dulo nito. Epekto siguro ng pagkain ng kalabasa.
Nangawit ang leeg ko sa pagkakatingala dahil sa sobrang taas ng gate na ito kaya't ibinaling ko na lamang ang aking tingin sa lalaking nasa tabi ko.
"Hindi pa po ba tayo papasok?"
Imbis na sumagot ay ngumiti lang ito at tsaka itinapat ang kanyang kanang mata sa butas. Umilaw ito saglit at tsaka ako nakarinig ng tunog ng bumubukas na gate.
"Infairness ah, automatic rin ang mga gamit nila rito" bulong ko.
Nang bumukas ang gate ay bumungad sa aking paningin ang mga salitang "WELCOME TO ENLECIA Town's Market"
Para lang rin itong normal na palengke. May mga nagtitinda at mga mamimili. Makikita mo ang mga ngiti sa mukha ng isa't isa.
"Ang weird naman dito. Bakit lahat sila'y nakangiti at tila walang problema?" tanong ko sa aking sarili.
"Lahat sila'y nakangiti hindi dahil sa wala silang problema ngunit dahil masaya sila." sagot ng katabi ko. Teka, hindi ko pa pala alam ang pangalan nito.
"Oo nga pala, ano nga palang pangalan mo?"
"Xenon Rage" maikling sagot nito. Bigla ko tuloy naalala si Zenon. I frowned. "Is something wrong with my name?"
"Wala naman. Naalala ko lang yung kaibigan ko. Medyo magkatunog kasi kayo ng pangalan." sagot ko at iniiwas ang tingin ko sa kanya.
"Well then, let's go" nauna itong maglakad habang sinusundan ko lang sya. Inilibot ko ang aking paningin habang naglalakad. Ang pinagkaiba lang siguro ng market na ito ay nakangiti silang lahat. Samantalang sa mundo ng mga tao, nakasimangot ang iba dahil sa makabutas bulsang presyo ng mga produkto.
Maliban sa mga nagtitinda sa bangketa ay mayroon rin namang mga botika. There are also a number of fairies flying around while emitting yellow colored dust.
"I forgot to tell you, maraming tao ngayon dahil nalalapit na ang Golden Moon na huling nangyari 17 years ago after the birth of the Royal's Princess na kasalukuyang pinaghahanap parin matapos itong mawala noong naganap na digmaan." sabi nito habang patuloy ang paglalakad.
"Pero, sigurado naman po ba kayo na buhay sya?" tanong ko. Kung nawala ito noong may naganap na digmaan ay maaaring nakuha ito ng kalaban.
"Hindi rin kami sigurado dahil walang nakakita sa kanya habang ginaganap ang digmaan. Ngunit ipinapanalangin namin na buhay pa ito at nasa maayos na kalagayan.", ramdam ko amg lungkot sa boses nito habang nagsasalita.
Ang hirap naman ng sitwasyon nila. Naghahanap sila ngunit walang kasiguraduhan ang lahat. Kung buhay pa ba ito, o napatay na ng mga kalaban.
"Kung ako ang tatanungin, hindi na ako aasa. Dahil napakahirap na mahanap ang isang taong hindi mo alam kung buhay pa o patay na", masamang tingin ang isinagot nya sa mga sinabi ko.
"Hindi ka dapat nagsasalita ng ganyan. Ang Prinsesa lamang ang natatanging pag-asa natin sa paparating na delubyo kaya kung wala sya ay mamamatay tayong lahat", hindi parin nawawala ang masasamang tingin nya kaya't itinaas ko ang dalawang kamay ko tamda ng pagsuko.
"Fine, fine. Oo na. Hindi ko na sasabihin ulit iyon. Baka ipabuhat mo pa sa akin yang box eh. Napakabigat kaya nyan.", natatawang sambit ko. Isang irap lamang ang isinagot nito.
I chuckled.
Nagpatuloy kami sa paglalakad at hindi na sya muling nagsalita pa.
Matapos ang halos kalahating oras na paglalakad ay huminto kami sa tapat ng isang mataas na gate. Di tulad sa nauna ay hindi gaanong mataas ang gate na ito ngunit di hamak na mas maganda ang disenyo nito.
Hindi rin nakikita kung ano ang nasa loob ng gate.
Nakaukit sa itaas nito ang mga katagang "ENLECIA ACADEMY"
Enlecia? Hindi ba't ito ang apelyido ng aking mga magulang?
"Handa ka na ba?" Hindi ko alam ngunit parang may kung ano ang pumipigil sa akin na pumasok. Parang kanina lang ay excited ako pero ngayon ay ayaw ko nang pumasok. Pakiramdam ko ay mali kung papasok ako.
"Sa... sandali! Pwede bang ahm... Pupunta muna ako sa boutique, may bibilhin lang ako" pagsisinungaling ko. Napansin ko ang bahagyang pagkislap ng mata nya. Kulay pula ang kislap nito kaya mas lalong ayaw kong sumama.
"Ngunit may sariling boutique ang academy kaya't maaari kang doon na lamang bumili" ngumiti ito sa akin.
"A...ayaw ko. I mean, sige na please. Sandali lang" Hindi na yata ito nakatiis at binigyan na ako ng isang nakamamatay na tingin.
Inilibot ko ang paningin ko at doon ko lamang napansin na wala halos tao ang nandirito sa lugar na ito. Para itong isang abandonadong lugar na iniiwasan ng mga tao.
Ibinalik ko ang tingin ko kay Xenon ngunit isang Bulhamak lamang ang bumungad sa paningin ko.
(a/n: Bulhamak - Monster that could disguise himself as a human without anyone noticing. Bulhamak monsters does not have any presence so it's impossible to recognize them through their presence. Though, they are easily recognized as Bulhamak by the red twinkle of their eyes every ten seconds)
Damn. Kaya naman pala hindi ito nakipagtitigan ng matagal sa akin kanina. Shit!
I need to get out of here!
*****
Medyo short. Naghang utak ko eh. Hahaha.
Thanks for reading!
BINABASA MO ANG
Enlecia Academy
FantasyJainah Vier Austria is not just an ordinary student. She knew it. She knew what she has, had, have. Pero paano kung dahil pala sa kung anong mayroon sya, doon din nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng mga katulad nya sa paligid nya? Will she be b...