Jainah Vier Austria
I smirked with what happened. "Now we're even"
"H...how did you..." sa tanong nyang yan ay tsaka lang pumasok sa isip ko ang bilin sa akin ni head Flinn na wag ipapakita sa sinuman na hindi ko kaklase ang tunay na kapangyarihan ko. Shit naman.
Dahan dahan akong lumapit sa lalaking ngayon ay nakaboxers lang. His six pack abs distracts me but I am trying my best to pull my shit together. Six pack abs lang yan, Jainah. Eight packs ang kay Zenon pero hindi ka naman nadistract, diba?
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha nya pero hindi sya lumayo. Tough.
"Anong section ka?" tanong ko.
He grinned. "Why would I tell you?"
"Dahil kung hindi, tutuluyan ko yang boxers mo" sagot ko. His smile became wider. Tila may kung anong kapilyuhan ang pumasok sa utak nya.
" Then do it. 'Coz I won't tell you anything" tinalikuran ako nito at naglakad paalis. That guy!
Inis akong nagmartsa pabalik sa dorm ko. I swear I'm gonna burn his clothes along with his boxers the next time I see him!
Gusto mo lang makita ulit yung abs nya eh.
Yak! What am I thinking?!
****
Tumunog na ang bell at hindi pa ako nakakaabot sa pupuntahan ko. Gusto ko sanang gumamit ng magic pero nagsisipag ako ngayon kaya kasalukuyan akong tumatakbo patungo sa classroom. Shit. Wala pa akong breakfast. Dapat kasi nag alarm nalang ako eh!
I hid my presence bago ako kumatok.
Tatlong katok ang ginawa ko bago ko pihitin ang doorknob at dahan dahan itong binuksan.
Ang ganda ng classroom! It looks more like a paradise than a classroom. May maliit na lawa sa kanang bahagi na napapalibutan ng damo. May maliit na puno naman sa gilid nito. Sa gitna ay may limang one seater couch at lamesa.
Bukod sa kagandahan ng classroom ay kapansin pansin rin ang apat na studyanteng nakapalibot sa maliit na puno. Nakaupo lang sila at tila ba bored na sa mga buhay nila.
Dahan dahan ang ginawa kong paglalakad hanggang sa makarating ako sa gitna. Agad akong umupo sa isa sa mga upuan. Madali kong nalaman kung alin ang akin dahil may nakalagay na "Newbie" sa throwpillow nito.
Lumikha ng ingay ang ginawa kong pag-upo kaya naman hindi na ako nagtaka nung agad nila akong napansin.
"Hey!" Sigaw nung babaeng blonde ang buhok habang papalapit sa kinaroroonan ko. Sumunod naman sa kanya ang lalaking may hazel brown na buhok at tumayo na rin ang isa pang lalaking pure black naman ang buhok habang wala man lang paki yung lalaking may pulang buhok. Nanatili lamang itong nakatalikod at tila walang pakialam sa mundo.
"You're here. Sorry, we didn't feel your presence" bati nung babaeng blonde.
"It's fine. No biggies" I smiled.
"Hershey Seanna nga pala. 18 water element" Inilahad nito ang kanyang kamay na agad ko namang tinanggap.
"Jainah Austria. Kaka 18 lang kahapon" I giggled. Kahit na walang selebrasyong nangyari kahapon, ayos lang. Atleast nakapunta na ako sa lugar na belong ako.
"Oh really? belated happy birthday then. I'm Aaron Lariah. Wind element holder" I shaked hands with him too.
"Nice to meet you, Jainah. I'm Colai Friddin. Just call me handsome", then he winked. I crumpled my face. Conceited.
"Colai naman. Hindi ka ba nahihiya sakin? Respeto naman sa mas pogi sayo!", reklamo ni Aaron. Binatukan sya ni Hershey. I laughed.
"Masama ang nagsisinungaling, alam mo ba?", Hershey rolled her eyes habang kinakamot ni Aaron ang ulo nya.
BINABASA MO ANG
Enlecia Academy
FantasyJainah Vier Austria is not just an ordinary student. She knew it. She knew what she has, had, have. Pero paano kung dahil pala sa kung anong mayroon sya, doon din nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng mga katulad nya sa paligid nya? Will she be b...