Jainah Vier Austria
Hindi parin ako makamove on sa pagyakap sa akin ni Head. Bakit tila pakiramdam ko ay ligtas ako sa kanyang mga bisig. Komportable ako habang yakap nya. Ang gaan ng pakiramdam ko.
OMG! Don't tell me may gusto ako kay head?! Gosh, what am I thinking?
Nakahiga ako ngayon sa sofa habang nakikipagtitigan sa kisame. It's almost five o'clock in the afternoon but I don't feel like going anywhere. I just wanna lay in my bed.
"Aaahh this is so frustrating" ginulo gulo ko ang buhok ko at gumulong-gulong sa kama.
"Ouch" daing ko. Hindi ko napansin na nasa dulo na pala ako kaya nahulog ako sa kama. Ang sarap nga kumanta ng 'hala nahu-log log log log' eh. Asar.
Dahan dahan akong tumayo at saka nagtungo sa kusina. I need to eat.
I cooked carbonara na nilagyan ko ng paminta para medyo maanghang. Nakakaumay kasi kapag sobrang tamis at creamy. Marami akong niluto dahil feeling ko, mababaliw na ako. Carbonara had been my stress reliever since I've tasted it.
I don't even know kung bakit ako nafufrustrate ng ganito just from a simple hug by the headmaster. Duh, I should stop thinking about it!
Matapos kumain ay nagligpit na ako at saka lumabas para magtungo sa headmaster's office. Tatlong beses akong kumatok bago buksan ang pinto.
"Good Afternoon, headmaster" bati ko.
"Good afternoon, sit down", itinuro nya ang upuan sa harap ng kanyang mesa.
"So, Ms. Austria. As I have said earlier, I'll give you your class schedule. But please promise me, hindi mo gagamitin ang kapangyarihan mo sa harap ng mga studyante sa school maliban sa apat na magiging kaklase mo. Kahit sa mga guro ay huwag mo rin itong ipapakita", pakiusap nito. Nakapagtataka man ay tumango na lamang ako.
"P-pero bakit po?" hindi ko mapigilang magtanong.
"Masyadong delikado. Maaari kang malagay sa panganib kung malalaman ito ng mga taong hindi masyadong napagkakatiwalaan ng school. Alam nating para sa mga Elican lamang ang school na ito ngunit hindi parin maiiwasan na may mga traydor sa loob nito", I saw a glint of lost and anger in his eyes na agad rin namang nawala.
"Kaya sana'y naiintindihan mo kung bakit ko ito pinagagawa sa iyo. I just don't want you to trust an elican other than your future classmates dahil baka sa huli ay traydurin ka lamang nito", dagdag pa nya. I don't know what to say. Marahil ay naranasan na nyang matraydor kaya ganyan na lamang ang kanyang pag-aalala.
"Pero anong sasabihin ko kapag nagtanong ang mga guro tungkol sa kapangyarihan ko?" tanong ko. Malamang sa malamang ay magtatanong sila dahil una sa lahat ay mga guro sila at pangalawa, hindi ba't may karapatan din sila?
"Just say that you're just a newbie and that you have yet to discover your magical abilities."
"Pero, hindi naman kaya sila magtaka kung bakit nandito na ako sa Enlecia kahit hindi ko pa alam ang abilidad ko?" naguguluhang tanong ko.
Ngumiti lamang sya bago magsalita. "Ang Enlecia Academy ay itinayo para tulungan ang mga studyanteng madiscover at maenhance ang abilities nila. Kaya't hindi magtataka ang mga guro, huwag kang mag-alala."
"Teka, anong section nga pala ako mapupunta?"
"Sa higher section. Ang Emerald." sagot nito.
"Oh, edi mas lalong magtataka ang mga guro kung bakit nasa higher section ako samantalang hindi ko pa naman alam ang kapangyarihan ko, hindi ba?"
Napakamot naman sya ng ulo at nahihiyang tumingin sa'kin.
"Pasensya na, hindi ko naisip yun" napangiwi ako sa sinabi nya. Yung totoo?"Errm, so anong gagawin ko?"
BINABASA MO ANG
Enlecia Academy
FantasyJainah Vier Austria is not just an ordinary student. She knew it. She knew what she has, had, have. Pero paano kung dahil pala sa kung anong mayroon sya, doon din nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng mga katulad nya sa paligid nya? Will she be b...