Jainah Vier Austria
"Nakapagtataka" sambit nito. Naguguluhan naman akong tumingin sa kanya. Ano namang nakapagtataka sa sulat na ibinigay sa akin?
"A-ano ho ang ibig nyong sabihin?" tanong ko. Nakakalurkey ha! I've had a rough time going here only to be approached by a weird woman. Oops, that's a bit harsh.
"Ngayon lang kasi nangyaring may inimbitahan ang headmaster para mag-aral dito. Lahat kasi ng nag-aaral dito ay hindi ni minsan inimbitahan ng headmaster" mahinahong tugon nito. Ganun? Baka naman dahil galing ako sa mundo ng mga tao kaya kailangan ng invitation. Syempre, hindi ko naman alam kung paano magbukas ng portal and whatever.
"Halika, sumunod ka sakin" binuksan nito ang pinto at pinasunod ako. Tinignan ko muna si Peach para sana magpaalam pero wala na sya sa pwesto nya kanina. Namangha ako nang makapasok ako sa maliit na station. Mukha lang pala itong maliit sa labas ngunit kapag pumasok ka na, isang may katamtamang laki na sala ang sasalubong sayo.
"Don't judge a book by its cover, ika nga" bulong ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang tatlong nakapabilog na sofa at ang maliit na glass table sa gitna nito. Tahimik namang nakasunod sa amin ang blue fairy hanggang ssa makarating kami sa pinto. Pinagmasdan ko ang marahang pagpihit ng babae sa doorknob at ang dahandahang pagbukas nito.
Tila isang napakagandang tanawin ang bumungad sa akin paglabas namin ng pinto. Isang malawak na field ang naroon at sa gitna nito ay may anim na naggagandahang buildings. Dalawa rito ay ang dorm ng boys at girls dahil narin sa nakasulat sa itaas ng building nito.
"I never thought such place exists" wika ko.
"May itatanong lamang ako, iha. Galing ka ba sa mundo ng mga mortal?"
"Ah, hehe. Opo" agarang sagot ko.
"Isa ka siguro sa anak ng mga negosyanteng Elican, ano?"
"Hindi po. Hindi ko nga po kilala ang mga magulang ko eh. Pero negosyante naman po ang auntie ko. Ang problema lang, hindi ko po sya kadugo" nalulungkot na wika ko. Naalala ko na naman ang pagkamatay ni auntie na nangyari ilang oras lang ang nakalilipas.
"Ganoon ba, hmm" nagpatuloy na ito sa paglalakad na ikinanuot ng noo ko. Don't tell me, lalakarin namin papunta sa mga buildings? No waaay. I'd rather use my wind power papunta doon.
Hindi pupuwede, Jainah, hindi nila dapat malaman ang kapangyarihan mo. Masyado pang delikado
Boses iyon ng ibon, hindi ba? Kung ganun anong gagamitin ko? Ayoko namang maglakad ng pagkalayo layo. Hindi naman sa pag-iinarte pero utang na labas kakagaling ko lang sa paglalakad patungo sa bungad ng gubat.
"Don't worry, we're not going to walk our way." Pumalakpak ito ng dalawang beses at dumating ang dalawang kulay berdeng kabayo. May ganito palang kulay na kabayo. Cool.
"Magandang umaga, Jainah" doon ko lang napansin na pasikat na pala ang araw. Mabuti nalang at binati ako ng ka...ba...yo. What the heck? did the horse just called me by my name?! Paano nya nalaman ang pangalan ko?!
"You look weird" sabi ng babae. Hindi ko pa pala alam amg pangalan nito. "Come on" aya nito at sumakay na sa isang kabayo. Ang natira ay yung kabayong kumausap sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita itong kumindat. Seriously?! I think I'm gonna faint!
Don't say that. You're making me look bad
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko. "Hey, Lets go!" nahimasmasan lang ako dahil sa tawag ng babae. Walanghiyang kabayo to. Napaka pilyo!
"Subukan mo lang akong ilaglag. Babawian kita ng buhay" bulong ko sa kabayo nang makaangkas ako sa likod nito. I heard it chuckle.
Ikaw na nga lang nakikiangkas, may gana ka pang magbanta. Well, here we go!
"Kyaaaah" tili ko nang mabilis itong tumakbo sa hangin I mean, nakaangat kami sa ground while tumatakbo sya.
"MAMAMIA MACARONS MUGGETS AND CHEESECAKE! BWISIT KANG KABAYO KA MAMAYA KA LANG SAKEEEEEEN" tawa lang ang isinagot nito sa pagbabanta ko.
Just enjoy the moment, Jainah.
"ENJOY THE MOMENT YOUR FAAAAAACE!" Tili parin ako nang tili hanggang sa biglang tumigil ang galaw ng kabayo at kamuntik pa akong tumalsik. Mabuti na lang at mabilis kong nagamit ang hangin upang dadagan ang pwersa ng pagkakaupo ko. Gosh!
"Bwiset bwisit kang kabayo ka! Walanghiya ka! Wala na sanang sumakay sayo bwisit!" Kinotong kotongan ko ang kabayo sa ulo at aray naman ito nang aray sa bawat kotong ko. Kaasar!
Oy tama na. hahaha. parating na si Lily at si Acacia.
Nakakagigil talaga. Nakailang kotong muna bago ko ito tinigilan at sakto namang pagdating ng babae na at ng kabayo.
"Ngayon ko lang nakitang ganyan kabilis tumakbo si Xander. Buti na pang at kay Acacia ko napiling sumakay.", natatawang sambit nung babae na tingin ko'y Lily aang pangalan. Dalawang pangalan lang kasi ang binanggit ni Xander at isa na doon ang kabayong si Acacia.
Sinamaan ko ng tingin si Xander bago inilipat ang tingin kay Lily. "Sa sobrang bilis nga po ang sarap ilublub ng kabayong 'to sa inidoro eh"
She giggled. "Don't worry, mabait naman yan. May pagkapilyo lang."
At sa akin pa talaga nilabas ang pagkapilyo nya! Bwisit!
Mabuti nga at pinasakay pa kita sa malinis kong likod eh. Pasalamat ka.
Salamat I sarcastically said in my mind at saka umirap. Kainis.
"Halika na, sundan mo ako" sumunod naman ako sa kanya ngunit binigyan ko muna ng napakasamang tingin si Xander. Makikita mo, lintik lang ang walang ganti.
Nagpatuloy na kami sa paglalakad at hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang paligid. Everything looks fancy and expensive. Lakas maka fairytale.
Wala masyadong studyante akong nakakasalubong. Marahil ay dahil maaga pa. Mga alas kwatro pa lang siguro ng madaling araw. Wala pa pala akong tulog.
Huminto kami sa isang pinto na may nakacarve na Headmaster's office sa itaas. Tatlong beses kumatok si Lily sa pinto bago niya ito buksan. We were welcomed by the smell of coffee and bread. Naroon sa table nya ang headmaster at nasa gilid naman nito ang tinapay at kape.
"Good Morning, Headmaster" bati ni Lily at bahagya pang yumuko. "Narito ang batang inimbitahan nyo raw"
Tumango ang headmaster. "Maaari ka nang umalis, Lily"
"Opo"
Hinatid ko ng tingin si Lily hanggang sa isarado nya ang pinto.
"Maupo ka, Jainah"
"Ahm, headmaster, gusto ko po sanang mag-enroll sa akad--"
"Hindi mo na kailangan pang mag-enroll dahil enrolled ka na matapos mong makuha ang imbitasyon. Ako nga pala si Headmaster Flinn. Ngunit saan ka nga ba nagpunta at bakit hindi kita nakita sa lugar kung saan mo natanggap ang sulat?" tanong nito.
"May sumundo po sakin pero fake pala yun dahil isa itong bulhamak. Mabuti na lang at professionally skilled ako para makipaglaban. Hihi Charot" biro ko nang maalalang headmaster pala ang kausap ko. Omg. Hindi ko sinasadya ko.
"Hehe sorry" I made a peace sign at bahagyang yumuko.
"Don't be sorry. Pero ang sabi mo ba'y isang bulhamak ang sumundo sayo? Hmm, kailangan ko itong paimbestigahan.", Hinimas nya ang kanyang baba.
"Sa tingin ko nga rin po", sabat ko.
Tumango tango si headmaster Flinn at may kinuha sa drawer niya na isang papel at isang susi.
"Ang papel na iyan ay mapa patungo sa dorm mo at iyan naman ang susi sa kwarto. Ang class schedule mo ay dedepende kung makakapasa ka sa test na ihahain ko mamaya kaya't magpahinga ka na at magpalakas. Hihintayin kita sa Training room mamayang ala una. Tingnan mo na lang sa mapa kung saan iyon.", Tumayo ito mula sa pagkakaupo at inilahad ang kanyang kamay. Walang pag-aatubiling tinanggap ko iyon.
"So, Welcome to Enlecia Academy, Jainah."
BINABASA MO ANG
Enlecia Academy
FantasyJainah Vier Austria is not just an ordinary student. She knew it. She knew what she has, had, have. Pero paano kung dahil pala sa kung anong mayroon sya, doon din nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng mga katulad nya sa paligid nya? Will she be b...