Jainah Vier Austria
Nagulat ako nang bumungad sa akin ang isang Bulhamak at unti unting naging tila isang itim na lagusan ang kaninang napakagandang gate.
Sinubukan akong hawakan ng bulhamak ngunit agad akong umiwas. I made a sword out of wind at inihanda ang sarili ko para makipaglaban.
Tila nagulat ang Bulhamak sa aking kakayahan ngunit inihanda parin nito ang kanyang mahahabang kuko at umambang aatakihin ako pero hinarangan ko ng wind sword ang kanyang atake.
Bago pa man sya makabuwelo upang muling sumugod ay tinanggalan ko na agad sya ng hangin sa katawan. Napahinto ito sa akmang pagsugod at napahawak sa kanyang leeg.
Tsaka ko sya sinaksak gamit ang espadang gawa sa hangin.
Binalingan ko ng tingin ang itim na lagusan na unti unting sumasara.
"Kung ganoon ay nagnanakaw sila ng mga estudyanteng papasok pa lamang sa Enlecia Academy upang dalhin sa kanilang lugar. Alam kaya ng headmaster ng Enlecia ang krimen na ito?" bulong ko sa aking sarili.
Naglakad ako pabalik sa dinaanan namin kanina. Linapitan ko ang isang tindera ng mga damit.
"Oh iha, may ibig ka bang bilhin?" nakangiting tanong nito.
"Wala po. Pero, maaari nyo po bang sabihin sa akin kung saan ang daan patungo sa Enlecia Academy?"
"Ang patungo sa Enlecia? Mahirap matunton ang Enlecia lalo na kung wala kang kakayahang gumawa ng portal, lumipad o di kaya'y magteleport, ineng. Lalo pa't piling mga tao lamang ang may ganoong kakayahan. Nasa gitna ito ng gubat. Ngunit maaaring hindi mo na lakbayin ang gubat kung alam mo kung saan ang nakatagong lagusan na magdadala sayo sa tapat mismo ng gate na Enlecia" mahabang sagot nito.
"Hindi po ba kayo nag-aral sa Enlecia? Alam niyo po ba kung masaan ang nakatagong lagusan?"
"Ineng, ang Enlecia ay itinayo lamang nitong nakalipas na sampung taon kaya't hindi ako nag-aral dyan. Ngunit alam ko ang tungkol sa sekretong lagusang iyon. Sa totoo lang ay hindi ito isang tagong lagusan. Nandoon lamang ito sa bungad ng gubat. Mayroong butas ang isang puno na nasa kaliwa ng lagusan. Ipatak mo lamang ang dugo mo roon at pumasok sa lagusan. Ang lagusan na ang maghahatid sa'yo sa akademya. Ang mga may dugong Elican lamang ang tinatanggap dito ngunit hindi ang mga kampon ng kasamaan." mahabang sagot nya.
"Ganoon po ba? Pwede nyo po ba akong samahan sa bungad ng gubat?" magalang na paghingi ko ng pabor.
"Pasensya na pero di kita masasamahan. Kailangan ko pa kasing ibenta ito g mga itinitinda ko. Ngunit diretsuhin mo lang ang daan na iyan at makikita mo na ang bungad ng gubat." Itinuro nito ang daan. Nagpasalamat ako sa kanya at agad na tinahak ang daang itinuro niya.
Hindi ko mapigilang tumingin tingin sa mga naggagandahang gamit na itinitinda sa paligid. Totoo nga kaya ang tungkol sa kasiyahang sinabi nung nag-guide sakin kanina? Pfft. Baka naman puro mga kasinungalingan lang yun.
Patuloy ako sa paglalakad nang mamataan ko ang isang puting kabayo sa likod ng isang puno. Malapit na rin ako sa gubat kaya wala nang tao akong nakakasalamuha.
Ipagpapatuloy ko na lang sana ang paglalakad nang nanlaki ang mata ko dahil tumatakbo na ang puting kabayo patungo sa direksyon ko. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa gulat at taranta habang palapit nang palapit ang ang kabayo sa akin. Parang hindi nagfafunction yung utak ko. Ang tanging nagawa ko lang ay ang umupo at maghintay sa impact ng rumaragasang kabayo.
......
Nagtaka ako nang nawala ang tunog ng takbo ng kabayo sa halip ay nakaramdam lamang ako ng mahinang paggulo ng aking buhok.
BINABASA MO ANG
Enlecia Academy
FantasyJainah Vier Austria is not just an ordinary student. She knew it. She knew what she has, had, have. Pero paano kung dahil pala sa kung anong mayroon sya, doon din nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng mga katulad nya sa paligid nya? Will she be b...