Pag dating namin sa School, lunch break sila. Nakita ko agad yung tatlo na nasa Garden.
"Yana di ka manlang ba muna mag aayos?" ika ni Jays
"Bakit pangit na ba ako?" ngisi ko sa kaniya
"Hinde! I mean kagagaling lang natin sa laban tapos ganto itsura natin!?"
"Ikaw lang naman ang nadali ah?"
"Lul! Tara na nagutom ako eh!"
Expected ko ng magugulat sila Ken
"Anong nangyari sa inyo?! Bat may tama ka sa pisngi?!" sigaw ni Ky saken
"Si Jays tanungin niyo Ahha" asar ko kay Jays at naupo sa tabi ni Ken
"Ano kamusta? Kamusta ang date niyo ni Jaydee?! Di ka manlang magtext sakin no!?"
"Bat kita itetext?"
"Nagaalala kaya ako! Kala ko ba uwian pa kayo aalis?!"
"Nagkayayaan eh. Wag ka ng madaldal, nagugutom na ako"
"Oh ayan pagkain mo! Leche!" Woaaah may pagkain na agad ako
"Jays, kain oh." yaya ko sa kaniya
"No thanks, baka madagdagan pa tong tama ko, tingin palang ni Ken eh"
"Tss. Tara na, alam kong pagod ka."
"PAGOD?! BAT SIYA MAPAPAGOD YAN!? ANONG GINAWA NIYOOOOO?" Ky ang boses lintek
"Pumunta ngang Suzuran, Ky. Boses mo nga."
"Pumunta lang kayo napagod agad!? Anong klaseng bisita ba ang ginawa niyong dalawa?! Ha!?"
"Babe, hinaan mo naman yang boses mo" saway sa kaniya ni Vince
"Bilisan niyo nalang kumain, teacher natin si Ser Reyes diba?"
"Oo at sana inisip mong uwian nalang kayo umalis, andami kayang ginawa!"
"Yana, una na ko ha. Vince ikaw di ka pa sasabay sakin?" Ani ni Jays
"Sige, mag iingat ka." Alam na niya ang pagiingat na sinasabi ko sa kaniya.
"Wait Jaydee! Sabay na ko! Bye babeee!" halik niya kay Ky -__-
Kilig naman ang gaga.
"Yan ano? Nagtext Kuya mo sa akin, sabi niya wag ka daw pasaway" sabi ni Ky, pati si Ky ginugulo mo Kuya sabi ng ayokong may nadadamay.
"May kuya ka, Yan!?" Sigaw agad ni Ken
"Wag mong pansinin si Kuya, Ky."
"Hoy Yan! Tinatanong ki--"
"Oo meron narinig mo na ah!?"
"Bat nagagalit ka!? Tinatanong lang naman kita ah!"
Tss, nababahala ako sa mangyayari.
Ang Nara Gang ay grupo ko dati, iba sila kung gumanti. Hindi sila patas. May nangyaring aksidente noon. Ang aksidenteng nangyari sa pamilya ko, tatlong kotse ang nagkabanggaan noon. Ang kotse namin at kotse ng tatay ng isa sa miyembro ng Nara Gang, hindi ko kilala yung isa dahil maliit pa ako non.
Si daddy at yung may ari ng kotseng nabangga namin ay magkaaway, dahil iyon sa business. Ang akala nila ay nagkasadyaan. Pero yung isang kotse na kasama sa aksidente noon ang may kasalanan talaga, lasing yung nagddrive kaya ganon ang nangyari.
Hanggang ngayon di padin namin alam kung sino ba talaga ang may ari ng sasakyan na iyon.
Nang lumaki ako ay nasasangkot ako sa mga away, hanggang sa kinuha ako ng Nara Gang. Akala ko nung una ay gusto talaga nila akong kunin, pero kinuha lang nila ako dahil gusto nilang gumanti sakin. Practice lang sakin, ngunit sa kanila ay totohanan na pala. Nakikitaan nila ako ng potensyal sa paglaban pero umalis ako sa kanila. Na lalong kinagalit nila sakin.
Napunta ako sa Shide Gang. Wala na akong balita sa Nara Gang, simula nung umalis ako. Ngayon siguro ay nagbabalak silang gumanti.
"Yan, tara na ano pang minomoment mo dyan." Ani ni Ken at Ky.
YOU ARE READING
Into You
RomanceIts always you. I tried my self not to think of you, not to be with you. I also lied to my self that i already forget you, that i dont care anymore, that i already moved on to you. Why am i being like this again? I thought i would never loved you...