Chapter 4: Remember Me

325 7 0
                                    

Hapon na ako nakauwi sa dorm dahil tumira muna ako sa canteen dahil sa gutom. I was expecting a greeting from Diane but it seems like she's not yet home.

Nagbihis ako at nag-dive sa higaan ko, this bed is really refreshing.

Ipinikit ko ang aking mga mata trying to drown myself into a deep slumber, pero ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin ako nakakapasok sa dreamland. Nakapikit ako ngunit gising na gising ang diwa ko. Maybe because I woke up with an adrenaline to take such a dangerous act? To think na first time ko sa actual field, and bonus pa na sa nightwoods naganap ang lahat.

Wala ng pag-asa, hindi ko na kayang matulog.

Tinitigan ko nalang ang ceiling, parang nalulunod ako sa iba't ibang kaisipang pumapasok sa isipan ko. It's like I'm under a maze that even if I already memorize the route, I decided to take the opposite one to stay longer.

And its quite a dumb decision.

Parang buhay ko. Pinlano ko ng umalis sa mundo na walang kasiguraduhan kung magtatagal kang buhay o magtatagal kang papatay. Ngunit mistulang sinusundan ako nito at kahit anong gawing pagsarado ang gawin ko ay pumapasok pa rin ako rito.

Habang nalulunod ako sa sariling kaisipan eh biglang bumukas ang pinto and a familliar voice echoed inside the room.

"Venice!" she exclaimed. Hindi ko siya nilingon, sa halip ay ipinikit ko ang mga mata ko.

I heard her footsteps getting near.

"Nakatanggap ka ba ng invitation-- ay mali, nasa akin pala ang invitation mo. Nakatanggap tayo ng invitation!" she excitedly said. Aligaga ata siya ngayon?

Oh, no. Its her usual self.

Pero invitation para saan?

"Come, lets buy some dresses!" excited na sabi niya habang hinihila ako upang bumangon. Agad ko namang inalis ang braso ko sa pagkakahila niya.

"You can buy your own dress. Huwag mo kong idamay." I said coldly to her. Kahit ganito ako sa kaniya, hindi pa rin siya natatakot. Maybe because she's used to it. Or maybe she knows that I cant hurt her.

"Hindi ka ba pupunta?" tanong niya. I dont know whats the occas-- wait. "Today is Zach's birthday." she pointed out. Napaiwas ako ng tingin, right. ZACH's Birthday. Sa narinig ko mas binigyan niya lang ako ng rason upang hindi pumunta. Why would I waste my time on such occassion? Family friend namin ang mga Freniere, hanggang dun lang yun. Hindi ako kilala ni Zach, or maybe he does pero hanggang dun lang.

We dont have personal connections, we are not friends. Ano namang gagawin ko dun? Bonus pa na ni minsan eh hindi ako umattend sa okasyong ito eversince, at bakit ako aattend ngayon?

"Ok I get it." pagsuko ni Diane. "Maghahanap na naman ako ng palusot sa Mom at Dad mo kung bakit hindi ka pupunta." she said like talking to herself. "Last year sinabi kong may lagnat ka. Anong sasabihin ko ngayon? Na may mission ka? Your not yet a reaper, sumama ka sa transaction? Baka tanungin si Aunt Hetta, ugh Venice, ewan ko talaga. Sasabihin ko nalang na nabugbog ka." she said out of frustration.

Narinig ko ang padabog na pagsara ng pinto. Kahit nasa labas palang siya rinig na rinig ko ang pagkakausap niya sa sarili tungkol sa pagkatigas ng ulo ko.

Nagtataka ba kayo kung bakit alam ni Diane? You know that Diane and Zach were childhood friends right?

Diane's parents are one of the stakeholders of the school, aware sila sa Mafia kaya may mga alam si Diane, kaya rin siya invited. Now I wonder kung ano ang mangyayari sa kanila kung magkakaharap sila? Sina Diane at Zach?

The Freniere's Son (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon