Chapter 15: The Stupidest Thing

119 2 0
                                    

Tinignan ni Freniere ang relo n'ya.

"9pm." He announced.

Bigla akong kinabahan.

Ang bigat ng hininga ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita. Two persons who have been with me for the past years are member of that clan. Here I am, totally clueless about that.

"You seem disturbed." Kunot ang noo ni Freniere nang tinignan ko s'ya.

"I... " for the first time I ran out of words. "I think, I need to be alone."

"What?" Bakas sa boses n'ya ang pagkairita, at sa unang pagkakataon natakot ako. "Malapit na ang oras Venice. Ito na ang hinihintay mo hindi ba? To kill a Novou with your own hands?"

Titig na titig si Freniere sa akin. Naiintindihan ko ang ibig n'yang sabihin. Sobrang alam ko ang punto n'ya. Pero the truth hurts so much that I'm having inner conflicts right now.

"You're trembling."

Hindi s'ya nagtanong, he declared I'm trembling.

Hinawakan ko ang sariling kamay dahil nararamdaman ko ang pagnginig nito.

"What's happening Venice? Why aren't you saying anything?"

Iling lang ang sinagot ko sa kan'ya at tumalikod na. I left him there, gusto kong pumuntang CR. Gusto kong mapag-isa. Pero mistulang ayaw ng tadhana na mapag-isa ako.

Dahil nakakita na naman ako ng double infinity.

Natatakot na ako.

Natatakot na akong malaman kung sinu-sino ang nagmamay-ari ng mga kamay na nakikita ko. Inabot ako ng ilang minuto bago nagkaroon ng lakas na tignan ang mukha ng taong 'yun. Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko iyon kilala.

Relax Venice. Think about your brother. This is for him.

Imbes na sa CR, I silently strolled around the venue, looking for people who has the tattoo. Pinilit kong manmanan ang mga iyon, I tried to memorize every one of them.

Umiinom ako ng wine, to have the courage of doing what is planned.

Even if it will hurt me.

"10 minutes." Bigla akong napaigtad. Freniere is standing beside me.

"Kanina ka pa dyan?"

"A minute ago. It took me 20 minutes to look for you. Where have you been?" Base sa kunot na noo n'ya mukhang iritado s'ya.

"Looking for victims."

"And drinking wine? Youre not drunk aren't you?"

Tinignan ko s'ya saglit at inirapan. Does he think I'm weak with alcohols?

Nang napansin n'yang malapit na ang oras. Sinenyasan n'ya ang gitnang bahagi ng venue where some of the people are dancing. Its a couple dance actually.

Hindi sana ako pupunta pero hinila ako. Ayoko namang malugmok at mapahiya dahil nakaheels ako kaya inihakbang ko nalang ang mga paa ko at sinunod s'ya.

"7mins." Bulong n'ya when we stopped at the center.

Medyo na OP kami kasi nagsasayawan ang iba. Malumanay pa ang music at malapit ng matapos ito.

"We should dance, we look like an outcast here."

Unlike how I see it in the movies wherein a guy would ask the girl's hand, Freniere immediately took my hands and put it on his shoulder while his hands went around my waist.

"W-wait..." I was taken aback, honestly.

Kumunot ang noo n'ya. Pero kahit nakakunot ang noo, I found him attractive.

The Freniere's Son (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon