Chapter 17: She's Not Yet Home?!

56 0 1
                                    

Masama kong tinignan si Freniere at umirap. Hindi ko gusto itong nararamdaman ko dahil sa sinabi n'ya.

Hindi ako sanay sa mga salitang ginamit n'ya.

"Baka nakakalimutan mong trainer mo ako, mas magaling ako makipaglaban sa'yo, I can handle myself," I composed myself after saying that.

"Kaya ba andito ka at puno ka ng pasa?"

Hindi na ako nagsalita. Ayokong makipag-away sa kan'ya, for some reason I find it hard to look at him and find it hard to stop myself from giving meanings to his words.

"Mga Novu ba ang gumawa sa'yo n'yan? May mga Novu ba na nakapasok dito?"

Napatulala ako palayo sa mga mata n'ya. Ayokong sagutin s'ya. Ayoko pa.

"Gusto kong magpahinga Freniere," Tinalikuran ko s'ya at nagtalukbong ng kumot. I heard him sigh. Ipinikit ko ang aking mga mata at nagdesisyon na matulog.

Hindi ko na alam kung umalis ba si Freniere o nanatili dahil hindi rin nagtagal ay nilamon na ako ng antok.

Hapon na nung bumangon ako, nagising ako ng lunch time dahil kumain lang ako at bumalik na sa pagtulog. Ngayon medyo maayos na ang pakiramdam ko, hindi na masyadong masakit ang katawan ko.

"Aalis ka na?" The nurse asked nang lumabas ako sa may curtain.

Tumango ako. "Opo."

"Upo ka muna tatawagan ko lang si Mr. Freniere." She said smiling at me and about to call someone on the telephone pero agad ko 'yung naagapan.

"W-what? What for?"

"He told me to inform him when you leave. Hindi ka raw dapat umalis ng mag-isa--"

"No, I can handle myself. Huwag mo na s'yang tawagan."

Anong pinag-iisip ni Freniere? Bakit naman s'ya nagkakaganyan? Alam naman n'ya na hindi ko kailangan ng kung anumang proteksyon ang pinagsasabi n'ya kanina. He knew so well that I can handle myself. Ano pa't naging misyon ko ang protektahan s'ya? Dapat nga s'ya 'yung pinoprotekahan ko and not the other way around.

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ng nurse at nagpasalamat ako at agad na lumabas. Plano ko sanang magpahinga na sa dorm, alam ko, sobrang productive ng weekend ko. May assignment kaya kami? Dapit inaalala ko rin ang mga bagay na 'yan eh, masyado akong involve sa mafia na mismong buhay ko nakakalimutan ko na.

"You're here! Nagluto ako ng dinner," Dianne smiled at me when I enterred the room. "I want to take care of you, you know."

Tinignan ko s'ya saglit. Kung iisipin s'ya 'tung kailangang alagaan. Inaalagaan nga s'ya ng inaalagaan ko eh.

I really feel so bitter at some point.

Naghapunan nga kami ni Dianne, her cooking skills are fine, hindi lang talaga s'ya pala luto kasi palagi kaming kumakain sa labas. Besides, she doesn't need to.

"Ven, thank you ah?"

In the middle of taking our dinner bigla s'yang nagsalita. We were silently eating our dinner a while ago. Tinignan ko lang s'ya saglit at pinagpatuloy ang pagkain ng adobong manok na niluto n'ya.

"Para sa'n?"

"Dahil sa'yo nagkakalapit ulit kami ni Zach."

Bakit biglang pumait ang kinakain ko?

"You know how much I wanted to be remembered by him right? Tapos ngayon, palagi na kaming magkasama," She giggled. "Nakakakilig sa tuwing nagiging protective s'ya sa akin. Pakiramdam ko isa akong prinsesa na prinoprotektahan ng kan'yang prinsipe."

The Freniere's Son (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon